13 - Snitch

1 0 0
                                    

"Ang luha ko'y umaapaw na parang batis, dahil sa aking pangungulila sa iyo'y hindi ko matiis."

Napangiwi sina Felip at Manuel habang ang iba napasigaw nang bitawan ng kaklase nilang si Janice ang linya na ito. Kasalukuyang nagaganap ang Spoken Poetry, at hindi nila masikmura ang bawat kalahok. Idagdag mo pa ang mga pekeng iyak ng mga estudyante. 

"Boring naman. Alis tayo," bulong ni Manuel kay Felip.

"Nga e," sang-ayon ni Felip. "Ang kokorni naman."

"Punta tayo sa lumang kiosk. Mag ML na lang tayo."

"Arat."

Sabay silang tumayo, dala ang mga bag nila at barong na hindi na nila suot dahil sa kati at init. Nasa stage ang lahat ng mga mata, pati na rin ng mga SSG officers kaya minadali nilang makalabas ng gymnasium. 

"Korni talaga kapag inlab. Yung dalawang kuya ko nainlove sa isang babae. Nagsasama na sila ngayon."

"Sino nanalo sa kanilang dalawa?"

"Silang dalawa."

"Pwede ba 'yon?"

"Wala silang choice. Kambal sila e."

"Ha? Eh ano ngayon?"

"Magkadikit sila. Iisang katawan, dalawa ulo."

Napahinto si Felip sa paglalakad nang marinig iyon. Huminto rin si Manuel at tumingin sa nagtatakang si Felip. Hindi niya pa maproseso ang nalaman.

"So, yung babae, dalawa ang jowa niya? Kasi magkadikit?"

"Oo."

"Paano sila... alam mo na."

"Diskarte na nila 'yon. Pareho naman silang mahal nung babae e."

"Meron din akong kapatid na puro buhok. Yung isa naman apat ang paa pero hindi nakakalakad kasi para lang siyang octopus."

Hindi alam ni Felip ang sasabihin. Sasabihin niya bang kawawa naman? O 'di kaya'y tatanungin niya kung bakit ganu'n ang mga kapatid niya? Tatanungin niya ba kung ganun ba ang dahilan kung bakit sinabi niyang patapon ng mga sanggol ang bahay ng nanay niya? Kaya ba itinatapon sila dahil sa mga itsura nila?

Narating nila ang kiosk na hindi pa rin nagsasalita. Napansin ni Manuel ang pagiging tahimik ni Felip kaya kinalabit niya ito. 

"Oks ka lang?"

"Iniisip ko lang na baka hanapin tayo."

"Ba't naman nila tayo hahanapin? Hindi nga tayo pinapansin don."

Umupo silang dalawa sa sira-sirang upuan. Ipinatong ni Felip ang bag niya sa armchair. Kaagad na kinuha ni Manuel ang bag niya at binuksan ito. Hindi na umangal si Felip. Ang bag niya kasi ang paboritong kalkalin ni Manuel kapag wala itong magawa. Alam naman niya kung may mawawala at alam niyang si Manuel lang ang may hawak ng kung ano man ang mawawala sa kaniya. 

"May pagkain ka ba?"

"Meron. Nandiyan sa bag ko."

"Wow, chocolate."

Napangiti si Felip. Alam niya kasing mahilig sa matamis si Manuel kaya nang may biniling tsokolate ang tiya Jackie niya, siniguro niyang makakadala siya para kay Manuel.

"May biscuit din, shet."

Nakarinig sila ng kaluskos. Nagkatinginan silang dalawa at sabay na napatingin sa pinanggalingan ng tunog. Nakarinig din sila ng bulungan. 

"May tao," sabi ni Felip.

"Sure ka na tao? Baka kapre. Amoy tabako e."

Tumayo silang dalawa at dahan-dahan na nilapitan ang tunog na narinig at amoy ng sigarilyo. nakita nila ang apat na mga estudyante na naninigarilyo. Dalawa sa ito ay hindi pamilyar sa kanila, habang ang dalawa ay kaklase nila na nagulat nang makita sila.

Little FreakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon