ELMER POV :👇 (Honey's dad)
"Okay salamat sa impormasyon!"
"Impormasyon?? What do you mean by that?!"
Nagulat ako sa boses ng asawa ko na bigla na lang sumulpot sa likuran ko.
"Gina.."
"Why?? Still looking for your daughter??"
"Gina,listen, yung anak ko lang ang gusto kong makita wala ng iba. Gusto ko lang naman na bumawi sa lahat ng pagkukulang ko.."
"Sinabi mo sa akin noon na sasama ka sa akin at kakalimutan mo na ang pamilya mong yun dahil kami ni Honey ang pipiliin mo!"
"Sana maintindihan mo Georgina. Anak ko rin siya at ako ang ama niya! May karapatan din siya sa akin."
Napangiwi na lang ako ng sinamaan niya ako ng tingin. Isa lang naman ang gusto kong mangyari. Intindihin niya ang sitwasyon ko!
Ang makita ang iniwan kong anak noon para sa kanila ng anak namin. Gusto ko lang bumawi ngayong kaya ko nang suportahan siya.
"Hindi! Kalimutan mo na sila dahil matagal na silang burado sa buhay mo!! Kami na lang ang pamilya mo at wala ng iba pa! Naiintindihan mo?! So forget findning them anymore!"
Tinalikuran na niya ako at umakyat na sa taas.. Damn it!!
Oo,iniwan ko ang pamilya ko noon. Bata pa lang ang anak ko ng pinili ko sina Georgina at Honey na paslit pa lang din noon. Nauna lang ng tatlong buwan ang anak kong iyon kesa kay Honey.
Kaya malamang hindi niya ako kilala. Baka nga pati pangalan ko ay hindi niya alam. Sobrang galit ng ina niya alam ko. Kaya siguradong binura na din nila ako sa buhay nila.
Pero hindi ako titigil sa pagpapahanap sa kanila kahit kontra ang asawa ko sa gusto ko.
And I hope makita ko sila personally kung buhay pa ba sila.. Sana nga lang talaga.
HONEY POV :👇
Naglalakad lang ako papasok ng bahay habang nakangiti at may paikot ikot pa ako habang naglalakad.
I'm just happy sa mga nangyayari. Ayon kay tita Mary pag-uusapan na ang engagement namin ni Blade sa next day.
Nasa alapaap pa rin ang isip ko pero biglang nabalik sa realidad ng marinig ko ang boses ni mom. Nag aaway ba sila ni dad??
Kaya nagtago muna ako sa may pinto para mapakinggan ang usapan nila.
"Hindi! Kalimutan mo na sila dahil matagal na silang burado sa buhay mo!! Kami na lang ang pamilya mo at wala ng iba pa! Naiintindihan mo?! So forget findning them anymore!"
Ha?? Ano daw??
Nagkubli ako ng maayos sa may pinto ng makita si mom na naglalakad na patungo sa may hagdan. She left dad sa sofa na bagsak ang mga balikat habang sinusundan niya ng tingin si mom.
Sino ang hinahanap ni dad?? May hindi ba ako alam sa pamilyang ito??
Lumabas lang ako sa pinagtataguan mo ng mawala na sa paningin ko si mom. Nilapitan ko si dad at tinabihan sa may sofa.
"Dad..."
"Anak! Hindi kita napansin,how's your day??" Ngumiti siya pero halatang pilit lang iyon.
"Dad it's okay.."
"So anong pinag usapan niyo ng tita Mary mo?? Can you tell me??"
"Dad it's okay. Huwag mo na pong itago ang lungkot niyo. I can see it in your eyes and I can feel it through your voice.!" Malungkot kong turan at hinawakan siya sa kamay para macomfort
BINABASA MO ANG
MY UNSEEN LOVE ONE
RandomSi Yashana Ezra ay isang masayahing dalaga pero biglang nagbago ang buhay niya ng mangyari ang isang aksidenteng kailan man ay hindi niya inaasahan. Na siyang naging dahilan ng pagkakulong niya sa kadiliman.