Naligo naman ako at nagbihis na para masamahan siya sa bahay niya. Nagpaalam naman siyang maghihintay na lang sa convenience store sa tapat ng apartment building na tinutuluyan ko.
Nagsuot ako ng skinny jeans at moccasins at medyo loose na plain light blue na long sleeves. Dinala ko na lang yung maliit kong sling bag at nilagay ang phone at wallet ko. Hindi ko na dinala ang make up kit ko. Rest day for make up. Nakakapagod din noh. Nagdala at naglagay na lang akong pressed powder at yun light colored na lipstick.
Sumakay na lang kami ng taxi papunta sa kanila at nagulat na lang ako sa laki ng condo unit niya. Nasa 100 to 120 square meters din yun laki at hindi lang yun, may second floor pa yun condo niya! Hindi ako makapaniwala na siya lang ang nakatira dun.
"Wow, ito yun bahay mo? Ang ganda! Mag-isa ka lang dito? Ikaw yun bumili nito? Anak mayaman ka ata talaga eh!" Sabi ko sa kanya habang hindi ko mapigilang iikot yun mata ko.
Tumawa naman siya at itinuro ang couch para maupo ako.
"Actually, matagal na akong nag-invest para mabili itong bahay. nasa 7 years na rin akong nagttrabaho and it's good to see na may pinatutunguhan yung pingttrabahunan ko. And para na rin sa future family ko." Inabutan niya ako ng juice at kinuha ko iyon. "Yun nga lang, it's a bit sad kasi hindi ko pa maidentify kung sino yung magiging wife ko."
"Ang swerte ng magiging asawa mo, may bahay ka na, meron ka ding sasakyan. Ang gagawin niya na lang is wife duties. Wala ka bang naging girlfriend? or prospect girlfriend?" Natawa naman ako sa natanong ko. But seriously, ang swerte ng magiging wife niya. It seems that napakatino niyang lalaki, napakaresponsible at isa siyang husband material.
What did I just say? Husband material?? Erase erase! May naalala na naman ako. Tss.
"Well, meron akong girlfriend dati, pero sa ngayon, wala akong.. prospect girlfriend." Sabay tawa niya. "Prospect wife meron."
"What? Ayos ah, as in sure ka na, na siya yung gusto mong maging wife? Ang swerte naman niya kung ganun." Tiningala ko siya, "Wait, baka naman naman magalit siya na nagpunta ako dito? Baka masabunutan ako ng hindi oras ah!"
"Don't worry. hindi niya alam... hindi niya alam na prospect ko siya." Naglakad siya pabalik ng kitchen para isauli ang pitsel ng juice. "And we have no means of communication via phone or social media. Nakita mo naman yung inbox ko 'di ba?"
"Ganun ba? Nacurious tuloy ako kung sino siya. Pero nakakahiya naman magtanong nang magtanong, baka sabihin mo, feeling close ako sa'yo... Mr. Manager." Tumawa na lang ako.
"Ayaw mo ba ng bagong kaibigan? Maliligo muna ako, sasagutin ko mga tanong mo later. Feel free na manuod ng TV." Nag-wave pa siya habang nakatalikod at tuluyan na siyang umakyat para pumunta sa room niya.
Mukhang hindi ko naman na kailangan manuod ng TV dahil mauubos din ang oras ko kakaikot ng mata ko sa unit niya.
Minimalist style ang sala niya at halos wala akong makitang ibang kulay kundi itim o puti. Sa sala niya ay may isang 42 inches lang naman na flatscreen TV, na nakalagay sa isang TV storage na pagkalaki-laki. Merong display na mga figurine sa mga compartment sa magkabilang gilid.
Nakaupo naman ako sa itim na synthetic couch na sobrang lambot. Yung mga unan na square sa couch eh itim at puti din. Meron namang dalawa pang maliit na solo sofa sa kanan at kaliwa. Yung coffee table sa gitna ng sala eh halatang mamahalin na glass table na may border na puti. May kulay dark gray naman yung carpet na sakop yung buong space na napapaligiran ng sofa set. Tapos may maliit na glass bowl ng candies sa gitna. Meron ding maliit pang coffee tables sa kaliwa at kanan ng malaking couch. Vase yung nakalagay sa isa at dun sa isang malapit sa akin eh parang childhood picture niya kasama siguro yung mga kapatid niya dahil tatlo sila dun at pinakamaliit yung babae. Magkakamukha din sila. Ang cute niya dun dahil naka-jumper siya at nakaakbay sa batang babae. Tapos sa isang kamay eh may hawak na stuff toy na pusa.

BINABASA MO ANG
Bitterella Cinderella
RomanceShe was bitter. She thought she wouldn't love anymore. Until she find someone who catches her heart. But then when that time came, her old love came back. Will she be willing to stick with her first love until the end? Or will she be embracing the c...