THIRD PERSON POV :
Sumapit na ang araw na pinakahihintay nina Yashana!
Maaga silang nagising upang makapaghanda na para makaunta ng hospital.
Walang mapagsidlan ang excitement sa mata nila lalo na ina niya at kapatid na si Honey.
Ngunit kasalungat nun ang kabang nadarama ni Yashana para sa nalalapit na oras ng kanyang operation.
Sa nakalipas na araw ay walang ibang ginawa sina Honey at Yashana kundi ang magbonding kasabay ng laging pagpapalakas ni Honey ng loob ng kanyang kapatid.
Lagi kasi siyang kinakabahan tuwing napapaisip siya tungkol sa operasyon niya.
Mabuti na lang at nariyan ang kapatid niya para samahan siya.
GRACE POV :Hindi na kami magkandaugaga sa mga ginagawa namin dito sa condo.
Kulang na lang magbanggaan na kaming tatlo dahil hindi na namin mapirmi kung saan kami iikot dito sa loob.
"Honey, ma!! Kalma muna kayo okay?? Para kayong hinahabol diyan. Ako ang ooperahan aah!" Sambit ni Shana ng mabangga siya ng kapatid niya
"Paunahin nyo muna akong matapos maghanda bago kayo. Ako pa himdi makakaligo dahil sa inyo eeh!" Dagdag reklamo pa niya
"Sorry ate.. excited lang kami ni tita. Atlast makakakita ka na soonest!"
"Don't be that happy Honey.. Hindi pa natatapos ang operasyon. What if wala pa rin pagbabago??"
Naku, naiistress na yata ang batang to! Nagsusungit na naman.
"Ehh ate.. Don't think that way kasi.." tila napahiyang saad ni Honey
"uhm.. sorry.. kanina pa kasi ako kinakabahan eeh! Natatakot ako na hindi ko alam. Paano na lang kong hindi na naman maging successful?? Paano kong-"
"Ate enough!! Don't stress out yourself stop those what if's of yours!"
Tumamgo si Shana habang hawak ni Honey ang kamay niya.
Sa ilang araw na pamamalagi dito ni Honey ay nakapalagayan ko na rin siya ng loob.
Gaya ng sabi ko sa kanya,hindi sila damay kong ano man ang problema sa pagitan ng mga pamilya namin.
Kita ko naman kong paano nila alagaan ang isa't isa kaya alam kong walang magiging problema sa pagitan nilang dalawa.
"Sige na,alalayan mo na ang ate mo Honey ng matapos na siya. Malalate pa tayo sa oras ng appointment kay doc. Eh.."
"Sige po tita.. Tara na ate,just stop thinking negative!"
Agdating namin ng hospital ay sakto naman na nakasalubong namin si doc. Brown.
"You may proceed to my office first ma'am.. I just need to get something!" Nagmamadaling turan niya sabay alis
Tango na lang ang sinagot ko kahit nakaalis na.
Pagdating namin sa office niya ay tahimik lang kaming naghintay doon.
Tatlo lamg kaming narito dahil hindi yata makakarating ang papa nila.
"Ahem.. Sorry for the inconvinience ladies!" Sulpot ni doc. Brown
"It's okay doc!"
"By the way mrs. Fontanilla your daughter's operation will be held in thirty minutes from now. So be ready miss Fontanilla and standby."
BINABASA MO ANG
MY UNSEEN LOVE ONE
عشوائيSi Yashana Ezra ay isang masayahing dalaga pero biglang nagbago ang buhay niya ng mangyari ang isang aksidenteng kailan man ay hindi niya inaasahan. Na siyang naging dahilan ng pagkakulong niya sa kadiliman.