25

23 0 0
                                        


Kinabukasan ay maaga ako umalis ng bahay dahil may meeting na naman ako na dapat puntahan. Hindi ko na masyado nakakasama ang anak ko. Maybe after this meeting mag papaalam ako kah Dad if pwede ako umuwi para makasama ko naman ang anak ko.

Habang nasa daan ay nakatingin lang ako sa labas nang may mag message sa 'kin.

From: Nicholas

did you arrive in the company? ipapaalam ko lang sana if I can bring Winter sa mall para hindi siya ma-bored? Isasama ko na lang ang isa sa maids niyo. If that's okay?

Napangiti na lang ako nang mabasa ko ang message niya.

To: Nicholas

yes go ahead just make sure nakahawak siya sa 'yo or sa maid na isasama niyo. take care! message me kung saang mall kayo kasi mag papaalam ako kay Dad if pwede mag half day. I want to spend a day with Winter.

Hindi na siya naka reply maybe he's already in the bathroom.

Pag dating ko sa company ay hindi ko nakita si Damon but nandito sila Jacob, Emma at ang parents nila. Tumingin sa 'kin si Tita at ngumiti.

Lumapit ako sakanila at niyakap si Emma. Tumingin ako kay Tita at hinawakan ang kamay niya na hindi niya inaasahan na gagawin ko. "Can I talk to you both?"

Nagka tinginan si Tita and Tito at sumunod na lang sa 'kin. Pag pasok namin sa room kung saan kami nag usap-usap nila Emma kahapon sinara ko ang pinto at humarap sakanila.

"Hi," paninimula ko. Si Tita ay nag pipigil ng luha habang si Tito naman ay nakatingin sa 'kin saka hinawakan ang kamay ko.

"We're sorry for all the things we did in the past, sorry if we didn't tell you about Danica being Damon's ex-wife. The reason we didn't tell you kasi hindi naman na importante ang babaeng 'yon, she's nothing but a gold digger. Hindi namin alam bakit pinapahanap siya ni Damon noon kaya nang malaman namin na nasa HQ siya ay agad kami nag punta doon, aaminin ko sa 'yo hija nagalit kami kay Damon dahil sa ginawa niya sa 'yo, I hope you can still forgive us," sabi ni Tito.

"Kahit hindi po importante sana po sinabi niyo para aware ako, but it's all in the past na kaya 'wag na natin isipin. I think I got my revenge naman na, inalis ko ang Ramirez sa board of directors kaya wala ng connect ang Ramirez Group of Companies sa kumpanya ko,"

"What? How did it happen?"

"Kahapon lang po, Danica made an appointment with me na late sinabi sa 'kin ng secretary ko. Then when I arrived there wala pa siya at nang makarating siya nagulat siya dahil nakita niya si Jacob na nasa likod ko guarding me. She didn't know my face at all kilala niya lang ang pangalang Solana Brielle, then nag pakilala ako sakanya as the daughter of Benjamin Diaz. She didn't expect it at all, and then I told her na inaalis ko na ang Ramirez sa board of directors, and before I leave the room binuhusan ko muna siya ng tubig and I said. 'That's for ruining our lives' then I left," pag kukwento ko sakanila kaya pareho silang natawa.

"Matagal na gusto alisin ng Dad mo sng Ramirez humahanap lang talaga siya ng butas," sabi ni Tito.

"Yes I know he told me yesterday, I finally did his wish," I said and smiled at them. "Uh, I want to show you something but I have a favor to ask? If that's okay?"

"Sure hija! Any favor you ask okay na okay sa 'min," sabi ni Tita. Ngumiti naman ako at kinuha ang phone ko at pinakita ang picture ni Winter.

"She's pretty," sabi ni Tito.

"She's your grand child," pareho silang napatingin sa 'kin nang sabihin ko 'yon.

"D–Damon's daughter?" Tumango ako sa tanong ni Tita dahilan para yakapin niya ako. "I'm so happy!" sabi niya habang humahagulgol. "Thank you for giving birth to her,"

Slave of The Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon