Chapter 31

201 6 0
                                    

⚜️⚜️⚜️Jharren’s POV⚜️⚜️⚜️

Nandito na kami ngayon sa loob ng kwarto ko at kasama ko parin si Arsen dahil ngayon matutulog na kaming ng biglang lumitaw si Lolo James kaya naman nagulat kaming dalawa ni Arsen.

“Mahal na Ancestral God!”—saad naming dalawa ni Arsen at yumuko.

“Pumunta kayo sa Lahore nina Lennox at Jino, isama mo na rin si Arsen!”—saad ni Lolo James kaya naman ay nagulat ako.

“Bakit po? May nangyari po ba?”—tanong ko naman.

“Walang may nangyari, malalaman mo rin pag nandun na kayo Lahore, paalam!”—saad naman ng Ancestral God at naglaho na ito kaya naman ay agad agad kong hinawakan si Arsen at sabay kaming naglaho at paglitaw namin ay nandito na kami sa harapan ng pintuan nina Mommy at Daddy kumatok naman agad ako.

“Bakit?”—tanong ni Daddy at wala itong damit dahil kagagaling niya palang maligo pero may takip naman ang kanyang pangibaba.

“Ohhh Jharren kayo pa yan, ano ang kailangan niyo sa amin?”—tanong pa  ni Daddy ng makita kami.

“Ahhh Daddy pinapapunta po tayo ng Ancestral God sa Lahore!”—saad ko naman.

“Ahhh, ganon ba, cge magbibihis lang kami ng Mommy mo, tsaka tipunin mo ang mga Dama at sabihin mong bantayan ang buong palasyo!”—utos sa akin ni Daddy.

“Cge po!”—saad ko naman at hinawakan ko na ulit si Arsen at paglitaw namin ay nandito na kami sa bulwagan.

“Punong Dama, ipatawag lahat ng mga Dama!”—utos ko agad sa Punong Dama.

“Masusunod po!”—saad naman nito at umalis na ito.

“Maganda ba dun sa Lahore?”—tanong naman ni Arsen sa akin.

“Oo naman, mamaya makikita mo ang aking timplo dun!”—saad ko naman.

“Kawal tawagin mo nga ang mga kaibigan namin!”—utos ko sa kawal.

“Masusunod po!”—saad naman nito at umalis na ito.

“God Jharren nandito na po ang mga Dama!”—saad naman ng Punong Dama at kasama ang napakaraming Dama at lahat sila ay malalakas ang kanilang mga majica.

“Bantayan niyo muna ang buong Palasyo ng Summoner Kingdom dahil pupunta kaming lahat sa Lahore, maasahan ko ba yun?”—tanong ko naman.

“Opo makakaasa po kayo!”—saad naman ng mga Dama at nagsiyuko silang lahat.

“Cge na dun muna kayo sa gilid!”—saad ko naman at nagsitayo na silang lahat at gumilid ang mga ito.

“Jharren bakit mo naman kami pinagising?”—tanong naman ni Jaiden at inaantok pa ito.

“Magsisimula na ang digmaan!”—sigaw ko at nagulat ito.

“Huh? Ngayon naba?”—tanong naman ni Jaiden kaya naman ay natawa na kaming lahat.

“Hahahah, ano ka ba di pa naman ngayon!”—saad ko naman.

“Ikaw Jharren ahhh palagi mo nalang ako inaasar!”—saad naman ni Jaiden.

“Hahahah, pupunta kasi kami sa Lahore kasama sina Mommy, Daddy at si Arsen kaya kaya ginising ko kayo para pansamatala mo nang bantayan ang buong Palasyo ng Summoner Kingdom pero wag naman kayong magalala dahil kasama niyo naman ang mga Dama!”—saad ko naman.

“Huh? Bakit si Kuya kasama mo papuntang Lahore?”—tanong naman ni Kenneth..

“Ewan ko basta yun ang sabi ng Ancestral God nung nagpakita ito sa amin kanina!”—saad ko naman.

The Powerful Elemental Summoner(A Powerful Gay Summoner Book 3) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon