Untitled part

6 0 0
                                    

Matagal ko ding pinag-isipan kagabi kung paano ko makakausap si Andre dahil wala naman akong cellphone number niya. Hindi din kami friends sa fb. Kahit na hindi ako dapat mabother dun sa nabasa ko, hindi ko alam kung bakit ang lakas ng kabog ng dibdib ko na parang kinikilabutan nang mabasa ko yun.

Siya kaya nagsulat nun? Para sa akin kaya yun? Ako ba yun tinutukoy nyang.... prospect wife nya???

Pero pag naaalala ko na yung tinutukoy niyang prospect wife niya eh matagal niya nang kilala, mas lalo akong naguguluhan, syempre contradicting. Hindi ko naman siya matagal nang kakilala. Nitong sinungitan niya ako nung meeting doon ko lang siya napansin. At doon lang kami nagkakilala. So iniisip ko malabo. At sa itsura kong to? Na kakarecover lang sa pagkakasadlak ng beauty? Hindi naman ako ganun kaganda at ka-blooming. At sobrang madami pang babae sa office namin at mas lalong outside office namin na mas maganda sa akin. Pero syempre, hindi lahat matalino. HAHAHA.

So, iniisip ko, baka naman sa ibang babae niya dapat ito ibibigay. Baka nga yun prospect niya kapitbahay niya lang eh, kilala niya pero di sya kilala. Baka ibibigay niya yun pag nagkasalubong sila. Di'ba? Sobrang possible nun.

Doon naman sa part na hindi pa nakaka-move on, kaya napapaisip talaga ako na baka ako yun. Pero kung irarationalize mo ang bagay-bagay, madami namang babae na hindi basta-basta nakakamove-on agad.

Karaniwan naman pag ang babae iniwanan, hindi naman sila agad nakakakita ng kapalit or madalas hindi nila ineentertain yun mga bagong nanliligaw sa kanila kasi di pa sila ready sa another relationship, still stucked in the past.

All in all, ang gusto ko lang talagang malaman eh ano bang ibig sabihin nung ibinigay niya at kung ano ang katotohanan. Kung talagang para sa akin ba yon o naibigay niya lang sa akin o naidikit niya lang yun sticky note na yun doon.


Halos isang buwan na rin kasi yun lumipas after naming magkausap. Grabe lang, kung totoo man yun, bakit hindi man lang niya ako itext, meron naman siyang number ko. Eh di para na rin pala siyang si Calvin. Wait. Magkaiba pala sila. Andre is far more good than Calvin. Parang halos langit na nga siya eh. Sobrang stable niya na sa buhay. Wala na sigurong mahihiling yung babaeng papakasalan nong taong yun.

Well, tama na. Wala rin naman akong karapatan na magdemand na pansinin niya ako or magparamdam siya over the phone kasi magkaibigan lang naman kami. Duh.


------------

Sinubukan kong ie-mail si Andre tungkol dun. Pero kahit kinabukasan wala namang reply. Tiningnan ko communicator niya pero offline. Dahil sa wala na akong masyadong ginagawa, sinearch ko sa internal website namin yung pangalan niya para malocate ko kung saan ang office niya.

Pero maya-maya naisip ko na nakakahiya pumunta ng office niya mismo kaya naghanap na lang ako ng taong hawak niya sa department nila para doon ako magtanong sa communicator.


*communicator - ito yun corporate chat / company messaging application. For example, skype for business, google hangouts, etc.


Syempre, dahil magaling ang stalking skills natin, nakahanap ako ng taong suitable pagtanungan. Chineck ko yun hiring date ng mga taong hawak niya at pinili ko yung isa sa pinakabago lang sa team nila, para walang masyadong tanong sa'kin.



CHAT:

Ako: Hi, good day. Just want to ask if Sir Trasierra is at your office?

Bitterella CinderellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon