16 - Eyeliner

0 0 0
                                    

Isa-isang kinausap ni Mrs. Santos ang apatnapung estudyante ng section Calachuchi. Lahat sila ay may kaniya-kaniyang reklamo at kwento tungkol kay Mr. Cruz. Ang pamamahiya, panlalait, mga parusa na nakakahiya. Lahat. 

Nang mabalitaan ito ng mga estudyante sa iba't ibang section, hindi sila nag-atubili na pumunta ng Guidance Office para magsumbong. Isang linggo bago natapos ang mga reklamo na natanggap ng Guidance Counsellor bago nakagawa ng desisyon ang principal ng eskwelahan.

Marami ang naglakas-loob na depensahan ang sarili laban kay Mr. Cruz, pero tatlo sa kanila ang pinatawag ulit sa Guidance Office. Sina Hazel, Felip, at Rochelle.

Pagkatapos nilang mananghalian,agad silang pumunta sa Guidance Office para malaman kung ano ang rason ng pagpunta nila rito. Kalmado lang ang dalawang babae, habang si Felip ay hindi mapakali. Kanina pa pinagpapawisan at laging galaw nang galaw. Napansin ni Rochelle ang kilos ni Felip. Napansin niya ang tingin ni Felip kay Hazel. Tingin na nabasa niya galing sa isang libro na nabasa niya tungkol sa mga teenagers na may crush. 

Dahil sinabihan siya ni Hazel na pag-aralan ang mga body language at expressions ng mga tao, naghanap siya ng mga libro o 'di kaya ay articles online na pwede siyang matuto para raw malaman niya kung nakakasakit na ang mga sinasabi niya at para na rin alam niya kung kailan sasabihin ang mga nasa isip. 

"God," sambit ni Rochelle habang natatawa. "Who would have thought?"

Napatingin si Hazel kay Rochelle. Narinig niya itong nagsalita pero hindi niya naintindihan ang sinasabi nito. "Binubulong mo d'yan?"

Habang nakatingin si Hazel kay Rochelle, si Felip naman ay pasulyap-sulyap lang kay Hazel, pero pansin niya rin ang ngisi ni Rochelle sa kaniya na para bang alam ang mga lihim niya. Magkatabi ang dalawa sa sofa habang siya ay nasa monoblock chair at nakaharap sa kanila. Naiilang siya, pero nagdadalawang-isip siya na ilipat ang inuupuan. 

"How is he?" tanong bigla sa kaniya ni Rochelle. Ramdam niya rin ang tingin sa kaniya ni Hazel. Napalunok siya nang traydurin siya ng sariling mga mata. Kahit na si Rochelle ang nagtanong sa kaniya, kay Hazel siya napatingin. Sa ganda nito, sa bago nitong amoy, sa maayos na nitong kilay at nakasuklay na buhok. 

"H-ha? Sino?"

"Castro."

Nagkibit-balikat si Felip at hinimas-himas ang sariling hita. "E-ewan."

"Manuel has kleptomania. I read about it a few years ago. It means impulsive stealing."

Tumingin ulit siya kay Hazel. Hindi niya alam ang isasagot. Ngayon lang siya kinausap ni Rochelle nang matagal.

"H-ha?"

"Tumango ka na lang. 'Yan din ginagawa ko minsan kapag wala akong maintindihan."

"It means he has this strong desire to steal. things that he doesn't need, like my hairclip." 

Tumawa si Hazel nang marinig iyon. "Hindi mo sure.  Baka bading 'yon."

"Hindi ah. Crush kaya niya si Rochelle."

Natahimik silang tatlo. Nagulat din si Felip sa nasabi. Alam nilang secret lang nila ni Manuel iyon. Kapag nalaman ni Manuel na sinabi niya kay Rochelle ang paghanga nito, malamang sasabihin din ni Manuel na may gusto siya kay Hazel.

"J-joke lang," pagbawi ni Felip, pero halatang hindi na niya mababawi ang sinabi. 

"Anong bago? Lahat naman may crush dito. Baka nga pati ikaw e."

"'Di ah."

Mas lalo siyang kinabahan dahil sa bilis niyang pagsagot. Baka ma-offend si Rochelle, pero bakit ba maooffend si Rochelle? Sino ba siya? Pero paano kung mahalata ni Hazel na siya ang crush niya? Paano naman mahahalata e wala naman pakialam si Hazel sa kaniya? Paano kung akalain nilang hindi siya nagkakagusto sa babae? Pero babae ang gusto niya, gusto niya si Hazel. 

Little FreakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon