Chap. 57 [Family Background of Lifenzo]

60 4 0
                                    

[First Person POV]

"Rhys? What is this?" Tanong ni Hera habang tinaas yong libro. Kakagising ko lang kaya hinde ko nakita ng malinaw yong librong hawak ni Hera kaya lumapit ako sa kanya.

"Where is Eli?" Tanong ko habang palapit sa kanya.

"Nasa loob ng secret room mo,nagluluto Yata." Sagot ni Hera. Inabot ko yong libro na hawak ni Hera. Ano ba tong librong to?

"Heraaaaaa! Help me!" Pasigaw na sumbat ni Eli sa loob ng secret room. Nakabukas kasi yong pinto ng secret room kaya rinig na rinig namin ang sigaw ni Eli. Nagmamadaling pumunta si Hera kay Eli nong tinawag siya nito. I'm glad na okay na sila.

Lumabas ako sa kwarto ko habang daladala yong libro. Ano ba tong librong to? Tiningnan ko ang cover page ng libro at what the!! Bakit ngayon ko lang to naalala? Ito yong librong nakita ko sa pamamahay ni Lanx nong niligtas ko si Eli. Bakit ngayon lang to nagpakita.

Napakamot ako sa ulo ko at nagmamadaling pumasok sa basement ng kapatid ko. Pagpasok ko nakita kong nagkakape ang kapatid ko.  He's wearing his anti-radiation eyeglasses at seryosong nakatingin sa monitor ng computer niya habang nagkakape. Sinulyapan niya ako at binalik agad ang tingin niya sa computer.

"You're here again? Sumbat niya at sinulyapan ulit ako. Napakamot ako sa ulo ko habang bitbit yong libro. Hinde naman makati yong ulo ko pero bakit ba napakamot ako?

"Baka gusto mong maghilamos muna Rhys? Ang dugyot mong tingnan." Sumbat niya habang nakangiting tumingin sakin. Gagi inaasar niya ba ako?

Nakakita ako ng wipes sa table ni Chrys kaya kumuha ako at pinunasan yong mukha ko. Inayos ko na rin yong buhok ko saka umupo sa isa pang bakanteng table ni Chrys. Hinde ko na pinansin ang pang aasar ni Chrys. Wala na akong panahon para don.

Binuksan ko ang unang pahina ng libro at  naalala ko na hinde ito isang libro kundi isa itong scrap book. Nakadikit ang litrato ng apat na magkakapatid sa unang pahina pero walang nakasulat nito. Kaya binuksan ko ang ibang pahina ng libro.

Nakadikit dito ang picture ni Lieclaire at may kaunting impormasyong nakalagay. Bawat pahina may litatrong nakadikit at kaunting background ng nag mamay -ari ng litatro.

"Lie Claire Lifenzo. The eldest sister. Mother Eirma Scott. Father Rylson Lifenzo Born January 24,1997" nakasulat sa scrapbook.

WHATT?? SI RYLSON ANG TATAY NILA? Tangina wrong moves ka Chrys! Ang akala mo isang staff lang si Rylson pero hinde pala. Siya yong ama ng apat na magkakapatid.

Ang kwento sakin ni Lanx,Nanay nila ang Lifenzo at hinayaan lang ng tatay nila Kin na Lifenzo ang dadalhing apilyedo since kilala at mayaman ang pamilyang Lifenzo. Pero tangina. Lifenzo naman talaga ang tatay nila! At si Lie ang panganay hinde si Kin. Gumagawa ka talaga ng sarili mong kwento Lanx!

"Kinston Lifenzo. The Eldest brother but he is the youngest sibling in Scott family." Nakasulat sa kasunod na pahina ng scrapbook.

Huh?? The Eldest brother? But the youngest sibling in the Scott Family? Teka nga, naguguluhan ako dito eh. Panganay na anak na lalaki pero bunso ng pamilyang Scott? Paano nangyari yon?Tinuloy ko yong pagbabasa para mas maunawaan ko ito mg mabuti

"Mother Eirma Scott. Father Rylson Lifenzo. Born June 17,1999" nakasulat sa scrapbook.

Two years yong agwat ng dalawa? Tama ang kwento ni Lanx na dalawang taon ang agwat ni Lie at Kin. Pero ginawa niyang panganay si Kin at bunso si Lie. Tangina Lanx, ginugulo mo talaga ang utak ko. At mas  naguguluhan  ako sa eldest but youngest na to? Paano ba kasi mangyari yon? Naging panganay na bunso? Nakakalito na sobra. Wala ng ibang nakasulat sa scrapbook kaya binuklat ko nalang ang kasunod na pahina.

Class Of Death[Truth Or Dare] (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon