⚜️⚜️⚜️Jharren’s POV⚜️⚜️⚜️
Nandito parin kami ni Arsen sa Garden ng Academy at naguusap kami ng kung ano ano hanggang nagutom kaming dalawa kaya naman ay naisipan naming kumain nalang sa Canteen kaya naman ay naglakad na agad kami papunta ng Canteen.
Nandito na kami ngayon sa loob ng Canteen at ang daming tao, nandito din sina Jaiden at kumakain din ang mga ito.
Kumuha naman kami ng pagkain at nang makakuha na nga kami ay pumunta na kami sa mesa nina Jaiden.
“Ohhh, ano ang ang ginawa niyo sa Garden? Siguro gumawa na din kayo ng Anak!”—saad ni Leviticus sa amin.
“Sira, bakit naman namin yun gagawin sa Garden ehhh pano kung may makakita ehhh di nakakahiya!”—saad ko naman.
“Hahahah, tama ka naman Jharren pero balak niyo bang gawin yun?”—tanong ni Leviticus sabay ngiti.
“Sira, di ahhh tsaka may paparating na digmaan at dun ako nakafocus dahil malalakas ang mga kalaban natin!”—saad ko naman.
“Ahhh ganon ba!”—saad naman ni Leviticus.
“Ang hina mo naman Arsen, gumawa na agad kayo ng baby para tagapagmana ka kaagad!”—rinig ko namang bulong ni Ace kay Arsen.
“Oo wag mainggay baka marinig tayo!”—bulong naman ni Arsen kaya naman ay natawa nalang ako sa mga pinagsasabi ng dalawa.
“Ohhh bat ka natawa?”—tanong naman ni Sapphire.
“Ahhh, wala may narinig lang akong nagbubulungan!”—saad ko naman sabay tingin kina Ace at Arsen at mukhang nagulat ang dalawa.
“Hehehehe, Sorry na mahal!”—saad naman ni Arsen.
“Oo na di naman ako galit sainyong dalawa pero wag niyo nang sasabihin sa iba kung ano pinagbubulungan niyong dalawa dahil kapag nila, alam niyo na ang mangyayari sainyo!”—saad ko naman at sabay na napalunok ang dalawa.
“Mabuti naman kung ganon!”—saad ko naman at kumain na ako.
“Ano ang pinagusapan niyong dalawa?”—tanong naman ni Jaiden.
“Ahhhh, wala, wag niyo nang tanungin dahil malalagot kami kay Jharren, tsaka ayaw ko pang mamatay noh magaasawa pa ako tsaka magkakaanak pa ako!”—saad ni Ace.
“Okay!”—saad naman ni Jaiden.
Makalipas nga ang ilang minuto ay natapos na kaming kumain at di pa rin kami umaalis dito sa Canteen dahil naguusap usap pa kami hanggang sa nakita nalang namin na gabe kaya naman ay lumabas na kami ng Canteen at dumiretso na kami sa mga Dorm namin.
Nandito kami ngayon ni Arsen sa loob ng Dorm niya dito sa Royalty Dorm at sabi niya dito daw kami matutulog, nakahiga na nga kaming dalawa ni Arsen sa kama.
“Mahal gawa na tayo ng baby tsaka di naman yun makakaapekto sa digmaan ehh!”—saad naman ni Arsen habang nakayakap sa akin pero di ako kumibo.
“Cge na Mahal!”—saad pa Arsen at bigla nalang akong hinalikan sa labi.
“Sandali!”—saad ko naman at itinulak ko ito.
“Ayaw mo ba?”—tanong naman ni Arsen.
“Gagawin na ba natin to ngayon?”—tanong ko naman.
“Oo naman, tsaka di naman agad agad nabubuo ang baby sa isang beses lang ehhh kaya wag kang magalala!”—saad naman ni Arsen.
“Cge na nga!”—saad ko naman kaya naman ay hinalikan na ako nito sa labi, di nalang ako kumibo at hinayaan ko nalang si Arsen sa gusto niyang gawin.
BINABASA MO ANG
The Powerful Elemental Summoner(A Powerful Gay Summoner Book 3) Completed
FantasyNatapos na nga ang ikalawang digmaan at naging mapayapa ang buong Rivaryn sa pamumuno pa rin nina King Silver at King Dave, samantala sina Lennox at Jino naman ay masayang namumuhay sa kanilang gubat na kung tawagin ay Yin Yang Forest, kaya tinawag...