Chapter 17

231 9 0
                                    

⚜️⚜️⚜️Silver’s POV⚜️⚜️⚜️

Nandito ako ngayon sa aking trono at nandito din ang mga Dyos at Dyosa kahit sina Lennox at Jino ay nandito di si Jharren lang yung kulang pero okay lang malalaman niya rin naman ang paguusapan namin ngayon ng Ancestral God.

Tiningnan ko naman si Jeizel at ang ang Sama ng tingin sa akin hanggang ngayon kasi ay di pa bumabalik ang kanyang buong lakas ng majica at kung tutuusin ay mas mahina pa ang kanyang majica ngayon kesa sa mga Minor God.

“Babe, bakit kaya nagpatawag ng pagpupulong ang Ancestral God?”—tanong sa akin ni Dave gamit ang isip, magkalayo kasi kami ng upuan.

“Di ko alam Babe!”—saad ko naman gamit din ang isip ko.

“Babe, gawa ulit tayo ng baby!”—saad sa akin ni Dave gamit ang isip natawa naman ako.

“Sira, tumigil ka nga!”—saad ko naman gamit ang isip ko.

“Huyyy, Silver ano ang pinaguusapan niyo ng bampira nayan? Siguro pinagtatawanan niyo ako!”—saad naman ni Jeizel.

“Hahaha, di ko akalain na mayroon palang Chismosa na Dyosa!”—saad ko sabay tawa.

“Sinusubukan mo talaga ako!”—sigaw nito.

“Owwsss, cge nga subukan mo nga!”—saad ko naman sabay kumpas ng kamay ko at maya maya pa nga ay nakalutang na sa aking kamay ang Golden Core ni Jeizel at nakita ko silang nagulat.

“Hala ang Golden Core ni Goddess Jeizel!”—rinig kong wika ni Amanda.

“Oo nga pano yan napunta kay Goddess Silver?”—tanong naman ni Hiro.

“Ibalik mo yan sa akin!”—sigaw naman ni Jeizel.

“Hahaha, bakit ko naman sayo to ibibigay tsaka wag kang magalala dahil wala naman akong balak na kunin ang napakahina mong Majica!”—saad ko naman.

“Hindi ako mahina, magiging Supreme Goddess ba ako kung mahina ako?”—tanong naman ni Jeizel.

“Owwwsss talaga? Ehhh mas malakas pa nga sayo si Jharren ehhh kaya nga dapat si Jharren ang maging Supreme Goddess at hindi ikaw ang dapat sayo ay nabibilang sa Minor Goddess!”—saad ko naman.

“Silver tama na yan ibalik mo na kay Jeizel ang kanyang Golden Core!”—saad ni Dad ng lumitaw ito sa Palasyo ng Lahore ngunit mayroon itong suot na maskara, kaya naman ay ibinalik ko naman agad kay Jeizel ang Golden Core nito.

“Ancestral God!”—saad naman naming lahat at nagsiyuko kaming lahat.

“Tumayo na kayo dyan!”—saad naman ni Dad kaya namn ay nagsitayuan naman kaming lahat.

“Alam ko kung bakit wala dito si Jharren dahil inutusan ko si Headmaster na hanapin ang aking Ancestral Sword at nagtagumpay naman silang lahat!”—saad naman ni Dad.

Inalis naman ni Daddy ang kanyang suot na maskara at nagulat sila lahat maliban sa amin ni Lennox.

“Tama ba itong nakikita ko? Emperor James ang Ancestral God?”—tanong naman ni Dave.

“Mismo siya nga si Daddy!”—saad ko naman.

“Master?”—tanong naman ni Amanda.

“Ako nga at ako rin si Emperor James ng buong Rivaryn at ako rin ang Ama ni Silver!”—saad naman ni Daddy.

“Siguro naman alam niyo na kung kanino ko ipapasa ang aking trono!”—saad pa ni Daddy kaya naman ay nagulat ako dahil bakit sa akin.

“Ang papalit sa akin bilang Ancestral God ay si Silver!”—saad pa ni Daddy.

The Powerful Elemental Summoner(A Powerful Gay Summoner Book 3) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon