CLYDE POV :👇
Dalawang linggo na ang lumipas na hindi kami sinisipot ni Blade sa mga usapan namin.
Lagi na lang may lakad tuwing inaaya naming lumabas para mag bar o club.
Langyang kaibigan yun! Kinalimutan na yata kami..
"Ano aayain pa ba natin ang gagong yun?!" Natatawang tanong ni Mike
"Try pa natin. Kung aayaw pa rin sugurin na natin sa bahay niya!"
Tinawagan ko nga si Blade. Makalipas lang ang ilang ring ay sinagot naman niya.
"What again?!" Asik niya
Hays! Ang gago talagang galit pa ah.. Natatawa namang nakikinig si Mike dahil naka loudspeaker.
"Bro bar!" Mabilis kong sagot
"San banda?!"
"Sa dati pa rin syempre..I talked to my friend and doon daw ang gig nila tonight kaya dun tayo!" Paliwanag ko
"K!"
"What?? K? As in payag ka na??" Pag uulit ko baka kasi nabingi ako
"Yeah!"
"YES!" Sabay naming turan ni Mike bago kami naghigh five.
Mabuti naman at napapayag na rin namin siya.. Grabe! Ang hirap niyang ayain sa mga nakaraang araw.. Kulang na lang manuyo kami ng nagtatampong girlfriend sa hirap niyang mapapayag.
Kinagabihan ay nauna kaming dumating ni Mike sa bar kaya nagtataka kami kung sisipot ba talaga yun o hindi.Naisahan na naman yata kami.. Tsk!
YASHANA EZRA POV :👇
"Miya!! Nariyan ka na ba??!" Sigaw ko mula sa kwarto ko
"Oo. Naka handa ka na ba?? Tatawagin ko na ba ang tricycle natin?!" Pasigaw din niyang sagot
"Wait lang.. Patapos na ako..!"
Naghahanda na ako dahil may gig kami sa bar.. Siya ang nag insist na sumama imbes na si nanay.
Nag-over time kasi siya hanggang six pm kaya sinabi kong si nanay na pero siya na daw dahil may usapan sila ni Clyde.
"Beb! Malalate na talaga tayo di ka pa b- ikaw?!"
Nagtaka ako sa tinutukoy ni Miya kaya lumabas na ako ng kwarto kasi nacurious ako sa biglang pagkatigil niya.
"Beb?? Anyare?! San ka?!" Alalang tanong ko habang kinakapa ang daraanan ko
"Kyaaaah!" Hiyaw ko ng nagkamali ako sa hagdan na may tatlong baitang lang naman.
Akala ko mahuhulog na ako pero biglang may sumalo sakin kaya hindi ako natuloy sa pagbagsak. Pero nagtaka ako ng maramdamang matitigas na braso ang sumalo sakin.
"T-Teka.. Sino ka nam- Blade??" Paninigurado ko ng maamoy ko ang pabango niya.
.
"Hi! I'm here to fetch you!" Saad niya bago niya ako tinulungang ayos sa pagkakatayoPero natigilan ako ng maramdaman ko ang mabilis na pagdampi ng labi niya sa noo ko.
Mahina ko siyang hinampas sa braso dahil alam kong nakatingin lang sa amin sina mama at Miya.
"What?!" Maang pa niyang tanong.
"umayos ka nga!" Madiing suway ko pero umiling lang siya
"Beb?? Anong nangyayari sayo??" Tawag ko kay Miya dahil wala na akong marinig na boses niya
"May dadalhin ka bang gamit? Dadalhin ko na sa sasakyan!"
"Paki kuha na lang yung bag ko sa kwarto. Yun lang!" Saad ko at dahan-dahan na akong naglakad patungo sa sala.
BINABASA MO ANG
MY UNSEEN LOVE ONE
DiversosSi Yashana Ezra ay isang masayahing dalaga pero biglang nagbago ang buhay niya ng mangyari ang isang aksidenteng kailan man ay hindi niya inaasahan. Na siyang naging dahilan ng pagkakulong niya sa kadiliman.