[First Person POV]7:45 AM dumating ako sa University, diretso akong pumunta sa classroom namin. Bigla kong naalala yong nakasulat sa whiteboard kahapon yong salitang "Welcome". Kinunan ko yon ng sample at pinatest yong anong klaseng dugo yon at positive dugo nga ito ng isang tao. Kaninong dugo yon? Sa tingin ko may kakaibang pangyayari dito pero binabaliwala lang nila. Kaya ba nasa rules nila walang police na gagalaw sa kanila dahil ba may kababalaghan silang ginawa? E.L. University anong klaseng University ka.
"Rhys, muntik kanang late." Sabi ni Eli. Ngumiti lang ako sa kanya at umupo sa tabi nito.
"Medyo busy lang sa bahay. Alam mo na wala si Chrys." Palusot kong sagot sa kanya,kahit ang totoo galing pa ako sa isang laboratory para kunin yong test na pinagasa ko.
"May mga katulong naman kayo. Magpapatulong ka sa kanila." Hera said.
"May sarili silang trabaho Hera. May assigned area sila kaya kailangan ko ring gawin yong task ko." Sagot ko.
"Okay. " Maiksing sagot nito.
Lumipas ang ilang minuto nagsidatingan na yong mga kaklase namin sa first subject. I silently and secretly observing my classmates. Habang isa isa ko silang tinitingnan may biglang pumasok sa isip ko. Bat ganito ka weird ang paaralang ito? Anong tinatago nila? Anong pakay nila bat may ganitong paaralan sila?
"Rhys,parang ang lalim ng iniisip mo." Biglang tanong ni Hera.
"Hera maman, bat bigla kang nagsalita jan." Reklamo ko. Sino ba naman di magulat nakatungaga ako rito tapos may biglang nagsalita.
"Nakatungaga ka kasi kaya hinde moko napansin. Bakit anong iniisip mo?" Tanong ni Hera.
"Nothing,kapag nakatungaga ba may inisip na agad? Hinde ba pwedeng bored lang?" Sabi ko.
"Pwede naman." Sagot nito
Hindei pa ba magsisimula yong klase natin?" Tanong ni Eli habang abala sa cellphone niya.
"Yan din inisip ko eh. Kanina pa tayo nakaupo at naghihintay dito pero wala pa ring guro na dumating." Sagot ni Hera sa tanong ni Eli.
"GUYS!!! IT'S TIME FOR A GAME!!" Sigaw ng isang lalaki mula sa bandang solok ng classroom.
"Ano raw? Time for what?" Tanong ni Eli.
"Time for game raw. Yon yong sigaw ng lalaki eh." Sagot ko. Kanya kanya silang tumayo at umupo sa gitna. Pabilog yong pagkakaupo nila.
"Hey! Kayo! Ano pang hinintay nyo jan?" Medyo inis na sumbat ng babae sa aming tatlo.
"Sorry to ask huh. Ano tong ginagawa niyo?" Tanong ni Eli.
"Playing a game." Simpleng sagot ng isa pang babae.
"A game? Anong klaseng laro yan? Ilagay yong panyo sa likuran ng taong napili mo at kapag hinde niya napansin huhulihin mo? Tapos siya na naman ang taya? Ganon ba?" Pabirong sabi ni Eli sabay tawa. Pero agad ring nawala yong tawa sa mga labi ni Eli nong nakita niya na lahat ma mga kaklase namin seryosong nakatingin sa kanya.
"What? Anong tinitingin niyo jan?" Dagdag ni Eli .
"Eli." Awat ko sa kanya.
"Halika kana." Dagdah ko.
"Remember the rule number three Eli." Hera said at tumayo saka lumapit sa mga kaklase namin. Wala kaming magawa kundi sumabay nalang sa trip nila.
"Sasabay rin naman pala." Angas na sumbat nong malditang babae. Bakit nasabi kong maldita? Kasi halata naman sa mukha niya.
"Sino nakakuha ng jackpot?" Diretsong tanong ng isang lalaki na medyo bad boy yong dating. Magulo yong buhok niya at naka unbottom yong polo niya. Medyo maamo din ang mukha,pero hinde ko alam kong maamo rin ba yong ugali niya.
BINABASA MO ANG
Class Of Death[Truth Or Dare] (COMPLETE)
RandomWARNING ⚠️ This story includes references to parental death, violence, and abuse.