Kabanata 4

13 0 0
                                    


YASHANA EZRA POV :👇

Gabi na pero hindi pa rin ako maka tulog. Parang nag eecho pa rin sa utak ko ang sinabi sa akin ni mama kanina.

FLASHBACK <<<<

  "Nak sino yung naghatid sayo??" Usisa ni mama ng makaalis na si Blade

"Kaibigan ko nga po ma.. Hinatid na niya ako kasi wala akong kasama tsaka gabi na."

"Kaibigan?? KaIBIGan?" Pinagdiinan pa niya ang salitang ibig pero agad akong ngumiwi

"Anak hindi naman masama kong nobyo mo yun o manliligaw mo. Basta huwag ka lang maglihim sa akin.. Ayos lang sa akin basta tanggap ka niya at mahal ka."

"Ma kailan man hindi ako nagsinungaling.. Kaibigan lang po talaga, tsaka wala akong balak makipagnobyo! Alam niyo ang rason ko!" May galit sa boses ko ng maalala ko ulit ang nangyari noon.

"Oo galit ka sa mga lalaki.. Dahil sa ginawa ng tatay mo sa atin at sa lalaking nakaaksidente sayo. Pero anak huwag mong lahatin. Tignan mo,nakasundo mo naman si Blade.."

"Ewan ko po ma. Basta!"

"Ayoko lang na masaktan ka anak.. Hindi ako namimili,basta mahal ka at tanggap ka walang problema. Tingin ko naman kay Blade ay mabait.."

"Naku ma,kakikilala mo lang sa kanya.. Huwag agad makuha sa unang pagkikita.!"

"Sa tingin ko anak gusto ka niya. Sa mga tingin niya kasi sayo eeh ay kakaiba.."

  "Imahinasyon niyo lang yan ma. Sige matutulog na po ako.."

Naglakad na ako habang kinakapa ang daraanan ko para wala akong mabangga.

"Gusto ko siya anak para sayo!" Pahabol pa ni mama pero di ko na siya pinansin pa.

   END OF FLASHBACK<<<<<

  Mabait man sa mabait pero ayoko sa kanya!! Baka nga hindi na yun magpakita pang muli eeh..

  Kung bakit ko pa kasi pinakilalang kaibigan ko eeh..  Sa tingin ko naman ay hindi kami magkakasundo ng hinayupak na yun!!

RIIIIIIINNNGGGG !!

Nagulat ako ng biglang tumunog ang phone ko. Muntik pa akong mapahiyaw.

"Sino ka namang tumatawag ng dis oras ng gabi?!" Inis kong sambit bago ko sinagot ang tawag.

"Hello??" Bungad ko sa caller

"Hello? Sino to??" ulit ko ng walang nagsasalita sa kabilang linya

Akmang papatayin ko na sana ng magsalita na.

"It's me,Blade..."

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng marinig ang pangalan niya. Blade?? Saan niya nakuha ang number ko?!

"Blade??" Pagtatama ko sa pangalan ng kausap ko

"Yeah. Why you're still awake?" Seryosong tanong niya kaya napailing ako

"Ikaw din naman ah!"

"I can't sleep that's why I decided to call you and check you!"

Ano daw?? Check me? Eh siya nga naghatid sakin pauwi eeh..

"Ayos lang. Tsaka paano mo nakuha ang number ko??"

"Kanina sa kotse habang pauwi tayo." Diretsang sagot niya

Grabe,wala na palang hingian ng permiso,ganun??

"Sa susunod magpaalam ka naman! Hindi yung basta mo na lang kukunin ang gusto mo!" Pagalit ko sa kanya

MY UNSEEN LOVE ONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon