13

10 1 0
                                    


Kinabukasan ay nagising ako na may tawag ng tawag sa akin. Hindi ko sana papansinin baka kasi si Damon lang iyon. Pag check ko ng phone ko nakita ko ang message ni Emma sa 'kin.

From: Emma

Gurl umuwi ka na! Asan ka ba?! Lasing na lasing na si sir Damon nag kalat ang mga bote ng alak! Hindi namin siya maawat dahil natatakot kami ni nanay Connie. Kanina pa umiiyak si nanay Connie dahil hindi niya alam kung ano ang gagawin. Girl pareho kaming takot dito. Please umuwi ka na at patigilan mo na mag lasing ang boss natin!

Nang mabasa ko iyon ay agad akong lumabas ng kwarto ni Nicole na nag mamadali. Pag baba ko nakita ko si Nicole doon na nag tataka bakit ako nag mamadali.

"Kailangan ko na umuwi," sabi ko sakanya.

"May nangyari ba?"

"Si Damon kasi nag lalasing daw kailangan ko siya patigilin sa pag inom dahil natatakot na ang mga tao sa bahay hindi nila mapatigil kasi baka saktan sila. I'll call you later, thank you for letting me stay," sabi ko at hindi na naantay ang sagot nuya.

Isa lang ang nasa isip ko at 'yon ay si Damon. Ano ba ang pumasok sa utak niya at naisipan mag lasing?! Ako dapat ang nag lalasing!

Sumakay na lang ako ng taxi para mapadali. "Kuya pakibilisan naman po," sabi ko sa driver.

"Sige po,"

Habang nasa biyahe ako ay nag message ako kay Emma.

To: Emma

pauwi na ako, nag iinom pa din ba siya?

I was waiting for her reply nang mapansin ko na ang dami niyang missed calls and texts.

Sol, let me explain

Solana, please answer my calls nag aalala ako hindi sinasabi ni Noah kung nasaan ka. Please. Let me explain, let's fix this please.

Solana, where are you? Hindi ka uuwi? Umuwi ka na please, let's talk. I miss you.

Simula nung umaga hindi mo ako pinapansin, iniiwasan mo ako. Did I do something to upset you? Can you please tell me? Para alam ko kung ano 'yung dahilan mo.

I was so shocked when I saw you sa bar kagabi. Anong ginagawa mo don? You didn't tell me na pupunta ka ng bar kasama sila Noah. And you didn't update me like I told you.

Sol, please I'm begging you! Umuwi ka na hindi ko na kaya. Miss na miss na kita.



Madami pa siyang message at hindi ko na binasa dahil naluluha ako. Hindi ko alam kung bakit.

"Ma'am nandito na po tayo," tumingin ako sa bintana at nandito na nga kami. Nakita ko pa ang mga tauhan ni Damon na nag tataka kung sino ang sakay ng taxi.

Inabot ko na kay kuya driver ang bayad ko at saka ako lumabas. "Ms. Solana! Saan ka po nang galing? Nag aalala po sa 'yo si bossing kagabi pa!" Sabi ng isa sa tauhan ni Damon. "Nasa living room po si boss, lasing na lasing kagabi pa po kayo hinahanap,"

Hindi ko na siya nasagot at nag madaling pumasok sa bahay. Pag pasok ko nag kalat ang mga bote ng alak. Tinignan ko si nanay Connie at ngayon ay nakaupo siya at umiinom ng tubig.

Nang makita niya ako ay lalo siyang umiyak. Fuck! What did I do? Ako may kasalanan neto.

Pinuntahan ko si Damon at nakita ko siyang tulala habang naka tingin sa kawalan. Lumapit ako sakanya at naamoy ko agad ang alak sakanya.

Slave of The Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon