Kabanata 6

9 1 0
                                    


NASHMIYA POV :👇

  Nakaupo lang ako sa tabi ni Yash. Hinihintay ko kung ihahatid ba siya ni Blade o hindi. Para alam ko kung uuwi na kami.

Ayoko na kasing tanungin pa ang mokong baka sa away na naman ang patutunguhan.

"Beb,ihahatid ka ba niya o hindi? Gabi na at nag iinuman pa sila.." Bulong ko kay Yash. Kibit balikat lang din naman ang sinagot niya

Hay naku! Paano ba to?! Hindi naman pwedeng lasing na sila kung magdrive!

"Clyde lasing na yata ang kaibigan niyo,maihahatid pa ba niya si Yash??" Alanganing tanong ko sa katabi ko

"Ofcourse he can. Malakas yan kaya hindi yan basta-basta nalalasing.. Bakit uuwi na ba kayo??"

"Oo sana. Lagpas na kasi kami sa oras namin dito sa labas. Naghihintay si tita.."

"I'll drive her home. Clyde drive her home now!" Biglang saad ni Blade sabay turo sa akin.

Aba! At gusto niyang maiwan si Yash dito??! Hindi maaari yun!

"Hindi pwede. May relo ka Blade kaya alam mo kung anong oras na! Lagpas na nga kami sa oras dapat namin dito eeh!" Pigil inis kong turan

"Then? Umuwi ka ng mag-isa mo!" G@go ba siya?! Kasama ko si Yash kaya natural na kasama ko din na uuwi!

"Sige,tara na Yash! Iwanan mo na ang mga yan!" Akmang aabutin ko na ang kamay ni Yash ng tapikin ni Blade ang kamay ko.

"Aray ko!" Daing ko sabay pinandilatan siya. Nakakabwiset na ang taong to.

"Blade!! Kaibigan ko yan!" Suway naman sa kanya ni Yash kaya napangisi ako sa kumag na to.

"Tsk! Annoying.. Let's go,I'll drive you home.." Padabog na tumayo si Blade sabay hawak sa kamay ni Yash

"Blade!! Ano ba wala akong makita,huwag ka ngang manghila!!" Dinig ko pang reklamo ni Yash.

Napapangiwi na lang ako habang hinahatid ko sila ng tingin palabas ng bar. Nababaliw na talaga yun!

"Siraulo ba ang kaibigan niyong iyon??!" Walang pakundangang tanong ko sa dalawa

"Hindi pero galit!" Ngising sagot naman ni Clyde

"Tinamaan na talaga siya! Pero bakit sa isang bulag pa??" Turan naman ni Mike habang nakatingin pa rin sa exit ng bar na dinaanan kanina nila Blade.

"Hoy! At ano namang problema mo kung bulag ang kaibigan ko,ha?! Maganda naman at mabait!" Hiyaw ko kay Mike. Dibale maingay naman na ang music

"Wooaaah! No offense meant lang naman. Kaso nagtataka talaga ako.. Hindi naman pangit si Blade,perhaps lamang lang naman siya ng isang paligo sa akin!" Naku,mahangin!

"Pft! Isang paligo?? Hahaha,magsalamin ka nga muna! Hays!" Naparolled eyes pa ako after kong sabihin yun pero nagtawanan lang silang magkaibigan.

"You know what I like your attitude.. Hahaha Can I court y- ugh!" Daing niya ng bigla siyang sikmurahan ni Clyde pero mahina lang naman. Buti nga sayo!!

"Hanap ka ng sayo g@go!" Asik ni Clyde sa kanya

"Hahaha.. Kidding.. Pero mabalik nga tayo sa kaibigan mo, dati na ba yun??" Usisa pa rin ni Mike

"Hindi. Mahirap lang kami kaya hindi na nagawang ipaopera si Yash ng mama niya. Dahil yun sa isang aksidente two years ago!" Kwento ko habang patango tango naman ang dalawa

"Kawawa naman pala siya. Buti nga natanggap na din niya ang nangyari?"

"Oo pero sa tingin ko hindi pa rin totally na tanggap na niya..  Magaling magtago yun ng nararamdaman. Kaya nga naging ganyan na ang ugali niya dahil sa nangyari!" Dagdag ko pa na ikinataka ni Mike

MY UNSEEN LOVE ONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon