YASHANA EZRA POV :
Hinihintay ko ngayon ang pagdating nila papa. Pero wala akong alam o clue kung sino yung kasama niyang darating.
Basta ang paalam niya ay darating sila at ipapakilala niya daw ako.
Baka gusto pang tumulong sa sitwasyon ko?? Hays! Siguro nga, ayy ewan!
DING DONG !!
Napatayo ako ng may magdoorbell kaya agad akong lumapit sa pinto para agbuksan ito. At baka sila papa na yan.
"Anak we're here!" Bungad agad ni papa pagkabukas ko ng pinto."Pa! Buti po at nakarating na kayo pasok po!"
"Sige,oh anak pasok na tayo!"
Akala ko ako yung tinutukoy niya pero nagtaka ako ng hawakan ni papa ang kamay ko.
"Tara na din anak isarado mo na yang pinto!"
Tumango ako at sinara ang pinto at doon ko lang medyo naaninagan na may kasama nga talaga siya.
Pero tinawag niya din ba na anak??
"Shana kasama ko pala ngayon ang anak namin ni Gina. Ang kapatid mo si Honey. Honey ang ate Yashana mo!"
Hindi agad ako makapagsalita ng marinig ko ang sinabi ni papa.
Kapatid??
Dinala niya dito?? Ano na lang ang sasabihin niya? Ng mommy niya?? Baka magkaaberya pa!
"Dad I think my sister didn't want me here!" Dinig kong bulong ng kapatid ko daw
Nagbulungan pa sila ng ilang sandali bago ako nagsalita.
"Hindi sa ayaw ko sayo. Nakakapag-alala lang kasi dahil baka magkaproblema." Sambit ko
Nagulat ako ng bigla siyang lumapit sakin at yumakap.
"Don't worry ate. Mom didn't know about this. Sekreto lang natin to tsaka isa pa ako ang nagumilit na sumama 'cause I wanna meet you. And finally I'm happy to see you!" Masayang sambit niya
Nanatili pa rin siyang nakayakap sakin kaya gumanti na lang ako. Kahit medyo naiilang pa ako sa kanya pero siya parang wala lang.
"Ow I forgot! I bought you some filipino snacks! My friend and I choose those foods. Hope you gonna like it." Sabay bitaw sakin
At narinig ko na ang pagbukas ng zipper siguro yun ng maleta niya.
"Maiiwan ko na muna kayo jan mga anak at may pag-uusapan lang kami ni Grace!" Sambit ni papa na nagpatigil sa pagkaluskos ni Honey
"Grace?? Your mom ate?" Takang tanong niya
"Oo siya nga. Kaming dalawa lang dito."
"Sa kusina lang kami. Shana ikaw na muna sa kapatid mo!" Sambit pa ni mama kasabay ng mga yapak na papalayo
"Kaya kung maaari ay ayoko sanang malaman niyo ang tungkol sa amin kasi ayokong magkaproblema. Tulad ngayon, baka galit ka kasi nagkikita si mama at papa??" Alanganing saad ko kasabay ng isang buntong hininga
Umalis na kasi sina mama pero napakatahimik pa rin ni Honey.
"No no no... It's not that ate.. I was just shocked kasi dad didn't tell me about your mom. Ang alam ko ay mag-isa ka lanh dito. Nag-alala kaya ako ng sabihin ni dad ang sitwasyon mo tapos narito ka sa malayo. But thanks God tita is here with you!" Agap niya agad sa sinabi ko
"Hindi ka galit sa amin??" Paniniguro ko pa sa kanya
"Ofcourse not! Honestly gustong gusto kong magkaroon ng kapatid but the universe didn't let my mom bear another child. Yun pala may kapatid na pala akong hindi nila sinasabi."
BINABASA MO ANG
MY UNSEEN LOVE ONE
AlteleSi Yashana Ezra ay isang masayahing dalaga pero biglang nagbago ang buhay niya ng mangyari ang isang aksidenteng kailan man ay hindi niya inaasahan. Na siyang naging dahilan ng pagkakulong niya sa kadiliman.