HONEY POV :
Kinabukasan ay nagtungo ako sa bahay ni Blade para magpaalam..
Mamayang hapon pa kasi ang flight namin para mas maaga kaming makarating ng Manhattan.
Masyado akong masya ngayong araw at hindi ko pa namalayan na nakarating na pala ako sa tapat ng bahay ni Blade.
Mabilis akong nagdoorbell at hindi naman nagtagal ay nagbukas na iyon kaya pumasok na lang ako.
"Blade?? Blade nasan ka??!!" Tawag ko sa taong yun pero walang sumasagot
Nagtungo naman ako sa kwarto niya na agad ko naman nabuksan kasi hindi naman naka lock.
"What the! Who told you to enter here?!" Asar na bungad ni Blade
"Wala. Hindi ka naman lumabas kaya ako na ang pumasok. By the way magpapaalam lang ako baka kasi hanapin ako ni tita Mary."
"Edi sa kanya ka magpaalam huwag sa akin!" Sinamaan pa niya ako ng tingin
Napairap naman ako sabay upo sa gilid ng kama.
"Go to her and get out here!"
"Hindi na ako makakapunta dun dahil may lakad pa ako. Baka sakali lang naman na magtanong siya sayo."
"Tsk! As if I wanna talk to her??! By the way saan ba lakad mo??"
"Manhattan. We're going to visit someone important person."
Tila nangangarap ko pang sambit na siyang nagpacurious sa kausap ko.
"And who's that unlucky important person??" Ngisi niya na ikinairap ko sa kanya
"Unlucky?? Really huh?? I love her that's why she's not unlucky!! Stupid!"
"Tsk! I don't think so! But she?? So a woman?? Are you related??"
Ay wow! Naging chismoso yata to??
"Yes. But it's gonna be our first meet kaya excited ako. Kaya hindi na ako makapaghintay na makita at makilala siya!"
"Huh! Good luck to whoever is that!"
Hays! Kahit kailan talaga sarap pagsasabunutan ang taong to! Panira na lang lagi sa mga lakad ko.
"Whatever! Samahan mo kaya akong mamili ng dadalhin ko sa kanya na mga filipino food or snacks. I'm sure namimiss na niya ang mga pagkain dito!" Aya ko na lang sa kanya
"Tsk! Ano naman ang mapapala ko jan?? Matutulog na lang ako!"
"I'll tell you a secret! I swear magugulat ka din but you're not allowed to tell anyone!"
Sambit ko ng akmang magtatalukbong na naman ng comforter.
Napangisi na lang ako ng mapaupo siya bigla habang puno ng kuryusidad ang mukha.
Talagang may pagkachismoso na talaga to! Ganyan ba ang napapala ng mga heartbroken?? Haha But I think parang he's getting moved on already!!
"Ano?? Sasama ka o matutulog ka na lang jan?? Tamad ka rin naman na pumasok sa work mo eeh."
"Siguraduhin mo lang na maganda ang ikukwento mo aah. Kundi iiwan kita kung saan man tayo makarating. Labas na!" May pagsenyas pa sa kamay na parang nagpaaalis lang ng manok
Asar talaga ang taong to eh!
"Bilisan mo huwag ka na namang gumalaw na parang babae jan!"
Sambit ko sabay takbo palabas ng kwarto dahil nakita ko na dadampot siya ng unan.
BINABASA MO ANG
MY UNSEEN LOVE ONE
De TodoSi Yashana Ezra ay isang masayahing dalaga pero biglang nagbago ang buhay niya ng mangyari ang isang aksidenteng kailan man ay hindi niya inaasahan. Na siyang naging dahilan ng pagkakulong niya sa kadiliman.