Isang buwan na ang nakalipas nang maipangako sa akin si Damon ang pag babago niya at ang masasabi ko ay nag bago nga siya pero slave pa din niya ako. Light duties lang ang pinapagawa niya sa akin para hindi ako mapagod ng husto.Ngayon ay naliligo siya at ako naman ay hinahanda ang mga damit na susuotin niya pati na rin ang gamit na dadalhin niya. Nang maihanda ko iyon ay lumabas na ako at nag handa naman ako ng agahan niya.
Pag baba ko naka handa na pala ang lahat kaya ngumiti ako kila Emma nang makita ako. "Prepared na lahat," she said.
"Thank you," sabi ko sakanya.
"Pababa na si sir," sabi ni Emma kaya lumingon ako sa may hagdan at nakita ko si Damon na suot ang damit na hinanda ko para sakanya pero ang necktie niya ay hindi pa nakaayos.
Lumapit ako sakanya para ayusin iyon at nakarinig naman ako ng impit na sigaw, tinignan ko kung sino iyon at nakita ko si Emma at nanay Connie na nag pipigil ng kilig.
"Kain ka muna ng agahan bago ka umalis," sabi ko sakanya habang inaayusan ko siya.
"I want to eat breakfast with you but I really need to go," sabi niya. Ngumiti ako at tinitigan siya. "Don't give me that look,"
Natawa na lang ako. "Just kidding! Sige na umalis ka na, ingat ka," he smiled at me and he went out. Hindi ko na siya hinatid dahil malaki na siya.
Pag lingon ko kila nanay Connie ay inasar nila ako. "Ikaw ah! May something sa inyo ano?" Emma asked.
"Wala!" Nakangiti kong sabi sakanila. Binigyan nila ako ng tingin na hindi sila naniniwala. "Ay nako! Wala nga!" Ulit ko sakanila pero ayaw talaga nila maniwala sa akin.
Bahala na sila kung ayaw nila maniwala basta sinabi ko na sakanila na wala nga dahil wala naman talaga. We have this boss and slave relationship, pero as a couple? Wala! Malabo mangyari iyon dahil hindi naman ako pasok sa ideal types niya.
Baka nga mas maganda pa sa akin ang type niya, by the looks of my face average lang. Hindi naman kasi ako maganda kahit ang daming nag sasabi sa akin na maganda ako. Kung sakanila ay maganda ako para sa akin ay tama lang.
Nag punta na lang ako sa kusina para tulungan si nanay Connie mag luto ng uulamin nang sumunod sa akin si Emma. "Sa ilang buwan niyong nag kamabutihan wala ka nararamdaman para kay sir Damon?" Tanong niya habang nasa tabi ko si nanay Connie.
Sinamaan ko siya ng tingin pero hindi siya nag pa tinag. "Wala! As in wala! Aaminin ko gwapo si sir pero ayoko umasa sakanya," pag lilinaw ko sakanila.
"Edi inamin mo na crush mo siya," nakangiting sabi ni Emma. Napairap na lang ako at nag patuloy na lang sa pag tulong.
Habang abala kami sa pag luluto at pag lilinis may nag doorbell naman, at ako na ang nag presinta na buksan iyon.
Pag bukas ko nakita ko si Madam. Nakangiti siya sa akin kaya ngumiti din naman ako. "Hi my dear!" Pag bungad niya sa akin.
"Good morning po," bati ko sakanya pabalik.
Akala ko ay siya lang ang mag isang pumunta dito pero kasama niya pala ang tatay ni sir Damon. "Good morning po sir," nakangiting bati ko sakanya.
Nakangiti siya sa akin at bigla na lang ako niyakap. "Good morning din hija," pagka sabi niya noon ay pumasok na siya sa loob. "Andito pa ba si Damon?" He asked.
"Wala na po Mr. Alejandro, kakaalis lang po," sabi ni nanay Connie.
"Hon, hindi na natin siya naabutan. Baka nasa meeting na yon ngayon," sabi ni sir Albert.

BINABASA MO ANG
Slave of The Mafia Boss
RomansaWhen Solana's parents sold her to Damon Alejandro, the ruthless and feared mafia boss, her life turned into a nightmare. Is there any way to escape, or will she remain a slave to the mafia boss forever?