"Hindiiii!! Hindi totoo lahat ng ito!!" Iyak ng isang babae
Tanging yakap na lang ang nagagawa ng kanyang ina habang umiiyak na din..
"Bakit naman po ganito pa ang nangyari sa akin nay??" Iyak pa rin ng babae
"Anak pasensya ka na.. Wala tayong sapat na pera para sa operasyon mo.." hikbi ng kanyang ina
"Naaaaayy.. Natatakot po ako! Natatakot ako!"
Panay lang ang iyak at pagwawala ng babae habang yakap ng kanyang ina..
"Tibayan mo lang ang loob mo anak.. Magiging okay din ang lahat.. Huwag kang mag-alala.. Magpapatulong ako para sa pagpapagamot mo..." Pagpapakalma ng ginang sa anak niya
Kahit ang totoo ay hindi siya sigurado kung may makukuha ba o matatanggap siyang tulong...
"Kasalanan niya to!! Siya ang dahilan ng lahat ng ito!!" Sigaw pa niya
"Sino anak?? Kilala mo ba?? Ng maireport natin.." Alalang tanong ng ginang
Hindi niya kasi makausap ng maayos ang dalaga dahil siguro sa trauma na naranasan niya!
"Siya ang dahilan ng lahat nay... Di ko kilala yung lalaki!! Nasulyapan ko lang ang mukha niya!! Kasalanan niya to!! Siya ang dahilan ng pagkawala ng paningin ko!"
Niyakap na lamang siya ng ginang habang patuloy pa rin sa paninisi sa lalaking nakaaksidente sa kanya
Naaksidente ang babae sa isang car accident at nakatamo siya ng mga galos sa iba't ibang parte ng kanyang katawan at malala pa dun ay iyon din ang dahilan ng pagkawala ng kanyang paningin.
Nabulag ang babae na siyang hindi niya matanggap.
Kahit naman sino siguro mahirap tanggapin ang pagkawala ng sariling paningin..
Makukulong ka na lang bigla sa kadiliman na kailan man ay wala kang masisilayan na liwanag..
>>>>>
Sa kabilang banda naitakbo na rin sa isang pribadong hospital ang isang lalaki..Naaksidente din siya sa araw na iyon! Duguan at walang malay ang lalaki nang datnan ng mga rescuer..
Walang nakakaalam kung paano nangyari ang aksidente maliban lang sa mga tao na sangkot mismo sa pangyayari..
Halos hindi na rin makilala dahil sa dugong nagkalat sa mukha niya.
Isang mayaman ang lalaki mula sa isang kilalang angkan.. Ngunit walang nakakaalam..
Samantalang nasa middle naman ang istado ng babaeng nabulag dahil sa aksidente..
Sa tingin ng mga taong tumulong ay isang dayo sa lugar nila..
Hindi nila kilala kung sino o ano ang pagkakakilanlan ng pasyente..
Sino nga ba ang lalaking naaksidente?! Ano ang kinalaman niya sa nangyaring aksidente na siyang nakasangkutan ng isang inosenteng dalaga??
Magkikita pa ba sila??
Makikilala kaya nila ang isa't isa kapag nagkrus ulit ang landas nila??
Is that anger or hatred for that man will stay inside her heart??
Or hatred will be vanished and replaced by love??
BINABASA MO ANG
MY UNSEEN LOVE ONE
RandomSi Yashana Ezra ay isang masayahing dalaga pero biglang nagbago ang buhay niya ng mangyari ang isang aksidenteng kailan man ay hindi niya inaasahan. Na siyang naging dahilan ng pagkakulong niya sa kadiliman.