Chapter 11

244 9 0
                                    

⚜️⚜️⚜️Jharren’s POV⚜️⚜️⚜️

Nandito pa rin kami ngayon ni Arsen sa Garden ng Academy at naguusap pa rin kami.

“Ahhh bakit ka nga pala di ka sa Dorm namin nagDorm?”—tanong  ni Arsen sa akin.

“Ahhh, wala lang tsaka di ko pa kayo kilala noon kaya sabi dun muna ako Dorm ng mga ordinaryong estudyante!”—saad ko naman.

“Ahhh ganon ba, pero ngayon ay lilipat kana?”—tanong naman ni Arsen.

“Ahhh di ko alam ehhh!”—saad ko naman.

“Huh? Bakit naman?”—tanong naman ni Arsen.

“Gusto ko kasing kasama palagi sina Jaiden!”—saad ko naman.

Habang naguusap kami ni Arsen ay may isang palaso ang tumama sa aking kamay kaya naman ay nagulat ako hanggang sa makaramdam ako ng pagkahilo.

“Jharren, Ayos ka lang ba?”—Tanong ni Arsen sa akin pero di ako umimik.

“Sino ang may gawa nito, lumabas ka!”—sigaw ni Arsen.

“Aaaahhhhhh!”—sigaw ko dahil sa sobrang hapdi hanggang sa unti unti akong nawawalan ng lakas hanggang sa bumagsak ang aking katawan.

⚜️⚜️⚜️Arsen’s POV⚜️⚜️⚜️

Nakita kong tinamaan ng palaso si Jharren kaya naman ay nagulat ako, may paparating pa sana kaya lang nakagawa agad ako ng Barrier na gawa sa apoy.

“Sino ang may nito? Lumabas ka!”—sigaw ko pero biglang sumigaw si Jharren at paglingon ko ay unti unti na itong bumabagsak sa ulo kaya naman ay sinalo ko na ito.

Agad ko naman itong binuhat at agad agad kong dinala sa Clinic ng Academy para magamot agd.

“Kung sino man ang may gawa nito kay Jharren ay sisiguraduhin kong susunugin ko siya gamit ang aking Kapangyarihan!”—saad ko naman sa aking sarili.

“May lason ang palasong tumama kay Prince Jharren!”—saad ng isang Healer sa akin.

“Kumusta na po siya?”—tanong ko naman.

“Okay na po siya Prince Arsen!”—saad naman ng Healer.

“Maraming Salamat po!”—saad ko naman.

Kaya naman ay pumasok na ako sa loob ng silid ni Jharren at nakita ko nga dun ang isang palaso na gawa sa ugat ng puno at alam ko galing yun sa Cianna Continent pero bakit naman siya papatayin ng mga taga Cianna Continent ehhh dun din nakatira si Emperor Jino.

“Mukhang may kaaway si Jharren dun sa Cianna Continent!”—saad ko sa sarili ko.

“Nasaan ang anak namin?”—tanong ni Emperor Jino na kakapasok lang ng silid kung nasaan si Jharren.

“Kamahalan!”—saad ko at yumuko ako.

“Arsen ano ang nangyari sa anak namin?”—tanong ni King Lennox sa akin.

“Tinamaan po siya ng isang palaso na gawa sa ugat ng puno!”—saad ko naman.

“Hali ka Lennox may pupuntahan tayo!”—saad naman ni Emperor Jino at galit na ito at sabay silang naglaho.

⚜️⚜️⚜️Jino’s POV⚜️⚜️⚜️

Nandito kami ngayon ni Lennox sa bulwagan ng palasyo ng Cianna Continent dahil alam ko kami lang ang nakakagawa nang ganon na palaso at malakas ang lason ng nakalagay sa palaso na yun.

“Ohhh kuya bakit ka nandito?”—tanong ni Jenny sa akin.

“May pumana sa aking anak gamit ang palaso na gawa sa ugat ng puno, alam nating dalawa na tayo lang ang nakakagawa nun!”—saad ko naman at medyo umiinit na yung ulo ko.

The Powerful Elemental Summoner(A Powerful Gay Summoner Book 3) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon