Kabanata 28

8 0 0
                                    

YASHANA EZRA POV :

   Pagkagising kinabukasan ay boses agad ni mama ang bumungad sa akin. Hindi pa man ako nakakabangon ay pinagalitan na agad ako.

  Anong ginawa ko??

  "Napakaburara mo talagang bata ka! Paano kung tumawag ang papa mo kagabi?? Eh di pinapagalitan na niya tayo ngayon?!"

Ha?? Teka ano naman kung tumawag si papa edi sagutin namin. Hays. Mama talaga eeh..

  "Ha?? Edi sagutin ma,mahirap ba yun??" Maang kong sagot

  "At paano mo naman sasagutin aber?? Nasaan ang cellphone mo??!"

"Narito po!" Confident kong sagot

  Agad ko naman kinapa sa tabi ng unan ko pero wala kaya nagtaka ako..

  "Wait baka narito sa may table o sa may bintana ma!" Alanganin kong tanong kasi medyo kinakabahan ako

Agad ko naman na hinagilap sa side table at wala din.. naku naman!! Saan ko ba yun nilapag kagabi??

  "Huwag mo nang tangkain pa na halukayin sa may bintana kasi wala din doon!" Pigil ni mama sa akmang paglapit ko sa may bintana.

  "Po?? Eh saan ko yun nilapag kagabi?? Baka tumatawag na si papa!!" Alalang sambit ko

  Inalala ko naman agad kung saan ko yun dinala hanggang sa mapatampal na lang ako sa aking noo..

Nalintikan na! Naiwan ko yata kahapon sa may pool side! Yung violin ko lang yata ang nadala ko kahapon!

  Argh! Asar naman kasi ang taong yun! Distorbo sa araw ko! Baka nasa kanya yung phone ko!

"Ma!! Naiwan ko po yata kahapon sa baba! Hindi ko nadampot ma! Paano na to??" Halos maiyak na ako sa kaba

Hindi ako naiiyak dahil sa cellphone kundi dahil kay papa.  Alam kong nagpupuyos na yun sa galit kung tumatawag siya ngayon pero hindi nasasagot!

  Paano na to?? Paano namin makokontak pa si papa?? Waaaaah!! Lagot talaga ako nito!!

  "Mama tulungan mo ko please..." Sumamo ko agad kay mama na kanina pa tahimik

  "Bahala ka dyan! Hanapin mo yun!"

"Mama naman eeh!! Pagagalitan tayo ni papa niyan eeh!" Maktol ko pa

  "Anong tayo?? Ikaw lang bata ka! Nandadamay ka pa sa kagagawan mo!"

  Napasimangot na lang ako kay mama. Ayaw niya akong tulungan!! Waaaaah!!

  GRACE POV : (Yash mom)

  Iniwan ko na si Yash sa kwarto niya habang nakasimangot lang sa akin.

Nangingiti na lang ako sa pagmamaktol niya! Hindi naman ako galit medyo nainis lang ako.

  Sa totoo lang gusto ko lang siyang paalalahanan sa mga bagay na hawak niya sa araw-araw na laging inaalala..

  Nasa akin naman talaga ang cellphone niya.

Kasi kaninang umaga ay may tumawag sa akin. Nagulat ako ng makitang pangalan ni Yash yung nasa screen ng cellphone ko.

  Pinuntahan ko naman siya kwarto pero tulog pa kaya nagtaka ako pero sinagot ko na lang.

  Nagulat ako ng boses lalaki pero agad naman nagpakilala.

At ayun na nga naiwan daw ni Yash yung cellphone dahil sa kakamadali niyang umalis kahapon.

  Mabuti na lang at mabait yung lalaki at binalik nga niya ang cellphone kaninang umaga din.

Siguro kaedad lang ni Yash yun mabuti na lang talaga at binalik niya ang cellphone dahil kung hindi talagang malalagot kaming dalawa.

MY UNSEEN LOVE ONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon