YASHANA EZRA POV :👇Kinabukasan ay hinintay ko ang tawag ni Blade. Gusto ko kasing sumali sa usapan nila ngayon..
Magpapasundo sana ako..
"Anak parang may hinihintay ka jan?? Kanina mo pa hawak ang phone mo!" Puna sakin ni mama
Narito lang kasi ako sa sala habang hinihintay ang tawag ni Blade. Kaso anong oras na yata eeh eight ang usapan nila.
"Ma,anong oras na??" Tanong ko at binalewala ang sinabi niya
"Alas nwebe na,bakit?? May pupuntahan ka ba??"
Ano?? At talagang walang tawag si Blade?? Sinabihan ko naman siya kahapon aah!! Argh!!
"Wala bang tawag sayo si Blade ma??"
"Ay oo nga pala,tumawag siya kanina. Hindi ka na daw muna niya susunduin.. Mamayang lunch na lang daw siya uuwi dito."
Nagtaka naman ako.. Paanong hindi susunduin?? Eh maliwanang naman ang usapan namin kahapon aah.. Sasama ako sa meeting nilang magkakaibigan. Gusto kong makinig sa usapan nila!!
Ayy.. Huwag ka lang magkakamali Blade!!
"Ma,nandyan ka pa ba??" Tawag ko ulit kay mama
"Bakit?? Palabas na sana ako eeh.. May pupuntahan lang ako anak.."
"Ma pakitawagan nga po muna si Miya may sasabihin lang ako sa kanya." Sabay abot ko sa kanya ang cellphone ko.
"Oh heto na,nagriring na.. Maiwan na muna kita dito ha,babalik din ako.." Paalam na ni mama
"Sige po ma.."
Ilang ring pa ang lumipas bago sinagot ni Miya ang tawag.
"Hello beb?" Bungad niya agad
"Beb tumawag ba sayo si Clyde??"
"Hindi pa beb.. Hinihintay ko nga eeh kasi may usapan kami na sasama din ako sa condo ng boyfriend mo! Pero until now wala pa!" Asar na sagot niya kaya lalong nangunot ang noo ko.
"Parehas tayo beb.. Nakapagtataka naman yata sila ngayon??"
"Nasabi mo pa beb.. Hays! Humanda sakin ang Clyde na yun pag nakita ko!"
"Beb paano kaya kong pu-"
"Puntahan natin?? Sige ba,daanan kita jan!" Putol niya sa sasabihin ko
Nanggigigil na rin siya,halata sa tono niya. Kung bakit ba naman kasi hindi nila magawang tumawag??
"Sigurado ka ba beb??" Paninigurado ko din dahil nag aalinlangan ako eeh.. Hindi ko alam kong bakit..
"Oo beb. kahit ako lang muna ang unang magpakita basta samahan mo ako hanggang sa tapat ng pinto ni Blade.."
"Okay sige beb.. Hintayin kita.."
Hindi nga nagtagal ay dumating na si Miya.. Tinulungan na niya muna akong magpalit at siya na rin ang tumawag kay mama para magpaalam..
"Let's go beb!" Saad ko pagkatapos kong magpalit
"Tara ng mas maaga tayong makarating doon.."
Lumabas na nga kami para makapaghintay na ng sasakyan..
Medyo may kalayuan pa kasi ang unit ni Blade mula dito sa bahay. Maganda na lang kung hindi kami abutan ng traffic jan sa daan.
MIKE POV :👇
Halos magdalawang oras na kami apat dito sa condo. Kung ako lang masusunod pinaalis ko na si Honey.
Nakakainis siyang tignan. Napaka clingy niya kay Blade tsaka napakaarte. Halata namang sinasadya niya lang ang mga galaw niya!
BINABASA MO ANG
MY UNSEEN LOVE ONE
RandomSi Yashana Ezra ay isang masayahing dalaga pero biglang nagbago ang buhay niya ng mangyari ang isang aksidenteng kailan man ay hindi niya inaasahan. Na siyang naging dahilan ng pagkakulong niya sa kadiliman.