THIRD PERSON POV :👇
Lumipas ang mga araw na nahirapan sila sa paghahanap ng donor ni Yashana.
Kulang na lang ay bantayan nila ang mga morgue para maka usap ang mga guardian ng mga pumanaw para bilhin ang mga mata ng mga ito..
Lahat kasi ng mga napagtanungan nila ay ayaw sa gusto nilang mangyari kahit ang kapalit nun ay malaking halaga ng pera.
Pero hindi sila sumuko hanggang sa may nakapagsabi sa isang tauhan ni Honey na may gustong kumausap sa kanya.
At ayun na nga,nakipagkita naman si Honey sa taong iyon..
Hindi nga nabigo si Honey at nakipagdeal na sa sa isang ginang..
Ibinalita agad ni Honey kina Blade ang nangyari at tuwang tuwa nga sila kaso kailangan muna nilang maghintay.
Maghintay na mawala ang anak ng ginang..
May sakit ang anak niya at matagal na sila sa hospital kaya para makabayad ay kinausap niya daw ang anak niya at agad naman itong pumayag sa pagbibigay ng mga mata niya.
At ngayon halos apat na araw na rin ang lumipas pagkatapos ng deal na iyon.
YASHANA EZRA POV :👇
Araw na lang ang hinihintay namin at mangyayari na ang operation sa mata ko..
Napakasaya namin nung malaman namin na meron nang nakausap sina Blade na donor.
Sabik na sabik na akong makakita ng liwanag. At syempre ang makita ang taong mahal ko..
Nawala na rin sa isip ko ang sinabi ng doctor na fifty fifty pa ang chance na magsuccess ang operation. Basta ang importante masaya at excited ako,kaming lahat para sa parating na operasyon.
Sa operasyon kami excited aah,hindi sa pagkamatay ng pasyente na magiging donor ko. Syempre nalulungkot din ako para sa kanya pero lahat naman tayo doon din hahantong eeh..
"BLADE!! BLADE!!!" nataranta kami sa biglang pagsulpot ni Clyde na hingal na hingal pa habang kasunod si Mike
Narito kami ngayon ni Blade sa condo. Nakatambay lang pero siya busy sa work niya.
Pero itong dalawa anong meron?? Dapat nasa work din sila eeh.. Para silang hinahabol ng toro,muntik pa silang mapasubsob sa pinto.
"What the heck!! What's with you guys??!" Asik ni Blade. Ayaw pa naman niyang naiistorbo sa trabaho eeh..
"Bro,the patient is gone!"
Biglang kumabog ng malakas ang puso ko sa aking narinig.. Anong nangyayari??
"Gone??"
"I mean wala na siya bro,binawian na ng buhay!"
"Tara na sa hospital to have some update regarding sa offer natin!"
"Blade..." Kabadong tawag ko kay Blade, mabilis naman siyang lumapit sakin at yumakap.
"This is it my love.. Wait us here okay?? Kami na lang ang tutungo sa hospital,bawal kang maexpose doon. Okay??" Bilin pa niya sa akin
Kahit gustuhin kong sumama ay hindi pwede. Ayaw din naman niya akong payagan baka daw makakuha pa ako ng virus mahirap na..
"Okay sige..mag iingat kayo!"
"Ofcourse! Let's go guys!" Aya na ni Blade kasunod ng pagsara ng pinto.
Heto na nga ang pinakahihintay namin..
>>>>>
Ilang oras pa ang lumipas ng makatanggap na ako ng tawag mula kay Blade..
"Hello??"
BINABASA MO ANG
MY UNSEEN LOVE ONE
AcakSi Yashana Ezra ay isang masayahing dalaga pero biglang nagbago ang buhay niya ng mangyari ang isang aksidenteng kailan man ay hindi niya inaasahan. Na siyang naging dahilan ng pagkakulong niya sa kadiliman.