Kabanata 23

5 0 0
                                    


NASHMIYA POV :

Asar na asar ako habang naglalakad palapit sa bahay nila Yash.

Pero bago pa man ako tuluyang pumasok ay huminga muna ako ng malalim ng mga ilang ulit upang maakalma ang sarili.

Ayoko lang na makahalata si Yash baka mag alala pa siya at makadagdag pa ako sa alalahanin niya.

Kagagaling ko pa lang sa bahay ni Blade at tapos ko na rin na inasikaso ang mga bakulaw na nandun!

Ginawa pa akong katulong ng mga mokong.

Ayoko sanang magligpit ng mga kalat nila at si Clyde lang ang aasikasuhin ko pero nakonsensya din ako nang makitang nagsasalitan na silang magkalat at magkanya kanyang angal.

Kahit naman may hindi kami pagkakaintindihan ni Blade ay may awa pa rin ako.

Kaya no choice ako! Nagligpit at pinagluto ko muna sila tsaka pinakain. Tsaka ko sila iniwan ng makatulog na sila ulit.

Hays! Ano ba dapat ang gagawin namin?? Hmmm.. makapasok na nga lang sa loob.

"M-Miya ikaw ba yan??"

Naramdaman niya yata na may dumating.. Lakas talaga ng pakiramdam ng babaitang to..

"Oo beb.. kararating ko lang, musta pakiramdam mo??"

"Hindi ko alam beb.. Okay na hindi.."

"What if magbakasyon ka kaya beb? Kayo ni tita nang makapag relax ka." Suhestiyon ko sa kanya dahil halata na ang pagka stress niya.

"Ayoko.. Kumusta na siya?"

Nagulat ako sa tanong niya kaya napakunot noo akong napatingin sa kanya.

Sinong tinutukoy niya?? Eh hindi naman niya alam na nagunta ako kina Blade.

"H-Ha?"

"Beb alam kong pinuntahan mo si Clyde at sa mga sitwasyong ganito alam kong magkakasama silang tatlo. Kaya ano na??"

"Beb siya na nga tong nagwalk out basta tapos siya pa rin iniisip mo?? Pwede bang sarili mo muna ang intindihin mo?? Pumayag ka na sa suggestion ko ng marelax ka naman.."

"Magkwento ka muna.." malungkot niyang sambit

Napapangiwi na lang ako sa babaeng to. Naku,sarap kaltusan!

Si Blade pa rin ang iniisip niya kahit siya na nga tong mas aggrabyado.

Wala na nga akong nagawa kundi ang magkwento kung ano ang nadatnan ko sa bahay ni Blade at kung paano ako naging katulong sa bahay na yun.

"Oh,kwinento ko na! Kaya ngayon ako naman ang pagbigyan mo beb. Magbakasyon ka,kayo ni tita please.."

Nakailang kumbinsi pa ako sa kanya hanggang sa pumayag na.

Wala namang kaso yun kay tita dahil para kay Yash naman ang gagawin nila.

Sana lang talaga maging maayos din ang lahat.. Alam ko naman na mahal na mahal nila ang isa't isa.

Lalo na kay Blade dahil tinanggap niya si beb kahit ganun ang sitwasyon ng kaibigan ko.

MARY POV (Blade's mom)

"What's happening to that kid??! Is he out out of his mind already??" Galit na galit kong saad sa secretary ni Blade

"Sorry po madam pero hindi ko po alam." Nahintatakutang sagot naman ng secretary

"What kind of secretary you are?? Dapat alam mo lahat ng nangyayari sa boss mo! My goodness!!"

Nakakagalit talaga ang pinaggagawa ng batang to. Ilang araw na palang hindi pumapasok sa opisina niya.

MY UNSEEN LOVE ONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon