Chap.14 [Class of Death]

13 2 0
                                    

A/N:
First Person POV- Rhys
Second Person POV- Eli
Third Person POV-Hera

[Third Person POV]

Lumipas na ang ilang linggo at unti unti na naming nalalaman ang tungkol sa University nato. Ang pangalan at mechanics ng laro nila,ang history ng sections nila.

Tahimik ang buong klase habang nakikinig sa discussion ng aming guro. Kong di mo pansinin ang kakaibang pangyayari sa paaralang ito, masabi mong ang swerte mo na dito ka nag aaral. Magagara ang paaralan kahit creepy, kompleto sa libro kahit medyo may kalumaan na yong library. Malinis ang paligid kahit parang madilim dahil may mga puno sa paligid. At tahimik yong tipong makakapag aral ka talaga sa mga lessons mo. Wala kang busina at makina ng sasakyan na maririnig. Parang perfect spot siya sa mga studyanteng seryoso sa pag aaral nila.

Ngunit sa kabila nito,may kakaiba palang tinatago na hindeng hinde mo pinangarap kailan man. Kong gaano man kaganda ang na-oobserbaran mo sa paaralang ito ganon din kalala ang pamamahala nila sayo.

Studyante ka,nag aaral ka para may magandang kinabukasan pero hinde yata magandang kinabukasan ang hatid sayo sa paaralan nato. Kundi trahedyang kamatayan.

"Class dismiss" malakas na wika ng guro at walang ka emo- emosyong lumabas sa classroom namin.

Isa isa ko ng niligpit ang gamit ko saka nilagay ito sa locker ko na nasa likuran lamang ng aming silid paaralan.

"Walang lalabas!" Malakas na sumbat ng isang lalaki na nakatayo lamang sa pinto ng classroom namin.  Ilang linggo na akong pumasok sa paaralan nato at ilang linggo ko na ring nakasalamuha yong mga kaklase ko pero hinde ko parin kabisado at kilala ang mga mukha nila.

"Bakit bawal tayo lalabas?" Narinig kong tanong sa isa sa kaklase ko.Ano na naman ba yong ganap ngayon?Bakit  hinde kami pwedeng lalabas sa classroom nayo?

Bumalik na muna ako sa inuupuan ko at isa isa kong tiningnan ang dalawa kong kaibigan na abala din sa pagligpit ng mga gamit nila. Habang pinagmasdan ko ang kilos ng mga kaibigan ko isang malakas na palakpak ang sumakop sa tahimik naming silid paaralan.Natigilan ang lahat sa kanilang ginagawa maliban kina Rhys at Eli.  Patuloy pa rin itong nagliligpit sa gamit nila.

"Let's start the game." Sabi ng lalaki. Game,m yong truth or dare na naman ba? May papatayin na naman ba?.

"Anong meron?" Walang kamalay malay na tanong ni Rhys.

"Sisimulan na raw yong laro." Sagot ko kay Rhys.

Isa isang tumayo yong mga kaklase ko sa subject nato at bumuo ng bilog saka umupo.

"Hali na kayo." Sabi ko.

"Wag na tayo mag pa special mention." Dagdag ko. Kumilos na rin kaming tatlo at umupo.

"Game started!" Sumbat ni Xandra. Napataas ang kilay ni Rhys ng narinig niyang nagsalita si Xandra. Tama nga si Rhys hinde makapapagkatiwalaan tong babaeng to.

"After the exciting welcome ceremony, balik laro na naman tayo." Nakangising sumbat ng lalaki na kanina lang nakatayo sa pinto ng classroom namin.

"Game started!" Masigla at nakangising sumbat nito,saka tiningnan si Rhys sabay kagat  mg labi nito.

What's wrong with that guy?? Ang manyak naman ng lalaking yon. Nakalip bite siya habang nakatingin kay Rhys at nag smirk pa?

Pumalagitna ang lalaki na kanina ko pa binabanggit at may hawak na mga maliliit na cards at nilagay ito sa sahig. Anong gagawin namin sa cards na yan?

"Ako ang unang lalaro." Sabi nito at pumulot ng isang card. Nakangiti siyang nakatingin sa card na hawak nito.

"It's a truth!" Masiglang sabi nito sabay kagat pa ng ibabang labi nito.

Class Of Death[Truth Or Dare] (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon