Chapter 40

391 10 0
                                    

⚜️⚜️⚜️⚜️Jharren’s POV⚜️⚜️⚜️⚜️

Inaayusan na namin ngayon ang limang bata dahil magsisimula na ang piging mamaya at di pa kami nakakapagayos ni Arsen dahil ang kukulit ng mga bata.

“Arsen tawagin mo nga ang mga Dama at sila na ang magayos sa limang to, sumasakit yung ulo ko!”—saad ko kay Arsen.

“Hahahah, cge na nga!”—saad ni Arsen at tumawa pa talaga kumag na to.

Maya maya pa nga ay pumasok na ang mga Dama at kaya naman ay nagsitigil na yung lima kaya naman kumuha na kami ng damit na susuotin namin ni Arsen para sa piging mamaya at nang makakuha na kami ay pumasok na kami sa loob ng Cr para maligo na, di naman kami nagtagal sa loob ng Cr at lumabas din agad kami nang matapos na kaming maligo at nakabihis narin kami ng mga damit namin.

Inayos lang ng mga Dama namin ang aming mga buhok at nilagyan kami ng korona na gawa sa ginto at dahil nga gawa sa ginto korona ay mabigat ito.

“Cge kami na ang bahala sa mga anak namin!”—saad naman ni Arsen sa mga Dama.

“Masusunod po!”—saad naman ng mga ito at nagsialisan na ang mga ito.

“Mga anak wag kayo malikot mamaya ahhh, kasi pupunta ang mga Hari at Reyna ng bawat kaharian at kontinente sa buong Rivaryn kaya wag kayo malikot mamaya ahhh!”—pagkausap ko sa mga anak namin ni Arsen.

“Opo, Mommy!”—saad naman ng mga ito.

“Mabuti naman kung ganon, Tara dahil baka tayo nalang ang hinihintay!”—saad ko naman at hinawakan ko si Kendrick at Kaizer sa mga kamay nito at ganon din si Arsen nakahawak sa kanya ang tatlong bata.

Bumaba naman kami ng hagdan at pumunta na sa bulwagan ng palasyo at pagdating ng namin dun ay nakasarado ang malaking pintuan ng bulwagan.

“God Jharren & God Arsen has Arrived!”—sigaw ng Kawal na nasa labas ng bulwagan at dahan dahan nilang binuksan ang pintuan kaya naman ay pumasok na kaming dalawa ni Arsen kasama ang mga bata at lahat sila ay nakatingin sa amin, nakita ko naman sina Janelyn at Jay at mayroon din itong kasamang isang anak.

“Hala, ang gwapo naman ng mga anak nina God Jharren at God Arsen!”

“Oo nga, tingnan mo yung isang anak nina God Jharren ang kinis ng kanyang balat, mas makinis pa kesa kay Goddess Silver!”

“Tumigil kayong dalawa baka marinig kayo!”

--bulong bulungan ng tatlong babae na nandito sa loob ng bulwagan, napangiti naman ako sa aking naririnig, naglakad naman kaming dalawa ni Arsen kasama ang mga bata at pagdating namin sa upuan namin ay agad kaming naupo.

Naupo naman ang mga bata sa upuan na nasa gitna ng upuan namin ni Arsen habang sina Lola Silver at Lolo Dave naman ay naupo sa trono nina Mommy at Daddy.

“Mga mahal kong mamamayan ng buong Rivaryn, habang ako’y nabubuhay ay patuloy ko kayong ipagtatanggol sa mga masasamang nilalang na gustong manakop sa atin, ito lang ang tandaan niyo habang ako ay nabubuhay hinding hindi kayo magagalaw ng sino mang nagnanais na sakupin kayong lahat dahil dadaan muna sila sa akin bago nila kayo magalaw!”—saad ni Lola Silver habang nakatayo ito at palakad lakad sa harapan ng trono nina Mommy at Daddy.

“Pero ngayon ay magsaya muna tayong lahat dahil sa pagkapanalo natin sa digmaan!”—saad pa ni Lola Silver at naupo ito sa kanyang trono.

“Maraming Salamat Mahal na Ancestral God, patuloy po kaming mananalig at mananampalataya sainyo para patuloy po kayong lumakas at maipagtanggol niyo po kami sa mga masasamang nilalang!”—sabay sabay na sigaw ng lahat na nandito sa loob ng bulwagan.

The Powerful Elemental Summoner(A Powerful Gay Summoner Book 3) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon