Kinabukasan ay maaga ako nagising dahil ginamit ko na ang alarm clock sa tabi ng kama ko. Pag baba ko nakita ko si Emma doon at nakangiti sa akin nung makita ako."Kamusta ka?" She asked.
I smiled at her. "Medyo okay na," sabi ko at tumulong sakanila na mag handa ng agahan ni sir Damon. Habang nag hahain kami ay may nag doorbell. Ako na ang nag presinta na mag bubukas.
Pag bukas ko ay nakita ko ang nanay ni Damon. "Good morning po madam," bati ko sa kanya.
"Good morning my dear, Solana! Omg! How are you my dear?" She asked and kissed my both cheeks.
Sa lahat ng babae rito ay sa akin lang siya naging mabait, ni hindi ko nga alam kung bakit.
"O–okay lang naman ho ako, kayo po?" I asked her. Hindi ko alam pero ang gaan ng loob ko sakanya dahil siguro mabait siya sa akin.
"I'm doing good my dear, anyway asan ang boss mo?" She asked. "Sinasaktan ka pa din niya?" She seriously asked. Hindi ako sumagot. "Silence means yes I see. Humanda sa akin ang batang iyon,"
"Madam, huwag niyo na lang ho saktan si sir Damon pag sabihan niyo na lang ho,"
"Kahit ilang beses ka ng sinaktan ng anak ko ang bait bait mo pa din sakanya," sabi niya.
"Ako ho sanay masaktan, eh si sir Damon po hindi sanay masaktan." Ngumiti sa akin ang nanay niya at niyakap ako kaya niyakap ko din siya pabalik dahil hindi ko naranasan ito kay Mama, ang yakapin niya.
Nag tagal ang pag yayakapan namin mga. "Pasensya na ho madam," pag hingi ko ng pasensya nang mag hiwalay kami.
"It's fine my dear," she said and touch my face. "With or without these scars maganda ka pa din," nakangiti niyang sabi.
"Mom?" Pareho kaming tumingin sa gilid at nakita namin doon si Damon. "Why are you touching her?"
"We need to talk," seryosong sabi ng nanay niya at hinila siya palabas.
Bumalik ako sa ginagawa ko at nilapitan ako ni Emma. "Alam mo? Sa iyo lang mabait si madam, never niya niyakap ang isa sa amin ikaw pa lang,"
Hindi ko na siya nasagot dahil biglang pumasok si sir Damon sa kusina.
"Solana, make my coffee," agad ko naman iyon sinunod at nang magawa ko ay dinala ko na sa may living room kung saan sila nakaupo ng nanay niya habang nanonood ng balita.
Nilapag ko iyon sa harapan niya kasunod ang laptop niya dahil gusto niya habang nag kakape siya at tinitignan niya ang email niya.
"Madam," pag tawag ko sa nanay niya. Nakangiti namang tumingin sa akin si madam. "Coffee? Juice? O water po?"
"Just water dear," tumango ako at bumalik sa kusina at kinuhaan ng malinis ng tubig si madam at binigay na iyon sakanya.
Pag balik ko sa kusina nag linis lang ako at minsan ay tumutulong din kila Emma.
"Solana!" Agad naman ako lumabas ng kusina at pinuntahan si sir Damon sa living room.
"Yes po?"
"Dito ka mag linis," sabi niya habang abala sa pag kakalikot sa laptop. Tumango na lang ako at nag simula na ako mag linis sa living room.
After ko mag linis dito ay pinakiramdaman ko pa kung may iuutos pa ba siya o wala na.
Pabalik na sana ako sa kusina nang marinig ko na naman ang boses niya.
"Solana," tawag niya sa akin.

BINABASA MO ANG
Slave of The Mafia Boss
Lãng mạnWhen Solana's parents sold her to Damon Alejandro, the ruthless and feared mafia boss, her life turned into a nightmare. Is there any way to escape, or will she remain a slave to the mafia boss forever?