Apat na mula nang ikasal sila ang buong akala nila ang sa kasal na magtatapos ang lahat ng hirap nila, inaakala ito na ang happy ending nila ngunit ito lang pala ang simula
Isang araw, habang nagpapahinga mula sa nakakapagod na araw, napag-usapan ng mga kaibigan ni Yzairha ang sobrang pagiging malapit ni Jordan kay Ellaine. "Friendly naman talaga si Ellaine sa lahat," pagtatanggol ni Yzairha, ang boses niya ay may bahid ng pagtatanggol.
Bigla namang nag salita si Kristel "Yza, don't be so stupid. Malandi talaga siya!" Ang isa sa matalik niyang kaibigan.
"Tama si Yzairha, friendly si Ellaine noon pa man 'di ba? At alam naman natin ang dahilang kung bakit naging ganiyan ang ugali n'ya," Si Meisha naman.
habang nag uusap sila biglang lumapit sakanila si Ellaine. "Hi, kamusta?" Tanong nito, nagulat ang mga ito ngunit nag patuloy lang sila. "Hi!" Ngumiti si Mariel.
"Ano bang ginagawa mo dito?" Walang alinlangang pinag masungitan ni Kristel si Ellaine.
Binigyan naman ni Ellaine ng isang nagtatakang pigura at titig si Kristel, "sorry?"
"Ang ibig niyang sabihin, ay kung may kailangan ka ba? Busy ka 'di ba?" Sagot naman ni Meisha dito.
Saglit namang napahinto si Ellaine bago muling magsalita. "Ah, wala naman. Gusto ko lang sabihin kay Yzairha na congrats for being the best surgeon to my own hospital," aniya. Nagpakawala siya ng isang mahinang bulong, "Genius!" May bahid ng sarkasmo ang tono ng boses ni Ellaine, pero hindi na lang ito pinansin ni Yzairha. Matagal na niyang natutunan na tiisin ang mga mapang-uyam na komento ni Ellaine, lalo na’t malaki ang utang na loob niya sa ina nito na naging susi sa tagumpay niya.
"Kaso lang si Jordan parang iniwanan mo na sa ere," dagdag pa nito, napa-tingin na si Yzairha sa sinabi ni Ellaine lalo na si Kristel.
Hindi nakapagpigil si Kristel at nagsalita, walang pakialam kung sino ang kausap niya. "Iniwan? Sigurado ka ba sa sinasabi mo? Hindi kasalanan ni Yzairha na magaling siyang doktor. Hindi niya kasalanan na nahigitan niya ang anak ng isang successful at pinaka-magaling na mga doktor na siya ring nagmamay-ari ng ospital na 'to," ang boses niya ay matalim, ang mga mata niya ay kumikislap sa galit.
Nagkuyam ang bagang ni Ellaine dahil sa sinabi nito dahil alam niyang siya na ang tinutukoy ni Kristel na nalamangan ni Yzairha, siya na nag-iisang anak ng mga Salvador, siya na anak ng mga magagaling na doktor sa buong Pilipinas. "Ohh, sorry. But Jordan also told me that he's having a hard time because it seems like he's been left behind, because of what Yzairha has become now. She totally doesn't care about her husband's feelings anymore," Ellaine said. It made Yzairha angry, but Yzairha remained calm in these moments.
"Ahm.. Excuse me. It's time to go back to work," sabi ni Meisha para awatin ang tensyon na namumuo sa pagitan ni Kristel at Ellaine na ngayon ay magkaharap at nagsisimulang magkainitan na parang mga leon na handang sumugod anumang oras.
Hinawakan ni Yzairha ang braso ni Kristel at hinila papuntang likuran niya bago harapin si Ellaine at mag salita, "If Jordan is struggling, then he needs to address it with me directly. I'm not going to be swayed by your gossip." Anya tsaka tumalikod si Yzairha, ngunit ng ilang hakbang na ang nagawa niya, tinawag naman siya ni Ellaine. "Yzairha!"
"What is it?" tanong ni Yzairha, nang hindi lumilingon.
"Sorry kung na-offend kita, pero I'm just concerned about your husband. Ikaw dapat ang gumagawa niyan, ikaw din. Baka mag-hanap ng ibang asawa si Jordan, mawalan ka pa," sabi ni Ellaine, tsaka naglakad at nilagpasan ang mga magkakaibigan.
"Okay ka lang?" Tanong ni Meisha, tila namutla kasi ito sa sinabi ni Ellaine. Tumango naman si Yzairha sa mga ito upang hindi na mag-alala pa. Pinilit niyang ngumiti, sinusubukan niyang magpakita ng kumpiyansa na hindi naman niya lubos na nararamdaman. Sa loob-loob niya, kumakabog ang kanyang puso.