Chap. 88 [Second Chance]

16 0 0
                                    

[First Person POV]

"I'm also a Lifenzo,Rhys. Ako ang nag iisang anak ni Aizhelle. I'm sorry, I'm sorry for betraying you. Pinagkakatiwalaan mo'ko, niligtas mo'ko, niligtas mo ang buong barkada ko pero ito yong ginawa ko sayo. Trinaydor kita. Pinapaniwala kitang biktima rin ako sa University nato. I'm sorry. I'm sorry for betraying you Rhys." Sumbat ni Precious at bigla itong lumuhod sa harap ko. Hinde ako makagalaw dahil sa gulat na nararamdaman ko. Hinde! Hinde to totoo, nagbibiro lang si Precious. No!!

"Tumayo kana! Alam mo ang ganda ng naisip niyong prank. Tumayo kana jan Precious." Sumbat ko.

"Teka nasan ba sila Maica and Cheena? Saka si Eli and Hera? Nandito rin ba? Nasan sila?" Dagdag ko at napatingin-tingin pa sa paligid. Binalik ko yong tingin ko kay Precious at nakaluhod parin siya sa harap ko.

"Hoy! Tumayo ka na jan!" Sumbat ko ulit.

"Hinde to prank Rhys. Totoo ang sinasabi ko." Sumbat ni Precious at inabot sakin yong cellphone niya. Kinuha ko ito at tiningnan yong screen ng phone niya. Isa itong picture ng birth certificate. Tiningnan ko ito at mas nagulat aki sa nabasa ko. Hinde nagbibiro si Precious? Totoong Lifenzo rin siya? At kagaya ni Kin,she betrayed me?

Napakagat ako sa ibabang labi ko habang napatingin sa taas. Anong klaseng tao ba tong nakakasalamuha ko? Bakit lahat nalang tinatraydor ako? Wala na ba talagang mapagkakatiwalaan ngayon?

"Nagsasabi ako ng totoo Rhys. And I'm sorry." Sumbat ulit ni Precious. Hinde ko alam kong totoo at sincere ba yong paghinga niya ng tawad o baka nagpapanggap lang siya.

Anong klaseng pang uuto ba to Precious? You save me tapos sasabihin mo saking trinaydor moko? At ngayon hihingi ka ng tawad? Akala mo ba ganito lang kadali yon?

"Precious! Ano to? I mean bakit ganito? I trusted you! Tapos ganito lang?  You betrayed me? Pinapaniwala mo'ko na victim ka? And now you save me! Anong klaseng pakulo ba to? Huh?" Pasigaw kong sumbat sa kanya. Hinde ko maiintindihan kong bakit ginawa ni Precious to. Bakit ngayon lang sinabi sakin ang totoong pagkatao niya?

"At ikaw Faye? Alam mo rin ang tungkol dito? Tinago mo rin sakin ganon? So lahat kayo nagsisinungaling sakin. Lahat kayo tinatraydor ako ganon ba?" Dagdag ko.

"Maniwala kaman o hinde pero ngayon lang rin nila nalaman ang pagkatao ko Rhys." Sumbat ni Precious.

"Ngayon lang? At akala mo maniniwala ako Precious? Ngayon sabihin mo sakin paano ako maniniwala sayo?" Sumbat ko.

"Totoo yong sinabi ni Precious,ngayon niya lang sinabi sa amin ang totoong pagkatao niya." Sumbat ni Faye.

"Natural kakampihan mo siya Faye,kasi nga kaibigan mo siya. Pero ako hindeng hinde niyo'ko mapapaniwala sa mga sinasabi niyo." Sumbat ko.

"Wala na akong dapat na patunayan sayo Rhys. Dahil totoong ang sinasabi ko na ngayon ko lang din sinabi sa kanila ang tungkol sa pagkatao ko. Sa tingin mo alam madali lang para sa akin aaminin sa mga kaibigan ko ang tunay na ako? Ano taas noo kong sasabihin kina Faye,kina Cheena kina Maica na mama ko yong Dean ng University? Na mama ko yong pasimuno ng laro? Na mama ko yong mamatay tao? Na mama ko yong nagtangka ng buhay nila? Hinde Rhys! Kaya maniwala kaman o hinde wala na akong dapat pang patunayan sayo. Yon na yon! Kong ayaw mong maniwala desisyon mo yon. Pero utang na loob Rhys kong ano man ang galit n nararamdaman ko sakin wag mong idamay sina Faye,Maica at Cheena dito dahil wala silang kasalanan dahil hinde ko sila kasabwat sa pagtraydor sayo. Kong ano man ang naging kasalanan ko sayo ako lang yon hinde sila kasali don. Kaya sakin ka magalit,wag muna idamay ang mga kaibigan ko." Naluluhang sumbat ni Precious habang nakaluhod parin sa harap ko.

