Laugh.

10 0 0
                                    


Isinandal ko muna siya sa pader at sinubukan hanapin ang phone niya sa bag. Yung dalawa na lang na lalaki ang naiwan at kaming dalawa ni Andre. Naconfirm ko na mga new hire ito at laking pagpapasalamat ko na lang dahil alam kong hindi sila yung tipong magsisimula ng issue. 

Nang mapansin kong nasa bulsa niya ang phone niya ay kinuha ko. 

Tinapik ko ang ulo ko nang marealize na hindi ko naman din alam kung sino ang tatawagan. Obviously, nakalock ang phone niya. Wala din akong napansing nagtext or any message na naghahanap na sa kanya or sinasabihan siyang umuwi na nung nagscroll down ako para tingnan ang mga notifications. Wala ding missed calls. Puro e-mails ang notification na nakita ko.

Seriously? May pamilya ba itong taong to??


"Ma'am, mauuna na po kami, baka wala na rin po kaming masakyan pauwi eh.." Sabi nung isang new hire. 

"Hmm, pwede bang tulungan niyo akong isakay siya sa taxi bago kayo umalis?" Sabi ko sa kanila. 

Hindi ko sinabi na hindi ko alam ang bahay nila. Naisip kong bahala na. Nagbook ako ng taxi sa mobile app. 

Maya-maya lang ay dumating na ang taxi at tinulungan naman ako nung dalawa. Nagpasalamat ako at binigyan sila ng pang taxi rin nila para sa abala na.. uhh. Ginawa ni Andre. Tinakot ko din sila na 'wag nilang ikkwento kung ano ang nakita nila ngayong araw. Mas matanda ako sa kanila kaya medyo nasindak ko naman sila. Anu ba, mukha tuloy akong may tinatago! Langya naman o. Pero mas mabuti na yon kesa naman mapag-usapan pa ako sa office. 


"Ma'am saan po ang daan natin papuntang Rosewood?" Sabi nung driver. 

"Kayo na pong bahala, kung saan po hindi trapik at mas mabilis ang byahe."


Oo, no choice. Dun na lang siya magstay sa bahay. 


....

Mabuti na lang at nailabas ko na ang susi sa main door kaya madali naman kaming nakapasok. Sobrang bigat niya. Putik. Ang tangkad kasi. 

Tinanggal ko ang pagkakaakay sa kanya at iniupo siya sa sofa. Maya-maya ay napahiga siya. Grabe itong taong to, walang gising-gising? Maalimpungatan ka man lang sana please? 

Sinubukan naman namin siyang gisingin kanina pero wala, tulog na tulog. 


Ibinaba ko na ang bag ko at kumuha ng damit. Mabilis akong pumasok ng  banyo para maghilamos. Siniguro kong nakajogging pants ako at naka t-shirt. Takte, sa tanang buhay ko, never akong nag-uwi ng lalake sa bahay!!


Paglabas ko eh napansin ko agad siya sa sofa. Mukhang nahihirapan siya sa puwesto niya kaya itinaas ko ang paa niya. 

"Hayy.  Ano, tatanggalin ko ba yung sapatos mo? Medyas mo?" Mahina kong sabi. 

Tumayo ako at nakitang nahihirapan siya sa puwesto niya. Hindi kasya ang mahaba niyang katawan sa sofa. Naawa naman ako sa kanya. 

"Bakit ka ba kasi naglasing, mukhang hindi ka naman marunong uminom?" Kumuha ako ng kumot at yun ang nilapat ko sa kama ko. 

Naiisip kong diyan na lang siya matulog sa couch pero naawa ako sa kanya kaya napagpasyahan ko na ilipat na lang siya sa kama. 

Nilapitan ko siya at tinanggal ang sapatos niya at medyas. Pagkatapos nuon ay kinuha ko ang braso niya at iniakbay sa akin. Mabuti na lang at ilang hakbang lang ang pagitan ng couch at ng kama. 

Bitterella CinderellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon