17

19 1 0
                                        


Nandito pa din kami sa opisina niya dahil hindi pa nag sisimula ang meeting nila. Nandito lang ako sa loob ng office niya habang sila ay may pinag uusapan sa labas. Tumayo ako para sana mag lakad lakad lang dito sa opisina ni Damon nang marinig ko ang pinag uusapan nila.

"I want you to follow him, at gusto ko din alamin mo ang bahay ni Danica," hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko nang marinig ko ang sinabi niya.

Bakit niya pa ipapahanap ang bahay ni Danica? Para puntahan niya si Danica sa bahay niya at para may mangyari sakanila? Iniisip ko lang ang pangyayaring ganoon ay sumasakit na ang puso ko.

"May nawawalang kapatid na babae si Diego at matagal na nilang hinahanap pero hindi pa din nila nahahanap hanggang ngayon, sinabi lang sa 'kin ng imbestigador ko," rinig kong sabi ni Jacob.

"Wala akong pakielam kung may hinahanap siyang kapatid, ang importante sa 'kin ang kaligtasan ni Danica! Ayokong saktan siya ni Diego dahil baka mapatay ko siya,"

A single tear fell from my eyes. Akala ko ipapapatay niya si Diego sa tauhan niya pag sinaktan si Danica, bakit ngayon iba na.

Ang tanga ko. Siguro nga ay mahal pa din ni Damon si Danica ako lang ang umaasa. Akala ko na sa 'kin na ang atensyon niya, wala pala. Umasa na naman ako.

Nilabas ko ang phone ko at tinawagan si Noah.

"Hey, what's up?"

"Can you pick me up?"

"Sure, asan ka ba?"

"Nasa HQ,"

"What?! Anong ginagawa mo dyan? Alam mo bang delikado ang lugar na 'yan!"

"Sunduin mo ako Noah, ayoko na dito. Mahal pa din ng kuya mo si Danica, ayoko na dito,"

"Fuck! Sige papunta na ako,"

After the call bumalik ako sa kinauupuan ko pero bago ako makalakad papalayo ay narinig ko ang sinabi ni Jacob.

"Ang palatandaan daw ng nawawalang kapatid ni Diego ay may malaking scar daw ito sa may balikat. Iyon ang nalaman ng tauhan ko,"

Scar sa may balikat? Don't tell me.

Pumunta ako sa CR dito sa loob ng opisina ni Damon at saka ko hinubad ang damit ko. Tumalikod ako at tinignan kung tama nga ba ang hinala ko.

I covered my mouth at napaiyak ako ng tahimik. Hindi ko maintindihan ang nangyayari, ako ba ang hinahanap niya? Pero wala akong matandaan na may kapatid ako.

"Asan si Solana?! Ilabas mo siya!" Napatingin ako sa may pinto nang marinig ko ang boses ni Noah sa labas

"Anong ginagawa mo dito? Bakit hinahanap mo sila Solana?" Boses iyon ni Damom at halatang nag tataka bakit nandoon si Noah.

"She called me at nag papasundo siya sa 'kin. Tangina ano na naman ba ang pinag gagawa mo?" Sigaw ni Noah sakanya.

"Hindi kita maintindihan,"

"Do you still love her? Narinig niya ang usapan niyo ni Jacob. Ganyan ka ba talaga? Kung hindi ka makapag move on sa ex-wife mo edi sana hindi mo na lang pinaasa si Solana,"

Ex-Wife?

Akala ko hindi kilala ni Noah si Danica? Bakit ngayon kilala niya. Did Noah lied to me?

May asawa siya? Bakit hindi niya sinabi sa 'kin? Ang sinabi niya lang ay ex-girlfriend tapos ngayon ex-wife? Ano ba talaga?

"Sol! Halika na iuuwi na kita!"

Slave of The Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon