Ikaw ba yan?

33 0 0
                                    

Nagising ako sa malakas na ring ng cellphone ko. Kinuha ko iyon at tiningnan kung sino ang tumatawag. Si Aila. Nakapikit pa ako nang magsalita. Hindi ko pa kayang dumilat. Ang sakit ng mata ko dahil sa puyat.

"Aila, bakit ka tumatawag? Ang aga-aga mo naman manggising."
tinatamad kong sabi.

"Sabado ngayon girl! Araw mo ito!"
at ang lakas lakas ng boses niya.

"Hindi ko birthday. Matagal pa birthday ko. Hindi ako nag-set ng alarm ngayon kasi sabado tapos ikaw naman pala manggigising. Ang jepal jepal mo te."

"Malamang hindi mo birthday! Excited lang ako para sa'yo. Ngayon ang punta natin ng salon di'ba?"

"Ano namang nakaka-excite dun? Gusto ko pang matulog, patulugin mo ko pwede? pwede?"

"Basta kita tayo afternoon, mga 4pm okay?"

"K. Bye."

Pagod na pagod ako kagabi dahil sa late na ako nakaalis sa trabaho. Nagdemand ang upper management na bilisan ang pacing ng mga on-progress na projects. Kaya ang nasa team ko, inupdate namin lahat ng projects at gumawa ng panibagong timeline. Ughh. Hindi ako workaholic. On time ako dumadating at umaalis ng trabaho. Hindi naman ako yayaman sa overtime at hindi naman nadadala ng overtime ang performance sa trabaho. It doesn't mean that if you stay longer at work, you are more committed. It depends on the quality of work na ginagawa mo, kesa dun sa duration ng work mo. Parang relationship lang. Hindi lahat ng matagal sa relationship ibig sabihin masaya na. Yung iba kahit sobrang tagal na nilang magkasama, nagbabangayan naman sila lagi. Yung iba naglolokohan na lang. Asan ang quality dun? Yung iba naman kahit saglit lang magkasama, araw-araw masaya sila. Feeling nila forever na sila. Well, feeling lang nila yun. Magkakasawaan din kayo. May isa ding bibitaw sa inyo. HAHAHAHA.

Ang aga-aga ampalaya mode agad ako. Paborito ko nga pala ang ampalaya. Anong connect? Wala lang. Haaay. Naalala ko kung sino unang nagpakain sa'kin ng ampalaya. HUHUHU. MEMORIES. HASHTAG HUGOT 101. PACKING TAPEEEE!!!
Oo. Siya ang unang nagpakain ng ulam na ampalaya.

OKAY, BACK TO REALITY.

Hindi ko na nagawang matulog. Kinuha ko ang cereals sa ref at kumain.
Tiningnan ko ang oras at 9am na ng umaga. Kapag sabado karaniwan nagjojogging ako. Maaga akong gumigising, pagdating ng alas sais lalabas ako ng unit at magiikot sa lugar namin. Hindi ako mahilig sa friday night out at trabaho bahay lang ang gawa ko. Maliban na lang kung mag-aaya yung mga malalapit kong kaibigan. Hindi din ako masyadong sumasama sa mga katrabaho ko pag lumalabas sila. I want time for myself.

Loner ka lang Darrah. Palusot ka pa.

Nagbihis ako ng leggings at nagsuot ng hoodie. Nagsuot din ako ng shades at face mask. Yung surgical mask.
Ganyan lagi outfit ko pag nag-jjogging. Medyo weird pero ayaw ko lang may makakilala sa'kin. Bihira kasi may nagjojogging sa amin at ayaw kong pagtinginan ako ng makakasalubong o madadaanan ko sa daan. Kaya pag ganito outfit ko, tingnan man nila ko, hindi naman nila ko makikilala. Bwahahaha. Ang talino ko di ba?

Bumaba na ako sa building namin at naglakad palabas. Masyado nang mainit. Okay lang, hindi naman ako masisinagan ng araw. Balot na balot kaya ang katawan ko. HAHAHA.

Mga 30 minutes din ako nagjogging at tagaktak ang pawis ko sa katawan. Naglalakad na ako pabalik ng bahay nang maisipan kong dumaan sa maliit na park malapit sa amin. May mga naglalarong bata dun at nakiupo ako sa swing.

"Ate, ate, bakit ka nakaganyan? May sakit ka ba?"

sabi nung isang cute na batang babae dun na nasa see-saw na may malaking spring. Kahit wala siyang kalaro, nagbbounce padin siya dahil dun sa spring.

Bitterella CinderellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon