"Pasensya na po Mrs. Salvador hindi ko agad nasabi, pero 'yon po ang sinabi ni Brian sa' akin kaninang umaga nang mag-kausap kami." naka yukong Paliwanag ni Yzairha kay Mrs. Salvador na nasa harapan n'ya at gulat na gulat sa mga narinig.
"Ang ibig mong sabihin ang anak ni Brian na namatay ay walang iba kundi si Gabriella? At ngayon kinukuha na ito?" Tanong ni Mrs. Salvador.
"Yun po ang sinabi ni Brian sa'akin, pero wag po kayong mag alala dahil andoon si Keighley, sigurado po akong hindi n'ya pababayaan si Gabriella," dagdag ni Yzairha.
"Anong kailangan nila?" Sunod na tanong ni Mrs. Salvador.
"Helicopter po para kay Gabriella at Ellaine," magalang na sagot ni Yzairha
"Gabriella at Ellaine? Hindi ba sasama sa pag uwi sa pilipinas si Brian?" Takang tanong ni Mrs. Salvador.
Napaisip naman si Yzairha pero hindi nya rin alam ang isasagot dito. "Hindi ko din po alam eh, basta ang sinabi n'ya po saakin papauwi-in n'ya si Ellaine at Gabriella at kailangan n'ya ayusin ang tinakasan n'yang suliranin noon. Tingin ko po may kinalaman 'yon sa dati n'yang asawa. 'Di ko rin ho alam kung ano ang plina-plano ni Brian ngayon e,"
***
"Anong pinag usapan n'yo?" Tanong ni Jordan kay Yzairha habang inaayos ang mga files ng mga pasyente n'ya. Nasa opisina ni Jordan si Yzairha upang kamustahin sana ito sa unang isang buwan ng pagtatrabaho."H-ha?"
"Nakita kita kanina pumasok ka sa opisina ni Mrs. Salvador," Saad ni Jordan bago naupo sa upuan n'ya at tignan ang Data ng mga pasyenteng hawak n'ya sa computer nito.
"W-wala, sinabi ko lang yung mga pinasasabi ni Brian sa'kin kanina," sagot naman ni Yzairha. Tumingin si Jordan kay Yzairha, "bakit nandon si Keighley?" Sunod nitong tanong na ikinagulat ni Yzairha.
"Ha?!"
"Narinig kitang kausap mo si Brian kaninang umaga, at tinanong mo si Brian kung kamusta ba si Keighley. Bakit mo itatanong kay Brian yon, kung wala si Keighley don? Kaya ba hindi s'ya dumadalaw sa bahay dahil nasa Germany s'ya?" Sunod sunod na tanong ni Jordan.
"Um.. l-love.. J-jordan... sorry... Keighley asked me not to tell you."
"But why?" Jordan stood up to approach where Yzairha was sitting because Yzairha was also standing up in a hurry.
"K-kasi ayaw ka na n'yang mag alala!" Pikit matang paliwanag ni Yzairha.
"Worry? Why would I worry if Keighley has no other reason than missing Ellaine's child?"
Hindi mapigilan ni Jordan na hindi makaramdan ng tensyon sa pagitan n'ya at ni Yzairha, "sabihin mo, anong nangyayari kila Keighley?" Tanong ulit ni Jordan.
Yzairha avoided eye contact, but Jordan held her chin and lifted it so that Yzairha could look directly at him.
"Anong nangyayari?" Seryosong tanong ni Jordan. Walang nagawa si Yzairha kundi ang sabihin ang nalalaman n'ya.
"what? Totoo ngang talagang mapag laro ang tadhana, tsk..""Is Gabriella okay?" Pag aalala nito. "Yeah.. pero natatakot parin sila Brian na baka makuha si Gabriella ng totoo nitong nanay, pero sabi naman ni Brian may solusyon na s'yang nakikita pero hindi n'ya sinabi saakin kung ano 'yon, ang totoo wala akong ideya sa plano ng lalaking 'yon." paliwanag ni Yzairha gusto mang tumulong ni Jordan hindi n'ya alam kung pa'no.
