Mag-aalas dose na rin nang matapos kong asikasuhin si Andre. Mabuti na lang at madali akong nakapag luto at ibinili ko na rin siya ng gamot na pwede niyang inumin para mawala yun lagnat niya. Nakatulog naman siya agad at bumaba na ako para ligpitin ang mga ginalaw kong gamit sa kusina niya.
Matapos kong maghugas ng pinggan at baso, binanlawan ko ang pinamunas ko sakanya at naghanda ng panibagong tubig na may alcohol. Buti na lang at tulog pa din siya nang umakyat ako.
"Sana naman gumaling ka na bukas. Kasi hindi ko alam kung sino pwede mag-asikaso sa iyo nun kapag dumating ang Lunes at nakahiga ka pa din sa kama mo nang maysakit ka." sabi ko sa kanya habang pinupunasan ko siya. Alam ko namang tulog na siya nang mahimbing kahit na hawak ko ang braso nya.
Napagpasyahan kong sa sala na lang muna niya ako magsstay at gigising na lang ako nang maaga para maipaghanda siya nang makakain bukas. Buti na lang at ppuwede akong magstay muna dito dahil mag-isa lang rin naman ako sa bahay at walang nag-iintay sa akin.
==================
Napabalikwas na lang ako sa kinahihigaan ko dahil sa panaginip ko.
Hinanap ko agad ang cellphone ko at nakita kong alas-singko na ng madaling araw. Itinaas ko ang venetian blinds ng salamin na pader sa sala at madilim pa ang langit.
Pumunta naman ako sa kusina para tingnan kung ano ang maluluto, nakita kong pwede akong magluto ng chicken macaroni soup na kasing sarap ng galing sa sikat na fast food chain kaya inihanda ko na sa lamesa ang mga sahog.
Umakyat muna ako sa kwarto ni Andre para i-check kung okay pa ba siya dala ang bagong maligamgam na tubig na may alcohol.
Nakita kong mahimbing pa rin siyang natutulog kahit na butil butil ang pawis niya sa mukha.
Sa totoo lang ay napanaginipan kong natutulog daw ako sa tabi ni Andre at yakap-yakap ko pa daw siya. Medyo nakakapangilabot dahil never ko naman naimagine iyon. Malapit na ba akong maging matandang dalaga para mapanaginipan yung mga ganung bagay? Luhh.
Mabuti at hindi na siya mainit tulad nung dinatnan ko siya kahapon. Halos normal na ang temperature nya pagcheck ko sa thermometer. Kung hindi pa umayos ang lagay ni Andre ay pipilitin ko siyang pumunta na lang ng hospital. Kaya ko naman na siyang ipag-drive kung sakali.
Pagbalik ko sa sala narinig ko agad ang phone ko na tumutunog.
Tumatawag si Aila.
"Hello? Oh bakit?" tinanong ko na agad siya.
"San ka girl?"
Ayun lang. Ano namang sasabihin ko? Nasa bahay nung isang manager sa kompanya na pinapasukan ko? No.
"Bakit mo tinatanong?" sagot ko.
"Urgent to girl. Very urgent, super urgent!"
"Anu ba yun? Sabihin mo na kasi may gagawin pa ako."
"Ang aga-aga, may gagawin ka? Bago yan ah? May lakad ka ba? Anong gagawin mo?"
Hindi pa naman ako nadulas. Pwede pang i-deny.
BINABASA MO ANG
Bitterella Cinderella
RomanceShe was bitter. She thought she wouldn't love anymore. Until she find someone who catches her heart. But then when that time came, her old love came back. Will she be willing to stick with her first love until the end? Or will she be embracing the c...