23

21 1 0
                                        



After ng meeting with Damon's Team nauna na ako lumabas dahil may meeting pa ako. Gusto ko ako ang mauna doon at hindi siya.

Nakasunod lang sa 'kin si Dane, si Kuya naman ay naiwan sa meeting room dahil kausap pa niya sila Damon.

I was about to enter my office nang may tumawag sa 'kin. Pag lingon ko ay nakita ko si Emma at Jacob.

"Dane, ikaw na lang kumuha ng bag ko sa office," sabi ko sa secretary ko.

"Yes Ma'am," sabi ni Daniel at pumasok na sa office ko. Kaming tatlo ay naiwan dito sa labas ng office ko.

"Do you have something to tell me? Kung wala I need to go dahil may meeting pa ako," I said.

"I'm sorry," Emma said. "Sorry I lied to you, nag sisisi ako dahil hindi ko agad sinabi sa 'yo na kapatid ko si Damon. Natatakot kasi ako at iniisip kung paano ko sasabihin. I hope you can forgive me, alam ko nasaktan ka sa mga nangyari noon at nag sisisi kaming lahat sa ginawa namin sa 'yo. When Damon told me everything nagalit ako sakanya, I mean hindi lang pala ako. Even Noah and Mom nagalit sa kanya,"

Noah, nasaan na kaya ang lalaking 'yon. Kahit nag sinungaling siya sa 'kin naging kaibigan ko pa din siya. He stayed with me lalo na pag nasasaktan ako.

"Can we talk in private?" I asked. Nag tinginan silang dalawa at sumunod na lang sa 'kin sa room malapit sa office ko.

Pag sara ko ng pinto humarap ako sakanila and I started crying, and I hugged both of them.

"S–Sol,"

"I missed you both kahit nag sinungaling kayong dalawa sa 'kin, you both took care of me, I'm sorry if nagalit ako sa inyo," I said.

"No! Kami dapat ang mag sorry sa 'yo nasaktan ka namin," Jacob said. "Actually gusto ko na sabihin sa 'yo about kay Danica but Damon won't let me, I'm sorry,"

"I'm sorry too if I didn't tell you na kapatid ako ni Damon," Emma said and hugged me tight.

"I have something to tell you but please don't tell Damon, saka ko na sasabihin pag maayos na ang buhay namin," I said at kinuha ang phone ko at pinakita ang picture ni Winter.

"She's so cute!" Emma said. "She's so much like you!"

"Pamangkin mo,"

"Really? Pamang—" napatigil siya at saka tumingin sa 'kin. "What?!"

"She's Damon's daughter, and as I said earlier 'wag niyo muna sasabihin sakanya," nakita ko naman na umiyak si Emma at saka ako niyakap. "Why?"

"Thank you, thank you for giving birth to her and I'm sorry sa lahat ng mga pinag hirapan mo,"

"It's hard, so hard because every time na kumakain ako lagi ko sinusuka. But, she made it." I said and smiled at them.

"I want to meet her, I want to hug her," she said.

"You'll meet her soon," sabi ko at mahigpit na niyakap si Emma.

"She's beautiful, like her mother," sabi ni Jacob. "I want to meet her too," I nodded and hug him as well. "And thank you for forgiving us," he added.

"Tama na 'tong drama!" I said at pinunasan ang luha ko. "Lalabas na ako because I still have a meeting with Ramirez Group of Companies," I was about to leave the room when Jacob grabbed mg arm. "Why?"

"Mag iingat ka kay Danica,"

"Why? Hindi ba asawa ni Damon 'yon?"

"No she's not. Matagal na silang hiwalay ni Damon, nalaman namin na kaya pala siya nag pakita kay Damon para sirain kayong dalawa. Be careful she's crazy, at ang pamilya niya ay malakas na Mafia dito sa bansa," he said.

That bitch!

"Be my bodyguard," pag alok ko kay Jacob.

"Okay!" Pag payag ni Jacob kaya lumabas na ako at nakita ko si Dane na hindi mapakali.

"Dane?"

"Madam! Kanina pa kita hinahanap! Akala ko umalis ka na!" sabi ni Dane.

"May kinausap lang ako, anyway this is Jacob he will be my bodyguard," pag papakilala ko kay Jacob kay Dane. "Let's go,"

Aalis na sana kami nang tawagin ni Damon si Jacob. "Jake? Where are you going?"

"I'll be her bodyguard for today," sabi ni Jacob at umalis na.

"What?!"

Natawa na lang ako at saka kami sumakay sa elevator. Nag paiwan na lang si Emma dahil ayaw niya makita ang pag mumukha ng babaeng 'yon.

"How old is she?" Jacob asked.

"2 years old, turning 3 next month," I said.

"Do you have someone right now?" He suddenly asked kaya napatingin ako sakanya.

"Wala, I don't have time for that mas uunahin ko na lang ang anak ko,"

"Really? Eh sino 'yung mistisong lalaki na kasama mo no'n?" he asked.

"His name is Nicholas, I met him when I was staying in US. Siya ang naging shoulder to cry on ko nung mga panahong durog na durog ako, siya rin ang tumayong tatay ni Winter, siya ang nag alaga sa 'min ng anak ko kaya malaki ang pasasalamat ko sakanya dahil kung wala siya ay hindi ko alam kung paano ko malalampasan ang mga pinag dadaanan ko noon. He's my life saver, Winter loved him, and I love him as a friend,"

Naalala ko tuloy ang pag iyak ko kay Nicholas noon.

"Kilala niya si Damon?" He asked.

"Yes, palaging lumalabas sa bibig ko ang pangalan ni Damon kaya kilala na niya kung sino ang ama ni Winter. He even told me na mananatili siya sa tabi namin ni Winter kahit malaman ni Damon ang totoo," 

"He's lucky,"

"No, I'm lucky to have him," ngumiti na lang ako kay Jacob at lumabas na ng elevator.

Pag labas namin ng building ay nakahanda na ang sasakyan kaya naman pinag buksan ako ni Jacob at nag pasalamat ako sakanya. Pumasok na rin siya at saka kami umalis.

Nang makarating kami sa restaurant wala pa siya kaya naman nag order na ako ng makakain dahil baka pag dating niya ay gutom siya at pag hindi ako nakapag pigil baka buhusan ko siya ng kumukulong tubig.

Nakatayo lang si Jacob sa likuran ko habang pareho kaming nag iintay sa impaktang 'yon. Si Dane naman ay nasa tabi ko.

Mayamaya ay bumukas ang pinto at siya na ang pumasok kasama ang mga tauhan niya.

"Hmm,"

"Good Afternoon Ms. Diaz," pag bati ni Danica.

"Nice to meet you Ms. Ramirez," I said. "Have a sit," umupo na kaming dalawa at napatingin siya kay Jacob.

"Why are you here Jake?" Danica asked. Napangiti na lanh ako. "You know him?"

"I know him, he's Damon Alejandro's best friend, am I right?"

"Kilala mo si Damon?" she asked. Kitang kita sa mata niya ang selos.

"Yes, actually I used to live with him but then you came to the picture to ruin his life again? But well, that's all in the past," sabi ko sakanya. I saw fear in her eyes.

"Who are you?"

"You didn't know me? Sinira mo ang mayroon sa 'min ni Damon in the past tapos hindi mo ako kilala? My name is, Solana Brielle Diaz," nanlaki ang mata niya nang sabihin ko ang pangalan ko.

"Daughter of Benjamin Diaz,"

*****

Slave of The Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon