chapter 13 My ex husband is my hero

42 3 0
                                    

"Sir, huminahon po kayo." Pag awat ng mga nurse sa lalaking nag wawala.

"ilabas nyo ang mga punyetang doktor na yan. Ilabas nyo!" Sigaw ng lalaki sa nurse na umaawat sakaniya.

"Sir, huminahon kayo. Gagamutin naman po kayo inuuna lang po muna yung ibang pasyente." Saad ng intern sa lalaki. Wala kasing doktor na umaasikaso sa lalaki dahilan upang mag wala ito.

"Hindi nyo ba nakikita may malaking sugat ang binti ko, anong klaseng mga doktor ba kayo ha!!" Sigaw pa nito.

"Anong nangyayari dito?" Tanong ni Yzairha ng makita niyang nag kakagulo dahil sa pag sigaw ng lalaki.

"Anong klaseng hospital ba to walang doktor na umaasikaso saakin, lintek naman oh!!" Sigaw ulit ng lalaki, halata sa lalaki ang labis na pag ka lasing kaya ganon ang mga inaasal nya.

Bumaba ang mata ni Yzairha sa binti ng lalaki.
"Sir, huminahon ho kayo, tsaka mukang mababaw lang ho yung sugat. Hindi naman po kayo mauubusan ng dugo kung hindi agad gagamutin, kailangan nyo lang mag hintay." Yzairha tried to explained.

"Marunong ka pa sakin e binti ko to!" Galit na Saad ng lalaki.

"Sir, maupo kayo, titignan ko po yung sugat." Mahinahong saad ni Yzairha, pinipigilan niya ang sariling patulan ang lalaki kahit naiinis na siya. Binuhusan ni Yzairha ng alcohol ang sugat ng lalaki upang linisin, ngunit Napasigaw ang lalaki sa sakit.

"Arggg.... bwiset ka." Sigaw nito kay Yzairha,
at naka ambang sasampalin siya walang nagawa si Yzairha at napa pikit na lang. Buti na lang at napigilan ito ni Jordan. Hinawakan ni Jordan ang kamay ng mayabang na lalaki bago pa ito dumampi sa muka ni Yzairha.

"Tratuhin mo nang maayos ang doktor na gustong tumulong sayo. Lalong wag mong babastusin ang mga doktor dito, Wag kang gumawa ng eksena sa hospital nato."

"Bitawan mo nga ako." Saad ng lalaki kay Jordan at inalis ang mahigpit na hawak ni Jordan sa kamay niya.

"Anong klaseng hospital to,
hindi nyo inaasikaso ang mga pasyente nyo." Sigaw ng lalaki kay Jordan

"Mababaw lang ang sugat mo. Pwede ka nang umuwi." Saad ni Jordan habang nakatingin ng matalim sa lalaki.

"Tarantado ka ah!" Galit na sigaw ng lalaki at sinubukang sapakin si Jordan pero naka ilag ito. Ngunit dahil nasa likod si Yzairha natamaan siya dahilan upang matumba ito, agad siyang nilapitan ni Jordan.

"Ok ka lang?" Nag aalalang tanong ni Jordan. Tumingin lang si Yzairha at hindi naka pag salita. Inalalayang tumayo ni Jordan si Yzairha tsaka hinarap ang walang modong lalaki.

"Tignan mo ginawa mo!!" Galit na sigaw ni Jordan. Hindi ito nakapag pigil at biglang sinugod ang lalaki at sinuntok, sa lakas ng suntok ni Jordan natumba ang lalaki at nag dugo ang ilong. Susundan pa sana ni Jordan ang suntok pero hinawakan siya ng ibang mga doktor at nurse doon.

"Doc, tama na." Awat ng mga tao na nandoon.
Agad namang dumating ang security para tumulong sa pag awat.

(At Dr. Paul office)
"Hindi mo na dapat pinatulan ang lalaking yon, pano kung mag reklamo pa yon sa pulis. Ipapahamak mo ang sarili mo dahil sa init ng ulo mo!!" Galit na saad ni Dr. Paul.

"Pasensya na doc." Pag hingi ng tawad ni Jordan.

"Doc, tinulungan lang po ako ni Jordan." Pagtatanggol ni Yzairha.

"Kahit na. Sana pinaalis nyo na lang sa security." Saad ni Dr. Paul habang nakalagay ang mag kabilaang kamay sa bewang niya.

"Ginawa ko lang ang dapat, para sa mga walang modong tao, gaya niya." Pagpupumilit ni Jordan tsaka kinuha ang kamay ni Yzairha at hinila ito para umalis.
dinala ni Jordan si Yzairha sa opisina niya at ginamot ang naging sugat nito.

"Let me see." Saad nito kay Yza at hinawakan ang makinis at malambot na muka nito at tinignan ang sugat.

"Ayus lang ako Jordan." Saad ni Yzairha. Tatayo na sana siya pero agad siyang hinila ni Jordan pabalik sa upuan.

"You're not ok."

"Kaka annuled lang ng kasal natin pero hindi ibig sabihin non hindi kana dapat makinig sakin." Jordam added, habang seryosong pinapahidan ng ointment ang sugat ni Yzairha. Walang magawa si Yzairha kundi ang tumingin sa mga mata ni Jordan habang ginagamot siya nito.

(The door opened)
"Jordan, what happened?" Bungad ni Ellaine.

"Ok ka lang ba Yza?" Tanong nito kay Yza, nagulat siya nang tanungin siya nito akala niya kasi si Jordan ang pakay nito.

"Uh.. O-oo." Nauutal na sagot ni Yzairha.

"Sana nag pasensya ka na lang." Payo ni Ellaine kay Jordan.

"Look what he did to her, he punched an innocent woman."

"Did you take your medication?" Ellaine asked.

"What medication?" Tanong ni Yzairha, nag katinginan si Jordan at Ellaine.

"Medication of aa..." hindi matuloy na sasabihin ni Ellaine.

"Nothing, it's not serious." Dugtong ni Jordan.

"Yeah, it's not serious don't worry to your husband." walang dalawang isip na saad ni Ellaine.

"She's not my wife anymore!" Saad ni Jordan kay Ellaine na ikinagulat nito.

"What?!"

"We're annuled." Inunahan na ni Yzairha si Jordan upang hindi na siya masaktan sa magiging sagot nito.

"Bakit hindi mo sinabi agad sakin?" Tanong ni Ellaine.

"Kailangan ko pa bang ipaalam sayo?"

"Well, hindi na yon mahalaga. May kailangan pa kong gawin." Saad nito lumakad na siya para umalis, hindi pa man siya nakakalabas ng pinto bigla naman siyang nakaramdam ng labis na sakit ng ulo kaya Napahawak si Jordan sa door knob ng pinto.

"Anong problema?" Nag aalalang tanong ni Yzairha.

"Wa-wala... Arggg...." namimilipit nitong saad, natumba ito habang napa hawak sa ulo dahil sa sakit, lumuhod si Yzairha para pantayan si Jordan. Habang pumunta naman sa drawer ni Jordan si Ellaine at may kinuhang gamot.

Lumubod si Ellaine sa harapan ni Jordan at Yzairha para ibigay ang gamot.
"Drink it." Saad nito, tsaka binigay ang gamot at tubig. Agad kinuha ni Jordan ang gamot at ininom.

"Para saan yan? B-bakit M-may sakit ka ba, Jordan? Sumagot ka!!" Nag aalalang tanong ni Yzairha. Hindi niya maiwasang mag alala kay Jordan kahit nagagalit siya dahil sa annulment.

"I'm fine, it's just an ordinary headache."

"This is not a fucking Normal!" Galit na sigaw ni Yzairha.

"I'm not your husband anymore, stop acting like my wife." Saad ni Jordan kay Yzairha, namula ang mga mata ni Yzairha sa sinabing iyon ni Jordan, pinipigilan nyang bumagsak ang luha sa harapan ni Jordan, habang si Jordan ay pinilit tumayo kahit na nahihirapan.
Iniwan nya si Ellaine at Yzairha na para bang walang nangyari.

"I'm sorry Yza." Pag hingi ng tawad ni Ellaine.

"Don't worry about him, he's going to be fine." Pagpapagaan ni Ellaine sa nararamdaman ni Yzairha. Hindi napigilang umiyak ni Yzairha sa harapan ni Ellaine. Inalalayan ni Ellaine si Yzairha tumayo.

"Wag kang mag alala, isang araw magiging maayos din ang lahat."

"Why are you acting so weird? Shouldn't we be enemies? We should be hurting each other, you should be angry because that's what mistresses do, right? They want to ruin marriages, Right?!" She exclaimed, sobbing, to Ellaine.

Ellaine just smiled.
"If that's how you see me, maybe you still don't really know me, especially if you think there's still a relationship between me and your husband. Well, you should get to know your husband more."

"The truth is, we don't have a relationship anymore. It's over. pinutol na namin yon at kung nagtataka ka kung bakit hanggang ngayon para parin kaming may romantic relationships You should be the one to find out the truth,
I shouldn't be the one to tell the whole truth." Dagdag ni Ellaine bago iwanan si Yzairha.

The Broken Pieces Of A Hearts Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon