Chapter 26

212 9 0
                                    

⚜️⚜️⚜️Third Persons POV⚜️⚜️⚜️

Simula nang iniligtas ni Deimos sina God Mike at Goddess Jeizel ay di pa rin ito nagkakamalay dahil napuruhan sila sa ginawang atake ng mga Spirit ni Silver.

“Palalakasin ko kayong dalawa at kayo ang gagamitin ko para pabagsakin ang mga Cervantes na yan, ikinulong nila ako sa mahabang panahon kaya ngayon ay uumpisahan ko nang maningil sa mga Cervantes!”—saad ni Deimos at nilagyan niya ng karagdagang lakas at majica ang dalawa para may maging kasing lakas nila si Silver.

Maya maya pa nga ay nagising na ang dalawa at nagtaka silang dalawa kung nasaan sila.

“Nasaan kami? Sino ka?”—tanong naman ni Jeizel.

“Nandito kayo sa kaharian ko at ako si Deimos!”—saad naman ni Deimos.

“Simula ngayon ay magtutulungan tayo para pabagsakin ang mga Cervantes!”—saad pa ni Deimos.

“Pano naman kung di kami pumayag?”—tanong naman ni Mike.

“Bakit sa tingin niyo ba makakabalik pa kayo sa Lahore? Hindi na dahil hindi na tinagtanggap ng Ancestral God ang mga Taksil na mga Dyos at Dyosa!”—saad naman ni Deimos.

“Kung makikipagalyansa ba kami sayo, ano naman ang matatanggap namin na galing sayo?”—tanong naman ni Jeizel.

“Bibigyan ko kayo ng panibagong lakas para kapag makalaban niyo ulit ang mga Dyos at Dyosa ng Lahore ay mas malakas na kayo kesa sa kanila!”—saad naman ni Deimos.

“Pero wag niyong gagalawin si Silver dahil akin siya!”—saad pa ni Deimos.

“Cge payag kami!”—saad naman nina Jeizel at Mike.

“Kung ganon ay tanggapin niyo itong handog ko sainyong dalawa!”—saad naman ni Deimos at inilabas nito ang dalawang itim na enerhiya at pumasok yun sa katawan nina Jeizel at Mike.

“Maraming Salamat!”—saad naman nina Jeizel at Mike.

“Magpahinga na kayong dalawa dahil bukas na bukas din ay uumpisahan niyo nang manggulo sa buong Rivaryn!”—saad naman ni Deimos at naglaho na ito.

Samantala napangit naman sina Jeizel at Mike dahil sa bago nilang majica at nararamdaman nilang napakalakas ng kanilang majica.

“Humanda silang lahat sa ating pagbabalik dahil ipapalasap natin sa kanilang lahat kung gaano na tayo kalakas!”—saad naman ni Mike.

“Tama ka!”—saad naman ni Jeizel.

⚜️⚜️⚜️⚜️Jharren’s POV⚜️⚜️⚜️⚜️

“Cge po, Mommy, Daddy aalis na po kami!”—saad ko naman.

“Cge ingat kayong dalawa!”—saad naman ni Mommy, tumango lang kami at naglaho na kami ni Arsen at paglitaw namin ay nandito na kami bulwagan ng palasyo ng Tethoris Kingdom.

“Ohhh, nandito pala kayo!”—saad naman ni King Wilson.

“Supreme God Jharren!”—saad naman nina King Wilson ay ni King Garry at yumuko silang dalawa.

“Naku, wag niyo na po yan gawin ako parin naman po ito!”—saad ko naman at pinatayo ko silang dalawa.

“Siya pala mamasyal po muna kami ni Arsen at dito na din po ako matutulog!”—saad ko naman.

“Ngayon din ay ipapahanda ko na ang magiging silid mo kamahalan!”—saad naman ni King Garry.

“Naku wag na po dun nalang po ako sa silid ni Arsen matutulog!”—saad ko naman na ikinagulat ng dalawang Hari.

The Powerful Elemental Summoner(A Powerful Gay Summoner Book 3) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon