⚜️⚜️⚜️Jharren’s POV⚜️⚜️⚜️
Nandito na ako ngayon sa Classroom namin at nakikinig sa itinuturo ng guro namin ngayon at ang itinuturo niya ay ang History ng buong Cianna Continent ehhh alam ko naman yun dahil kapag pumupunta kami sa Lahore ay nababasa ko dun ang mga History ng bawat Continent dito sa Rivaryn.
Habang nakikinig ako ay nakarinig kami ng napakalakas na pagsabog kaya naman ay napatingin kaming lahat sa labas ng Classroom namin hanggang sa nagkaroon ulit at mas malakas ang ikalawa.
“Ma’am yung mga estudyante, protektahan niyo!”—saad ko agad pero tiningnan lang ako ng ng guro namin ang sarap niyang sapakin, nagsilabasan na kasi ang mga kaklase ko
“Ewan ko sayo para kang tanga!”—sigaw ko pa ulit at naglaho na ako at paglitaw ko ay nandito na ako sa Field ng Academy.
“Janelyn, nasaan ka? Protektahan mo na ang Academy niyo!”—sigaw ko pa habang hinahanap ko si Janelyn.
“Prince Jharren, tulungan mo kami!”—saad ni Headmaster.
“Owwss, ngayon tatawagin niyo na ako ng Prince Jharren dahil inaatake na ang Academy? Pero noon parang wala ako dito, nasaan ba ang magaling niyong Prinsessa?”—tanong ko naman.
Di naman nakasagot si Headmaster pati ang mga guro na kasama niya, hanggang sa biglang nabasag ang barrier ng Academy kaya nagsipasok na ang mga kalaban.
“Four Elemental Sword!”—bigkas ko at lumabas ang isang espada na gawa kulay ginto at ang hawakan nito ay mayroong apat na dyamamte na iba iba ang kulay.
“Anong kailangan niyo dito?”—tanong ko naman.
“Ang tungkod ng sinaunang Reyna!”—saad naman ng isang lalaki.
“Hahahah, dadaan muna kayo sa akin bago niyo makuha ang kailangan niyo dito!”—saad ko naman.
Ikinumpas ko naman ang kamay ko at biglang dumami aking ang espada at pinasugod ko ito sa mga kalaban sinangga naman nila yun gamit ang kanilang mga majica pero di nila kinaya ang lakas ng mga espada ko kaya tumagos lang ito at agad agad silang namamatay.
“Magbabayad ka!”—sigaw ng isang lalaki at nararamdaman kong malakas ang majica nito at sinugod ako nito gamit ang kanyang espada kaya naman ay kinuha ko agad agad ang aking Espada at sinangga ko ang kanyang atake, nagpalitan kaming dalawa ng atake gamit ang aking Espada.
🔰🔰🔰Third Persons POV🔰🔰🔰
Nakikita nang lahat kung paano makipaglaban si Jharren at kahit ang mga malalakas na estudyante ng Cianna Academy ay di nila kayang tapatan ang lakas at bilis ni Jharren sa pakikipaglaban.
“Ang lakas lakas niya!”
“Oo nga tsaka kayang kaya niyang tapatan ang bilis ng isang Heneral ng mga Black Dryad!”
“Alam niyo ba, na yan ang pinakamabilis at pinakamalakas na Heneral ng mga Black Dryad!”
“Kaya nga ehhh, tapos kayang kaya lang tapatan ni Jharren!”
--usap usapan ng mga estudyante na nakakakita sa nangyayaring labanan.
“Poisonous Dark Vines!”—sigaw ng kalaban ni Jharren at mula sa lupa ay lumabas ang mga malalaking ugat ng puno at pinaatake yun papunta kay Jharren.
“Blue Fire!”—sigaw naman ni Jharren at lumabas ang napakalakas na apoy na kulay asul at naging mga Vines ito at inatake ang mga Dark Vines ng kalaban ni Jharren.
Namangha naman ang mga estudyante dahil ngayon lang sila nakakita ng mga Vines na gawa sa apoy.
Nang magsalubong ang mga atake nina Jharren at ng kalaban niyo ay biglang nagkaroon ng napakalakas na pagsabog at tumilapon ang mga estudyante pati ang kalaban ni Jharren.
BINABASA MO ANG
The Powerful Elemental Summoner(A Powerful Gay Summoner Book 3) Completed
FantasyNatapos na nga ang ikalawang digmaan at naging mapayapa ang buong Rivaryn sa pamumuno pa rin nina King Silver at King Dave, samantala sina Lennox at Jino naman ay masayang namumuhay sa kanilang gubat na kung tawagin ay Yin Yang Forest, kaya tinawag...