***
"Brian, kailangan may gawin na tayo. Isang linggo nang wala ang anak ko! Mag dadalawang linggo na nga eh, hindi ko na alam kung anong gagawin ko, para maibsan ang pag-aalala ko.." umiiyak na paliwanag ni Ellaine."Wag kang mag alala sigurado naman akong hindi sasaktan ni Carmella si Gabriella," pagpapagaan ni Brian. Tanging sampal naman ang sinagot ni Ellaine sakan'ya, dahil sa mga sinabi nito na ikinagulat ni Brian at Keighley.
"E-ellaine..."
"What do I care if she hurts Gabriella or not, huh? Have you even thought about what Gabriella is feeling? Have you even considered that maybe she's looking for me? I don't care about what your wife does if she wants you, I don't care, just let that damn woman return my child! It's because you weren't the one who took care of and got tired every night when Gabriella was crying, you weren't the one by her side during the times she needed you every time she got sick and needed a father!" Galit na saad ni Ellaine, inintindi na lamang ni Brian si Ellaine at maluwag na tinaggap ang masakit na salita at sampal na nag mula kay Ellaine, kahit nasasaktan s'ya sa mga sinabi ni Ellaine sakan'ya, pero dahil sa alam ni Keighley ang lahat ng plinaplano ni Brian naawa s'ya sa ginawa at nagiging asal ni Ellaine kay Brian.
"Ellaine!"
"Hindi mo alam ang ginawang sakripisyo ni Brian para lang makuha mo ang gusto mo!" Seryoso at may inis sa tono nitong saad, agad naman s'yang pinigilan ni Brian sa balak nitong sabihin kay Ellaine. "Keighley stop!"
"What do you mean?" Takang tanong ni Ellaine kay Keighley bago diretsahang tignan si Brian.
"W-wala, she's just referring to her brother not me! Remember J-jordan sacrifice his... his happiness para lang hindi masaktan si Yzairha kung sakaling mawala s'ya dahil sa sakit n'ya." Paliwanag ni Brian,
"You're not sick, right?" Ellaine asked seems to be worried, Brian shook his head as a response.
***
Kinabukasan galit parin si Ellaine dahil akala nito walang ginagawa si Brian para mabawi ang anak n'ya kay Carmella.
"Ellaine, mag bihis ka na," Mahinahong saad ni Brian kay Ellaine."Bakit?"
"Uuwi kana ng pilipinas!" Sagot ni Brian.
"Uuwi? At talagang desidido kang ibalik na si Gabriella sa nanay n'ya pagkatapos ng apat na taon?"
"Sinong nag sabing uuwi kang hindi kasama si Gabriella?" Brian asked.
"W-what do you mean?"
"She's coming with you, hindi ko hahayaang mag hiwalay kayong dalawa. Naki usap na ako kay Carmella and she agreed with me, pero sa isang kundisyon."
"Really?... but.. in what condition?" She asked again but this time she felt something on her heart.
"Malalaman mo mamaya, sa ngayon ang mahalaga magiging masaya kana at ganon din ako para sa'yo, sabi ko naman sayo mag tiwala kalang, diba?!" Napayakap si Ellaine sa sinabi ni Brian, "t-thank you, Brian.."
"Magayos kana, Gabriella was waiting for you, kanina pa s'ya umiiyak dahil sa labis na pag kasabik na makita ka," Ellaine immediately let go of the hug, and she didn't know why, from looking into Brian's eyes, she moved down to Brian's lips as if tempting, and Brian felt the soft but not hard kiss from Ellaine. And she whispered "Sorry for not trusting you," Ellaine felt Brian's salty tears, when she say that.
"why are you crying? Aren't you happy that everything will be okay now?" She asked.
"I'm happy, that's why. I'm the happiest man in the world to felt this kind of kiss and love from the woman that I was inlove from a very long time," he said while looking to Ellaine's eyes. Ellaine smiled as big as she can and kiss him once more again and whispered "i love you more than before, now."