CLYDE POV :👇Ilang araw ng hindi kami nagkakasama sama ng mga kaibigan ko. Dahil na rin sa trabaho kaya pati girlfriend ko nagtatampo na rin kasi hindi ko man lang siya madalaw.
Kaya ngayon on the way ako sa bahay nila Miya para sunduin siya.
May usapan kaming lahat na maghang out sa beach. Kaya si Blade na ang susundo kay Yashana. At si Mike?? Bahala na siyang kumuha ng date niya. Haha
"Babe!"
"Hi babe! Kanina ka pa ba?" Tanong ko pagkalapit kay Miya
"Oo tsaka nauna na si Beb kasama si Mike!" Sagot naman niya habang ginigiya ko na siya sa kotse
"Ha?! Di ba dapat si Blade? Bakit si Mike ang sumundo??"
"Busy pa si Blade kaya mauuna na daw tayo sa beach,sunod na lang siya."
Basta talaga ang taong yun,napaka workaholic. Sabagay halos pare-pareho naman kami kaso mas malala lang siya kunti.
"Babe,bakit kaya hindi na lang tulungan ni Blade si beb para maka kita na siya??" Biglang tanong ni Miya habang nasa byahe
"Gusto naman ni Blade pero hindi niya lang alam kong paano sasabihin,naghahanap pa siya ng tyempo baka daw kasi mamisinterpret siya ni Yashana." Paliwanag ko naman
"Naku,sabihin na niya. Excited na ako na makita siya ni Beb.. Kyaaaah!" Napatawa na lang ako sa reaksyon niya.
Siya pa yata mas excited kesa kay Yashana eeh.. Sabagay sino ba naman ang hindi.?
Napaka swerte nga ni Yashana eeh.. Minahal na siya ni Blade kahit bulag siya, how about na lang kapag naka kakita na si Yash?
Ano nga kaya ang magiging reaksyon niya kapag nakita na niya ng harapan si Blade?? Hahaha Panigurado matutulala din si Yash. Haha
"Babe sabihan niyo lang ako aah,tutulong ako sa pagkumbinsi kay Beb, kasi sayang naman kung tatanggihan niya yung offer eeh.."
"Sure babe!"
Nag usap lang kami sa mga bagay-bagay habang nasa byahe hanggang sa makarating na kami sa beach.
"Beb!! Beb!!" Sigaw na ni Miya ng makita niya sina Mike at Yash.
"Saglit lang babe!"
Hinabol ko na lang siya na akala mo naman isang taon silang hindi nagkita eeh.
"Beb tara na magpalit na tayo ng swimsuit!"
"May dala ka ba?? Hindi ako kumuha eeh,alam mo naman si Blade." Alanganing sagot ni Yash pero dakilang kontra si Miya sa mga ayaw ni Blade pagdating kay Yash kaya paniguradong pipilitin niya pa rin ang gusto niya.
"Syempre beb ako pa ba?? Haha pero one piece lang naman, ayaw din ni Clyde na mag two piece ako,di ba Babe?" Sabay pa cute pa niya sakin kaya natawa naman si Mike
"Tsk! Disgusting!" Kontra agad ni Mike sabay acting na nasusuka
"Huwag ka ngang epal! Wala ka lang lovelife eeh!"
"Totoo naman masyado kayong PDA ni Clyde,tsk!"
"Inggit ka lang!"
"Hahaha.. Inggit mo mukha mo!"
"Mukha kong maganda??"
Hay naku! Yan na naman ang sagutan nilang dalawa.
"Damn bro! Ipacheck up mo na nga yang girlfriend mo! Hays!" Sambit ni Mike sabay layo sa amin
"Hoy bumalik ka dito,titirisin ko yang mukha mong kapre ka!"
"Babe!!babe! Enough! Magpalit na lang kayo ni Yash. Parating na si Blade,panigurado!" Pigil ko kay Miya na akmang kukunin pa ang tsinelas para ibato kay Mike
BINABASA MO ANG
MY UNSEEN LOVE ONE
RandomSi Yashana Ezra ay isang masayahing dalaga pero biglang nagbago ang buhay niya ng mangyari ang isang aksidenteng kailan man ay hindi niya inaasahan. Na siyang naging dahilan ng pagkakulong niya sa kadiliman.