29

33 2 0
                                        




Kinagabihan ay hindi pa din ako pinapansin kahit lumapit ako ay umiiwas siya. And it hurts. Kasi napapahiya na ako dito. Lahat sila ay naka tingin lang sa 'min at nag mumukha na akong tanga.

Kakain na kami at mas pinili ko na lang na tumabi kay Nicole at Emma na abala sa pakikipag chikahan sa isa't isa.

"Hey, what's wrong?" Tanong ni Emma nung naramdaman niyang sumandal ako sa balikat niya.

"It's nothing, I'm just tired," sabi ko. Hindi ko mapigilan maluha na naman kaya iniwas ko ang ulo ko at humarap sa kung saan hindi nila makikita ang ulo ko.

"Hey," Nicole said at nakita ko siya sa gilid ko. "What's wrong? Nag away kayo?" Tumango na lang ako.

Mayamaya ay tumayo siya. "Uh, mga tito's and tita's pwede po ba namin mahiram muna si Solana?" Nag taka naman ako sa sinabi ni Nicole kaya tinitigan ko siya. "We'll talk,"

"Osige, balik kayo agad ha? Malapit na matapos ang pagkain,"

Dahan dahan ako tumayo at nag pahila na lang do'n sa dalawa.

"Don't cry na, mamaya mag ba-bar tayo hahanapan ka namin ng lalake," nilakasan ni Emma ang boses niya at hindi ko alam kung bakit niya ginawa 'yon.

Nandito kami ngayon sa garden at sinabi ko sakanila ang pinag awayan namin ni Damon, at kung bakit siya galit.

"Eh talaga namang magagalit 'yon, lahat kami dito ay kulang na lang mahimatay nung nakita ka namin mag drive ng motor. Kahit naman nag practice ka sa ibang bansa hindi pa din safe 'yon lalo na dito. Tama naman si Damon pero dapat hindi ka niya manlang iniwan," sabi ni Emma. "Hayaan mo bugbog sarado siya sa 'min ni Noah,"

Dahil sa sinabi niya ay medyo natuwa naman ako. "Tandaan mo nandito kami lagi para sa 'yo," Nicole said at niyakap ako.

"Sabihin mo sa 'min lahat ng problems niyo ni Damon at makikinig kami sa 'yo," sabi ni Emma at hinawakan ang kamay ko.

Naiyak na naman ako at hindi maiwasan isipin na napaka swerte ko at sila ang naging kaibigan ko.

"I'm so lucky to have you both in my life," sabi ko at niyakap silang dalawa. "Thank you for always being here with me,"

"We love you of course nandito kami para sa yo," napangiti na lang ako at naisipan na namin bumalik.

Pag balik namin ay sakto naman na nakahain na ang kakainin namin.

"Victor and Patricia, thank you for taking good care of Solana noong mga panahong hindi namin siya mahanap pero hindi kami tumigil sa pag hahanap sa kanya lalo na itong si Diego, kaya malaki ang pasasalamat namin sa inyong dalawa," Dad said.

"It's nothing, tinuring na rin namin siya na parang tunay naming anak. Noong nakita nga namin siya ay punong-puno siya ng takot at nung iuwi namin dito lagi siya nananaginip at umiiyak pa. She keeps on screaming 'mommy, mommy' with tears at nanginginig pa siya,"

"It's because her mother died in a car accident at kasama siya ng Mommy niya, but she survived," Dad said.

"I'm sorry to hear that,"

"No it's okay, actually this dinner is for you. Matagal na namin kayo gusto makilala ni Diego para makapag pasalamat kami sa pag kupkop kay Solana, so thank you," Dad said. Tumayo siya at niyakap niya sila Mama.

Hindi ako maka tingin sa harapan ko dahil alam ko na naka tingin si Damon sa 'kin.

After dinner ay kinuha ko na ang bag ko at nilapitan si Kuya. "Hey, galit ka din ba?" I asked him.

Slave of The Mafia BossMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon