⚜️⚜️⚜️Jharren’s POV⚜️⚜️⚜️
Nandito na ulit ako ngayon sa Academy at hinahanap ko na si Jaiden at dahil nga sa sobrang daming estudyante ay natagalan ako sa paghahanap kay Jaiden pero nahanap ko na ito at agad ko itong pinuntahan.
“Huyyy, kanina pa kita hinahanap!”—saad ko naman.
“Ohhh ikaw pala yan Jharren!”—saad naman ni Jaiden at nginitian ako at inituon ulit nito ang kanyang mga mata sa mga kumpol ng estudyante na para bang mayroong hinahanap.
“Huyyy, sino ang hinahanap mo dyan?”—tanong ko naman.
“Si Jannela ang isa ko pang kaibigan, palagi pa namn yun inaaway ng mga estudyante dito!”—saad naman ni Jaiden.
Di naman ako umimik at naupo nalang ako sa tabi ni Jaiden.
Maya maya pa nga ay may narinig kaming nagsisisgaw na babae kaya naman ay napatayo kaming dalawa ni Jaiden at nakita nga namin ang isang babae na hinahabol ng isang espada.
“Jannela!”—sigaw ni Jaiden sabay takbo kaya naman ay tumakbo naman ako para sundan Jaiden at pagdating nga namin dun ay agad kong kinontrol ang espada at ibinagsak ko ito sa lupa ng Academy at hinaluan ko ito ng enerhiya ko para ramdam nila ang pwersa ko.
“Sino may sabing maglaro kayo ng espada niyo?”—tanong ko.
“Kaninong espada yan?”—pasigaw ko namang tanong pero walang sumasagot sa akin.
“Nagkakatuwaan lang naman kami ehhh!”—saad naman ng isang lalaki kaya naman ay nabaling ang paningin ko dun sa lalaki at masasabi kong gwapo ito pero nakakainis ang ugali niya kaya naman ay mas lalo akong nainis dahil sa narinig ko.
“Ano? Nagkakatuwaan lang? muntik nang mamatay sa sobrang takot yung babae tapos sasabihin niyong nagkakatuwaan lang kayo?”—tanong ko naman.
“Okay kung gusto niyong maglaro pagbibigyan ko kayo!”—saad ko naman at sabay kumpas ng kamay ko at agad pinuluputan ng mga malalaking ugat ng puno ang mga paa ng tatlong lalaki at dinala sila sa himpapawid.
“Waaaaahhhhh, ibaba niyo na po kami dito, di na po mauulit!”—sigaw ng tatlong lalaki.
“Diba gusto niyong maglaro? Di pa nga ako naguumpisa ehhh!”—saad ko naman at inilabas ko aking pana ba gawa sa Light Element.
Nagulat naman ang lahat dahil sa aking pana pero di ko nalang yun pinansin.
“Kung makakaligtas kayo sa mga palaso na ito ehhh buhay kayo pero kung hindi ehhh di good bye!”—saad ko naman.
“Waaaaahhhhh, ayoko pang mamatay!”—sigaw ng tatlo pero wala silang magagawa dahil nakatali silang tatlo.
Inumpisahan ko hilain ang pisi ng pana ko at lumabas ang tatlong palaso at nang makita ito ng tatlo ay agad nanlaki ang mga mata.
“Prince Jharren marunong ka bang gumamit niyan?”—tanong naman ni Jaiden.
“Hindi kaya bahala na kung saan sila tatamaan!”—saad ko naman.
“Huh? Baka mamatay yang tatlo!”—saad naman ni Jaiden.
“Sayang mga gwapo pa naman!”—saad pa ni Jaiden.
“Opppssss, nabitawan ko na!”—saad ko naman.
“Aaaahhhhhh, Arrrrrayyyy ang hapdi!”—reklamo ng tatlo at nakita ko nga na bumaon sa hita nila ang tatlong palaso at muntik nang tamaan ang kanilang mga alaga.
“Hala, muntik na!”—saad ni Jaiden kaya naman ay natawa ako.
“Prince Jharren, patawarin niyo na po kami, promise po di na po mauulit!”—saad ng tatlo.
BINABASA MO ANG
The Powerful Elemental Summoner(A Powerful Gay Summoner Book 3) Completed
FantasyNatapos na nga ang ikalawang digmaan at naging mapayapa ang buong Rivaryn sa pamumuno pa rin nina King Silver at King Dave, samantala sina Lennox at Jino naman ay masayang namumuhay sa kanilang gubat na kung tawagin ay Yin Yang Forest, kaya tinawag...