28

14 0 0
                                        


Nandito ako ngayon sa garden ng bahay ni Damon at hindi ko alam kung bakit niya ako pinapunta dito. Tinakot pa ko ni Diego na lagot daw ako kaya iniisip ko kung ano ang ginawa ko para mapatawag ako ni Dad.

"Kamusta pala ang visit mo sa adopted parents mo?" He suddenly asked. "I'm planning to invite then for dinner mamaya para kumpleto tayo at para makapag pasalamat ako sakanila personally for taking care of you,"

"Okay lang naman Dad, actually they want to meet you and Diego kaso hindi ko na sila ulit napuntahan dahil sa mga nangyari." I told him.

"Why don't you invite them here? Naging part din naman sila ng buhay mo," he said. Natuwa naman ako sa sinabi niya at niyakap siya. "Mag pasama ka na lang ulit sa kuya mo or you want isama mo na din si Damon at ang anak niyo,"

Tumango na lang ako sa sinabi niya. "Thank you Dad,"

"Anything for you my love," sabi niya at tinitigan ang mukha ko. "I'm sure your mom is happy,"

"I know,"

Nag paalam na ako sakanya para sabihan si Damon at Diego. Pag pasok ko nakita ko si Noah at Nicholas na nag lalaro ng Xbox.

Hinanap ko si Damon at nakita ko siya kausap si Diego.

"What's your plan? Tapos na ang problema mo kay Danica, are you going to marry my sister?" Hindi ko inaasahan ang tanong na 'yon ni Diego.

"Yes, I'm going to marry her pero nag hahanap pa ako ng time para itanong sakanya ang tanong na 'yon. And I want to ask for permission muna sainyo ni Tito Ben bago ko siya tanungin," Damon said.

"You know, when I found her sa elevator ng company mo she looks fragile. Hindi 'yon ang ineexpect ko na reaksyon sa mukha niya, she's crying, she's scared. I'm expecting na magugulat siya pag nag pakilala ako sakanya. And then she told us kung bakit siya umiiyak noong araw na 'yon, nagalit ako kasi hindi ko 'yon inaasahan na mangyayari sa kapatid ko na hindi ko nakita ng ilang taon tapos makikita ko siya ng ganon," he stop talking kaya nag taka ako. I was about to peak at them nang mag salita ulit si Diego.

"Galit na galit ako sa 'yo kasi ginawa mo 'yon sa kapatid ko pero she told me na 'wag ka saktan. She begged me kaya hindi ko ginawa. Kahit sinaktan mo ang kapatid ko mentally and physically nag aalala pa din siya sa 'yo. Ngayon okay na kayo 'wag mo na sana saktan ang kapatid ko, 'wag mo na siya paiyakin dahil pag umuwi 'yan sa bahay ng umiiyak humanda ka sa 'kin,"

Napangiti na lang ako at nagulat nang may kumalabit sa likod ko. Nakita ko si Noah na naka kunot ang noo habang naka tingin sa 'kin.

"Anong ginagawa mo dyan? Para kang tanga," sabi niya kaya sinamaan ko siya ng tingin. "'Wag mo ako tignan ng masama dahil totoo naman!"

Inirapan ko na lang siya. "Ano ba kasi pinapakinggan mo?" He asked at naki chismis din ang gago.

"I'm sorry if naabutan mo siya ng ganon. I don't know kung ano ang pumasok sa isip ko at ginawa ko 'yon sakanya. I really love your sister simula nung araw na gumaan ang loob ko sakanya at hanggang ngayon ay mahal na mahal ko pa din siya,"

"Kilig ka na naman," sabi ni Noah sa likod ko. Ang bigat niya ha! Hindi siya magaan.

"Anong ginagawa niyong dalawa dyan?!" Napatingin kaming dalawa ni Noah at nakita namin si Tita na naka tayo doon.

Shit! Panigurado narinig siya nila Damon kaya nagka tinginan kami ni Noah.

"What's happening here?" Hindi ako makalingon kay Damon nang marinig ko ang tanong niya.

Slave of The Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon