Kabanata 8

14 0 0
                                    


YASHANA EZRA POV :👇

  Hindi ako nakasagot sa tanong ni Blade kasi hindi ko talaga alam ang isasagot ko.

Oo aaminin ko masaya ako tuwing kasama ko siya. Kahit nag-aaway kami ng madalas ay hindi ako kailan man nagtanim ng galit sa kanya.

Siguro nga nagugustuhan ko na siya dahil siya lang ang lalaking nagtagal sa ugali ko kahit na ayoko sa kanila. Tsaka kapag wala siya at hindi tatawag lagi akong naghihintay at nag-aabang sa pagring ng phone ko.

Na sa tuwing tutinog ang phone ko ay umaasa akong siya ang tumatawag. Hays!

Kasi naman,kung hindi niya ako tinakot noon hindi sana kami naging malapit sa isa't isa ngayon.!

  Paano ko na siya haharapin ngayon?? Pero teka, siya manliligaw?  Eh hindi nga siya umaamin sakin eh!

"Dito ka lang. Balik ako mamaya!" Turan niya tsaka ko naramdaman ang pag-alis niya.

Galit ba siya?? Hindi niya ako hinalikan sa noo. Ganun kasi ang napapansin ko sa kanya. Hahalik siya kong maayos ang mood niya pero iniiwan na lang niya ako kapag galit o wala sa mood.

Pinatong ko na lang ang mga braso ko sa mesa tsaka ko pinatong ang noo ko. Hays!

  Wala na ako sa mood,nakakainis naman kasi ang taong yun. Hmpt!

  Ilang minuto pa akong nanatili sa posisyon ko ng maramdaman ko na may tumabi sa akin.

"Bakit?!" Inis kong sambit

"Umayos ka suotin mo na to!"

Napaayos nga ako ng upo pagkarinig ko sa boses niya. Akala ko umalis na talaga siya..

Tinulungan niya akong suotin ang shirt. Medyo maluwang yun sakin kaya ayos lang,komportable naman.

"Salamat. Sina Clyde??" Malumanay kong tanong

"Susunod na sila may hinihintay lang." okay naman ang tono niya kaya hinayaan ko na lang yung tanong niya kanina..

"Blade.."

"Why?"

"Wala ba kayong work ngayon at napasugod kayo dito? Kanino niyo nalaman na narito kami??" Tanong ko para mabawasan naman ang tense sa pagitan namin

"Wala. Kay Miya,tumawag kanina kay Clyde."

"So,bakit kayo pumunta dito?"

"Wala. Ayaw mo ba?"

  Naiinis na ako sa mga paraan niya ng pagsagot sakin. Ano bang problema niya??

Mas gugustuhin ko na lang na nagkakasagutan kami kesa sa ganito!

"Blade naman eeh!" Pigil inis kong sambit

"bakit?"

"Ayoko ng ganyang style mo! Galit ka ba sa akin??" Di ko na mapigilang tanong sa kanya

"Hindi."

Magsasalita pa sana ako ng makarinig naman ako ng mga tili at bulong bulungan.

"Anong nangyayari??" Takang tanong ko.

"Dumating na sina Clyde"

Kaya naman pala.. Naku magkakagulo pa yata dito sa resort dahil sa tatlong to.

"Nashmiya!"

Ayun na nga. Sigaw na ni Clyde. Tatawagin ko pa sana eeh,naunahan na ako.

Alam kong kasa-kasama niya ang boy best friend niya noon na si Ivan. Hahaha Tapos ngayon nandiyan na ang boyfriend.

MY UNSEEN LOVE ONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon