Chapter 1

474 10 0
                                    

⚜️⚜️⚜️Jharren’s POV⚜️⚜️⚜️

“Hello Everyone, ako nga pala si Jharren isang Elemental Manipulator at isang Summoner!”—pagpapakilala ko sa mga kaklase ko.

“Cge na maupo kana!”—saad ng guro namin ay naupo na ako sa upuan ko.

Nandito kasi ako ngayon sa Cianna Academy at dito ako nagaaral dahil sa Cianna Continent kami nakatira at nakatira kami sa tinatawag na Yin Yang Forest at malayo yun sa pinakasentro ng Academy.

Pero parang wala ako dito sa Academy dahil di naman ako pinapakinggan ng mga guro dito kahit pa si Headmaster at di rin nila ako pinapakinggan dahil yun ang kagustuhan ng mahadera kung pinsan na si Janelyn.

Janelyn ang Prinsessa ng buong Cianna Continent dahil anak siya ni Tita Jenny ang kakambal ni Daddy kung tutuusin nga ay dapat din nila akong igalang bilang maharlika o isang Prinsipe dahil maharlika din naman si Daddy dito sa Cianna Continent.

Lahat ng sasabihin ni Janelyn dito sa buong Academy dito ay ang masusunod dahil nga siya ang Prinsessa ng lupain na ito walang gustong sumalungat sa kagustuhan niya at lahat ng mga estudyante dito sa Cianna Academy ay yumuyuko kapag nakikita si Janelyn pero ibahin niya ako dahil hinding hindi ako yuyuko sa harapan niya.

“Ahhh, Class bukas nalang tayo magsisimula ng klase natin!”—saad ni Ma’am at umalis na ito.

“Ohhh, Kumusta kana Insan, buti nakayanan mo pang manatili dito sa Academy namin?”—tanong ni Janelyn sa akin.

“At bakit naman hindi ehhh? Tsaka alam mo buti nalang na ginagawa mo to sa akin dahil sa oras inatake ng mga kalaban ng angkan niyo ang buong Academy ay di na ako mahihirapan pang magtanggol sa Academy niyong bulok!”—saad ko naman.

“Huyyy, buti nga tinanggap ka pa namin dito, tapos sasabihin mo lang ng bulok ang Academy namin!”—saad naman ni Janelyn.

“Ehhh di Salamat!”—saad ko sabay talikod kay Janelyn.

“Huyyy, kinakausap pa kita!”—Sigaw naman ni Janelyn pero di ko yun pinansin.

Nandito ako ngayon sa Garden ng  Academy at naupo ako sa ilalim ng malaking puno at dito ako nagmumuni muni hanggang sa may biglang humalik sa aking pisngi at pagtingin ko ay si Jay lang pala ang aking kasintahan, umupo naman ito sa tabi ko.

“Nakita kitang sinigawan ka ni Princess Janelyn, okay ka lang ba?”—tanong ni Jay sa akin, ito lang kasi ang kumakausap at hinihingi ang opinyon ko sa mga bagay bagay at siya ang magsasabi kina Headmaster pero di nila alam na galing sa akin ang mga ideya na binibigay ni Jay.

“Ahhh, oo okay lang ako, sanay naman ako sa pinsan kong yun!”—saad ko naman.

“Tara dun muna tayo sa Dorm ko!”—saad naman ni Jay.

Tumango lang ako at sabay na kaming naglakad papunta sa Dorm niya at makalipas nga ang ilang minuto ay nandito na kami sa loob ng Dorm ni Jay at dumiretso kami sa kwarto niya.

“Higa na muna tayo, magbabasa lang ako ng mga libro tungkol sa aking majica, tsaka ikaw na rin ang bahala kung ano ang gusto mong gawin, kaya lang kita dito dinala para di kana ka guluhin ni Princess Janelyn!”—saad naman ni Jay sabay higa sa kanyang kama.

“Okay lang yun, naiintidihan ko!”—saad ko naman.

“Mahihiga nalang ako sa katawan mo!”—saad ko pa.

“Ikaw bahala!”—saad naman ni Jay.

Kaya naman ay humiga na ako sa kama niya pero ang ginawa kong unan ay ang katawan niya at nakita ko naman si Jay na nagsisimula na itong magbasa ng kanyang libro.

The Powerful Elemental Summoner(A Powerful Gay Summoner Book 3) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon