Kinabukasan ay maaga ako nagising, hindi ko na ginising si Nicholas dahil alam ko na pagod siya kaya kailangan niya bumawi ng pahinga.Dahan-dahan ako umalis ng higaan at mabuti na lang ay hindi nagising si Winter. Naligo na agad ako dahil pupunta pa kami ni kuya sa bahay ng umampon sa 'kin. Ang kinilala kong mga magulang na binenta ako kay Damon.
Simula nung araw na 'yon ay nag iba ang takbo ng buhay ko. Naranasan ko magkaroon ng anxiety, at ang kinalabasan no'n ay muntik na ako mawala dito sa mundo. But, my mom saved me. She's the reason why I'm still here.
Natapos ako maligo at mag bihis ng business attire lumabas na ako sa closet ko. Pag labas ko nakita ko si Nicholas na naka-upo sa kama at napatingin sa 'kin.
"Where are you going?" He asked and he looked at his phone. "It's 7AM bakit ang aga mo?"
Lumapit ako sakanya at tumabi ng upo. I held his hand. "Do you remember what I told you that I have adopted parents before Diego found me?"
"Hmm, yeah. What about that?"
"Pupunta ako sa bahay nila kung saan doon ako lumaki, kakamustahin ko lang sila at tatanungin kung bakit nila ginawa na ako ang pinang-bayad sa utang nila kay Damon,"
"Are you sure you're going to meet them? What if they hurt you?" He's worried.
"Kasama ko si Diego," hinawakan ko ang mukha niya. "Don't worry, okay? Ikaw na muna ang bahala kay Winter," I gave him a hug before leaving the room.
Pag baba ko nandoon na si Diego nag iintay sa 'kin. "Let's go?" I asked.
"Yes," hinawakan niya ang kamay ko at lalabas na sana pero narinig ko ang boses ni Dad.
"Where are you two going? Ang aga pa," he said.
"I'm going to visit my adopted parents, at itatanong ko na rin sakanila kung bakit nila ako binenta kay Damon Alejandro," I said. Lumapit si Dad sa 'kin at niyakap ako.
"Don't get hurt, okay?"
Tumango ako at pinakawalan na niya ako. Umalis na kami ni Diego. Pinag buksan niya ako ng pinto at nang maisara niya 'yon ay umikot siya at sumakay sa driver seat.
"Let's go," he said. I smiled at him saka ako tumingin sa daan.
Tinuro ko sakanya kung saan kami dadaan. Hindi naman malayo ang bahay nila which is naging bahay ko din.
Nang makarating kami ay tinignan ko ang labas ng bahay. Maayos naman, malinis. Nakita ko rin ang mga tanim ni Mama na halaman na ngayon ay malaki na.
Matagal ko hindi nakita ang bahay na 'to dahil simula nang mapunta ako sa puder ni Damon ay hindi ko nagawang bisitahin sila dahil may galit pa ako sakanila nung mga araw na 'yon
Nasa may pinto palang ako nang may makita akong tao na nag wawalis sa gilid kaya nilapitan ko 'yon.
Habang papalapit ako ay nakikilala ko kung sino ang taong 'yon.
"Ma?"
Tumingin sa 'kin ang babaeng nag wawalis at halos mabitawan niya ang walis na hawak nang makita ako.
"S–Solana? I–Ikaw ba 'yan?" She asked and she was about to hug me pero tumigil siya. "Gusto kita yakapin anak pero madumi si Mama ngayon, eh,"
Ngumiti na lang ako at pinipigilan umiyak. Sa tagal ko sakanila ay ngayon ko lang narinig ang salitang "anak" mula sakanya.
"Kamusta ka na?" She asked. "Ay 'wag tayo dito mag kwentuhan, doon tayo sa loob at gigisingin ko ang papa mo," masayang sabi niya. Tumingin ako kay Diego na nasa loob ng sasakyan. Lalabas na sana siya ng sasakyan pero pinigilan ko siya.
![](https://img.wattpad.com/cover/366547554-288-k811695.jpg)
BINABASA MO ANG
Slave of The Mafia Boss
RomanceWhen Solana's parents sold her to Damon Alejandro, the ruthless and feared mafia boss, her life turned into a nightmare. Is there any way to escape, or will she remain a slave to the mafia boss forever?