Chap.3[(Genus Mortis) Stanger Advice]

28 3 0
                                    

Chap. 3 ( (𝐺𝑒𝑛𝑢𝑠 𝑀𝑜𝑟𝑡𝑖𝑠) 𝑆𝑡𝑟𝑎𝑛𝑔𝑒𝑟 𝐴𝑑𝑣𝑖𝑐𝑒)

[First Person POV]

Maaga akong pumunta sa condo unit ni Eli without reason. Wala lang,maybe excited lang talaga ako na makita ang University na sinabi ni Eli. Nong kinwento ni Eli sakin kahapon ang tungkol sa University na yon bigla nalang akong nagka-interest without knowing the real color of that University. Ewan ko ba,basta interesadong interesado ako sa University na yon. Sa tingin ko mag eenjoy ako sa University na yon.

"Hi" Bati ko kina Hera at Eli ng binuksan nila ang pinto. Hinde ko na sila hinintay na magsalita pa diretso akong pumasok sa loob.

"Hoy!hoy! Sinabi ko bang come in?" Pagdadramang sabi ni Eli. Babaeng ang daming pakulo sa buhay.  Diko alam bat mahilig magdrama ang babaeng to. Bibigyan kona kaya to ng award?

"Himala at gising kana." Sabi ko pero ang totoo iniba ko talaga ang usapan. Hindi ako kumagat sa drama niya,ang badoy kasi kapag papatulan ko pa ang mga drama niya.

"Himala? As in himala talaga Rhys? Hinde ba pwedeng baka inspire at excited lang." Reklamo niya. Sabagay sino ba naman ang hinde gigising ng maaga  kapag excited ka diba? Lahat naman siguro tayo magigising ng maaga kapag excited lalo na kapag may pupuntahan ka.

"Pwede rin naman." Sagot ko at umupo sa coach nila.

"How about you Hera? Excited ka rin ba?"Tanong ko. Nanibago kasi ako kay Hera,ang tahimik niya. Parang magkadikit ang mga labi nito kaya hinde makakapagsalita. Or maybe takot lang siya kaya hinde siya umiimik ngayon? Ganon na ba talaga kasama ang kutob niya sa University na yon para tatahimik na siya sa buong usapan?

"I'm fine--I mean yes. Excited din naman ako makita ang University'ing sinasabi ni Eli kaso inu-unahan lang talaga ako sa takot." Hera replied. Lagi ka na lang ba takot Hera? Pwede bang maging matapang ka for today's event?

"Alam mo Hera,kong ako sayo buksan mo nalang yong puso mo para sa University na yon. Kunwari ka pang takot tapos kalaunan magugustohan mo rin naman pala." Eli said.

"Basta Eli,iba talaga ang kutob ko sa University na yon" Hera said.

"Fine! Fine! Fine,hinde na ako kokontra sa sinabi mo." Eli said.

"Excuse muna Rhys huh., bihis lang ako. At ikaw Hera buti pa magbihis kana lang din." Dagdag nito saka pumasok sa kwarto niya. Samantalang si Hera naiwang tulala sa sala.

"Hey! Hera!" Sabi ko and I snap my finger at dahilan ng kinabubuhay ni Hera.

"B-bakit Rhys?" Tanong nito.

"Hinde ka ba magbibihis? Don't tell me hinde ka sasama sa amin ni Eli dahil natatakot ka?" Tanong ko.

"Ahh h-huh? Magbibihis na. Excuse muna Rhys." Hera said at pumasok na din sa kwarto nito.

Hanggang ngayon nakikitira padin si Hera sa condo ni Eli. Wala na yata siyang balak umuwi sa bahay nila. Maybe dahil sa some issues niya sa parents niya. Napaka strict kasi ng daddy ni Hera dahil sa sobrang strict nito ayan tuloy lumayas si Hera sa pamamahay nila. Samantalang yong mommy niya tamang abang lang sa casino.

Hinde naman mahirap ang pamumuhay nila Hera para mag end sa makikitira nalang siya. The reason kong bakit nakikitira siya dahil pinablock lahat ng parents niya ang mga bank account ni Hera. Inshort kinuha ng parents  niya lahat ng pera ni Hera  simula ng lumayas siya sa pamamahay nila. Kaya ayan wala siyang ibang magawa kundi ang makitira.

Kahit isang beses hindi pa ako nakapunta sa bahay ni Hera. Kahit nong nakatira pa siya sa bahay nila,ayaw niya kasing papuntahin kami ni Eli sa kanila baka kasi magkagalo lang.

Class Of Death[Truth Or Dare] (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon