⚜️⚜️⚜️Jharren’s POV⚜️⚜️⚜️
“Tama na yan!”—saad ko naman sa dalawa kasi naman hanggang nagaaway pa rin sila at nandito na kami ngayon sa Dorm namin.
“Cge na nga, pero matanong ko lang wala na ba kayong kama-anak?”—tanong sa akin ni Jannela.
“Hmmm, Actually meron pa nasa ibang Dimension nga lang!”—saad ko naman, yun kasi ang sabi ni Mommy sa akin ehhh.
“Ahhh ganon, sayang sana makita ko sila, baka sakaling mga gwapo!”—saad naman ni Jaiden.
“Hahaha, bumalik kana sa Dorm mo Jannela dahil gabe bukas nalang tayo magusap tungkol sa angkan naming mga Cervantes!”—saad ko naman.
“Cge, good night!”—saad naman ni Jannela at lumabas na ito ng Dorm namin.
“Una na ako ahhh!”—saad ko kay Jaiden at naglaho at paglitaw ko ay nandito na ako sa loob ng silid ko.
Naligo na muna ako bago ako matulog at makalipas lang ang ilang minuto ay natapos na ako sa pagligo at ngayon nga ay nagbibihis na ako ng patulog ko at nang matapos na ako nahiga na ako sa Kama ko at agad na akong natulog.
.
.
.
.
.
>>>>>>Kinabukasan<<<<<
Nagising ako dahil sa katok ni Jaiden sa labas ng kwarto ko at parang may nangyayari di maganda kaya naman ay bumangon na ako.“Ano ba yun?”—tanong ko naman.
“Nandito na ang mga Prinsipe at Prinsessa!”—saad naman ni Jaiden sa akin na parang kinikilig.
“Ewan ko sayo Jaiden, cge maliligo lang ako!”—saad ko naman at sabay sarado ng pinto.
Makalipas nga ang kalahating oras ay natapos na akong maligo at magbihis at magayos ng aking sarili kaya naman ay lumabas na ako ng kwarto ko at nakita ko nga ang dalawa.
“Tara na!”—saad ko naman at lumabas na kami ng Dorm namin at habang naglalakad kami ay ang iingay ng mga estudyante lalo na yung mga bakla parang ngayon lang sila nakakita ng tao.
“Ang gwapo talaga ni Prince Arsen!”—saad naman ni Jaiden.
“Huyyy, balak mo ba akong tanggalan ng Dragon Core?”—pasigaw na tanong sa akin ni Arsen kaya napunta sa amin ang atensyon ng mga estudyante kahit pa ang mga Prinsipe at Prinsessa.
“Bakit natanggal ba? Di naman ahhh pasalamat ka nga inayos pa yan ni Lola Silver!”—saad ko naman.
“Blue Fire Dragon Form!”—sigaw ni Arsen at nagpalit ito ng anyo at naging napakalaking Dragon ito na kulay asul.
“Card of the Golden Dragon: Labas!”—bigkas ko naman at lumabas ang Golden Dragon ko.
⚜️⚜️⚜️Third Persons POV⚜️⚜️⚜️
Nagpalabas na nga si Jharren ng kanyang Spirit, namamangha pa rin ang mga estudyante pati ang mga Prinsipe at Prinsessa ay namamangha din.
“Merge!”—bigkas agad ni Jharren at pumasok ang Dragon nito sa loob ng katawan ni Jharren at binalutan ito ng gintong enerhiya at ramdam ng lahat kung gaano kalakas si Jharren.
“Sabing tama na yan ehhh!”—sigaw ni Silver ng lumitaw ito sa pagitan nina Arsen at Jharren at sabay pakawala ng napakalakas na majica.
“Talagang di kayo titigil na dalawa?”—tanong naman ni Silver at galit na galit na ito, bumalik naman sa pagiging tao si Arsen, si Jharren naman ay bumalik na rin sa dating anyo nito, nawala na rin ang kanyang spirit.
“Ikaw naman Arsen ikaw yung may kasalanan dun sa nangyari sainyo sa Canteen at ikaw naman Jharren diba sabi ko wag mo nang ilalabas yan!”—pasigaw na wika ni Silver at ramdam ng lahat ang galit ni Silver.
BINABASA MO ANG
The Powerful Elemental Summoner(A Powerful Gay Summoner Book 3) Completed
FantasiNatapos na nga ang ikalawang digmaan at naging mapayapa ang buong Rivaryn sa pamumuno pa rin nina King Silver at King Dave, samantala sina Lennox at Jino naman ay masayang namumuhay sa kanilang gubat na kung tawagin ay Yin Yang Forest, kaya tinawag...