"Rhys,sinikap kong maligtas ka kapalit ng pagtraydor ko sayo. Pero kong hinde pa sapat yon sa ginawa kong pag tryador sayo sige. E-hostage  mo'ko. E-hostage moko sa sarili kong ina. Kong maari saktan moko sa harap niya. At ibibigay ko sayo yong permesong patayin ako. Kong kailangan patayin mo'ko sa harap ng ina ko gawin ko yon! Kong yon ang natatanging paraan para titigil yong mama ko sa kasamaan niya gawin mo yon! Rhys ayoko na! Mahirap rin sakin yong totoong pagkatao ko. Mahirao tanggapin na mamatay tao ang mama ko,mahirap tanggapin na masamang tao ang mama ko pero kailangan tanggapin ko yon dahil yon ang totoo. Kaya sige, e-hostage mo'ko sa sarili kong ina. Sa ganon, malalaman ko rin kong mahal nga ba talaga ako ng mama ko." Dagdag ni Precious. Hinde agad ako nakapagsalita sa sinasabi ni Precious dahil nararamdaman ko sa mga mata niya na totoo ang lahat na sinasabi niya.

Oo nagkakamali man siya,pero sa huli inamin niya rin ang pagkakamaling ginawa niya. Mahirap man nagbigay ng tiwala sa taong kusang sinira ang unang tiwalang binigay mo sa kanya pero kailangan bigyan mo ulit siya ng pagkakataong pagkakatiwalaan  siya. Last chance ikanga nila.

Nagtiwala ka ng ibang tao at niloko ka lang nila. Kaya sinasabi mong wala ka na dapat pagkakatiwalaan kundi sarili mo lang pero wala namang masama kong nagbigay ka ng pangalawang pagkakataon na pagtitiwalaan sila. At sa oras na to dito mo itama ang maling pagtitiwala mo. Ang pagkakamaling binigay mo lahat ang tiwala na dapat para sa sarili mo. Sa oras nato pagkakatiwalaan mo siya pero wag ko muna ibuhos ang buong tiwala mo sa kanya. Magtira ka para sa sarili mo dahil kapag dumating ang oras na malalaman mong trinaydor ka niya ulit hinde na masakit para sayo.

"Tumayo ka jan." Sumbat ko kay Precious.

"Ano pa bang hinintay mo? Tayo!!! Tanggapin ko ang alok na binigay mo sakin." Dagdag ko.

"R-rhys,h-hinde sa nangingialam ko pero hinde ba dilikado yon?" Sumbat ni Faye.

"Bakit Faye, nong pinagkakatiwalaan ko tong kaibigan mo,nong niligtas ko tong kaibigan mo,hinde ba yon dilikado?" Sumbat ko.

"Buhay ko yong nakasalalay don diba? Buhis buhay ko yong ginawa para sa inyo dahil may utang na loob ako sa inyo pero hinde ko inakalang ganito ang mangyayari. Hinde ko inakalang may tryadoran na mangyayari. Now tell me Precious! Nong araw na inutos ko sa inyo na ipalabas na patay na ako. Alam ba yon ng mama mo? And all this time nagpapanggap lang ang mama mo na hinde niya alam? Tama ba? " Dagdag ko.

"I betrayed you dahil hinde ko sinabi sayo ang totoong pagkatao ko. Yon lang yon. Wala na akong ibang ginawanang pagtraydor sayo." Sagot ni Precious.

"Sa tingin mo ba kapag alam ni mama yon buhay ka pa ngayon? Siguro matagal ka ng missing kong sa kaling sinabi ko kay mama ang bagay na yon. Kahit anak ako ng mamatay tao may kunsinsya rin ako Rhys. At kahit anak ako ng dakilang killer hinde ibig sabihin non ganon rin ang ugali ko. Kaya nga pilit kong maging normal para hinde ako matulad sa mama ko. Kong traydor lang ang pag uusapan Rhys,si  mama yong pa ulit ulit kong trinaydor st hinde ikaw!. Pero sige bahala ka na kong anong paniwalaan mo. Deal is a deal! E-hostage mo'ko sa sarili kong ina. Hinde dahil kabayaran to ng pag traydor ko sayo. Kundi gusto ko ring malaman kong may pagmamahal pa bang natira sa puso niya bilang ina. At kapag meron man, malalaman ko rin yon" sumbat ni Precious.

Sa totoo lang na guiguilty ako sa mga pinagsasabi ni Precious,pero tama siya hinde niya ako masisi kong ganito ang pinakita ko sa kanya. Dahil kapag ang tiwala ng isang tao ang nasisira kahit isang bahid lang yon hindeng hinde na yon babalik pa sa dati. Maari mong pagkakatiwalaan Siya ulit pero hinde na tulad ng dati.

Pumayag ako sa deal na sinasabi ni Precious, kailangan ko ring iligtas ang kapatid ko,nasa kamay pa ni Aizhelle ang kuya ko,kaya kailangan kong gamitin si Precious para makuha ko ang kuya ko.

I'm sorry Precious hinde ko sinadyang gamitin ka para maligtas ang kuya ko pero kinakailangan para sa buhay ng kapatid ko. Alam ko namang hinde kaya ng isang ina ang makita ang anak niyang nasasaktan kaya alam kong mas mapadali to para makuha ko kaagad ang kuya ko sa mga kamay ng mama mo.

Class Of Death[Truth Or Dare] (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon