Chapter 33

231 10 0
                                    

⚜️⚜️⚜️Third Persons POV⚜️⚜️⚜️

Nakarating kina Deimos ang ginawang pagpupulong ng mga Hari at Reyna ng mga Kaharian at mga kontinente pero di nila nalaman ang mga pinagpulungan dahil sa kapangyarihan ni Silver dahil naglagay ito ng Barrier sa loob ng bulwagan ng palasyo.

“Siguro naghahanda na yun sa paparating na digmaan!”—saad ni Deimos.

“Tama ka po Panginoon!”—saad naman ni Elverra.

“Kung ganon ay ipatawag ang mga kawal at mga kasama niyo Elverra!”—saad ni Deimos.

“Masusunod po!”—saad naman ni Elverra at naglaho na ito at paglitaw nito ay kaharap na niya ang mga kawal at mga kasama niya.

“Pinapatawag kayo ni Panginoong Deimos!”—saad naman ni Elverra.

“Cge!”—saad naman ng mga kasama ni Elverra at naglaho sila kasama ang napakaraming kawal at paglitaw nila ay nasa bulwagan na sila ng kanilang Palasyo.

“Elverra kayo ang sumugod sa Cianna Continent, ikaw naman Elves ay sa Kieran Continent din kayo, Leslie dun ka naman sa Flyn Continent, Ruby dun naman kayo Findara Continent, Jade dun naman kayo sa Tethoris Continent, Enzo dun ka sa Netholic Continent!”—saad ni Deimos sa mga alagad nito.

“Kaming tatlo naman ay kami na ang bahala sa Sarichia Continent!”—saad pa ni Deimos.

“Pero ngayon ay magpalakas muna tayo dahil malapit na ang digmaan at kapag oras na nang digmaan ay kung anong kontinente ang nakaassign sainyo ay yun ang susugurin niyo maliwanag ba?”—tanong naman ni Deimos sa mga alagad nito.

“Opo!”—saad naman nimg mga alagad ni Deimos

“Pwede ba akong makisali sa inyo mga plano?”—tanong naman ni Karina ng lumitaw ito sa harapan Deimos.

“Karina?”—tanong naman ni Deimos.

“Ako nga mahal kong kaibigan!”—saad naman ni Karina.

“Akala ko patay kana!”—saad naman ni Deimos.

“Buhay na buhay pa ako Deimos, yung kakambal ko ang napatay ng bruhang Silver na yun, kaya humanda siya sa akin dahil ako maniningil sa ginawa niya sa aking kapatid!”—saad naman ni Karina.

“Kung ganon ay tulungan mo akong talunin si Silver at ubusin ang buong angkan ng mga Cervantes!”—saad naman ni Deimos.

“Cge payag ako pero sa isang kondisyon akin si Silver!”—saad naman ni Karina.

“Oo naman walang problema!”—saad naman ni Deimos.

“Mabuti naman kung ganon!”—saad naman ni Karina.

⚜️⚜️⚜️Jharren’s POV⚜️⚜️⚜️

Kinabukasan ng magising ako ay wala pa rin akong damit at nang tiningnan ko ang katabi ko ay wala na dun si Arsen at ang sakit ng katawan ko, lintik kasing Arsen nato.

“Ohhh, Mahal gising kana pala!”—saad naman ni Arsen na galing sa labas ng kwarto ko at may dala itong pagkain at nakangiti pa ang kumag.

“Heee, wag mo akong kausap!”—saad ko naman at humiga ulit ako sa kama ko.

“Sorry na!”—saad naman ni Arsen.

“Naiinis ako sayo!”—saad ko naman.

“Wag kanang magalit sa akin ohhh please sorry na!”—saad naman ni Arsen.

“Diba sabi ko wag mo nang gawin yun tapos ginawa mo pa rin!”—naiinis kong sigaw kay Arsen kasi naman kapag humina yung majica ko malalagot talaga siya sa akin, malapit pa naman ang digmaan.

The Powerful Elemental Summoner(A Powerful Gay Summoner Book 3) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon