24

14 0 0
                                        




"Simula ngayon inaalis ko na ang Ramirez Group of Company sa board of directors, you are no longer connected to Diaz Group of Company,"

After I said that umalis na ako pero bago ako makalabas ay kinuha ko ang pitsel na hawak nung waiter at saka ako lumapit sakanya at binuhos ang tubig.

"That's for ruining our lives," lumabas na ako at nakasunod sa 'kin ang dalawa.

Palabas na kami ng restaurant nang maka receive ako ng tawag galing kay kuya.

"Hey, how was it?"

"It felt fucking good,"

"Sayang hindi ako nakasama! Edi sana nakita ko ang itsura niya!"

He knows dahil sinabi ko sakanya. He didn't get mad at me nang sabihin ko sakanya na aalisin ko ang Ramirez sa board of directors, he even support my decision. Hindi ko lang alam kay Dad.

"Ihahanda ko na lang siguro ang tainga ko sa sermon ni Dad,"

Narinig ko siyang natawa. "Alam na niya kaya bumalik ka daw dito,"

He ended the call kaya kinakabahan ako bumalik sa office.

"Okay ka lang?" Tanong ni Jacob.

"Yes, let's go. Balik tayo sa company," sabi ko sakanila kaya sumakay na ulit kami ng sasakyan. At habang nasa biyahe ay nag dadasal ako na sana may bahay pa ako na uuwian.

Pag balik namin sa company ay pinag papawisan na ako ng malamig.

Nang makarating kami sa top floor ay nakita ko sila Damon at Emma na nandoon.

"Are you okay?" Emma asked. "Bakit parang kinakabahan ka?"

"Kanina pa ako pinag papawisan ng malamig at kanina pa ako nag dadasal na sana may bahay pa ako na uwian," natawa na lang si Emma sa sinabi ko at mag sasalita pa sana nang tawagin ako ni Diego.

"Solana, come here," napapikit na lang ako at saka ako nag lakas palapit sakanya.

Pag pasok ko ng opisina ni Dad ay naka tayo siya sa may glass window at tinatanaw ang magandang view.

"Dad, she's here,"

Lumingon naman si Dad at kita ko ang kunot niyang noo at saka lumapit sa 'kin. Pag lapit sa 'kin ay pinalo niya ako sa pwet.

"Dad!"

"That's for going there without your brother! Paano kung mapahamak ka? Paano kung saktan ka nila? Wala ang kuya mo doon!"

"I'm with Jacob naman as my bodyguard kasi binalaan na nila ako kay Danica Ramirez kaya I offer him to be my bodyguard," sabi ko sakanya. "Are you mad at me? Tinanggal ko ang Ramirez,"

"I'm not mad at you, matagal ko na talaga gusto alisin ang Ramirez sa company pero humahanap lang ako ng butas, and then you did," napangiti na lang ako sa sinabi niya.

Kinuwento ko sakanila ang mga nangyari at tawa sila ng tawa nang malaman nila ang ginawa ko kay Danica.

"Just be careful okay?" tumango na lang ako sa sinabi ni Dad at saka ako nag paalam na babalik na muna sa office ko para mag pahinga.

Pag labas ko ng office ni Dad lumapit na muna ako kay Dane.

"Dane, pag may nag hanap sa 'kin sabihin mo na lang na hindi ako available ha? Matutulog na muna ako at kung may ipapapirma ka ipapirma mo na lang kay Diego,"

"Noted madam!" ngumiti na lang ako at pumasok na ng opisina ko at saka ako pumasok sa mini room ko kung saan ako nag papahinga.

Pag higa ko ay hindi ko inaasahan na makakatulog agad ako.

Nang magising ako ay almost 5PM na kaya agad ako lumabas ng mini room ko at nakita ko si Damon, Emma, Jacob at kuya na nakaupo doon.

"Bakit nandito kayong lahat?" I asked them kaya lahat sila tumingin sa 'kin.

"We're having a meeting here," sabi ni Diego.

"Ano ang silbi ng meeting room kung dito kayo nag memeeting sa opisina ko?" natawa na lang si kuya.

"Mag ayos ka na uwi na tayo," sabi niya. Hindi na lang ako nag salita at sinunod na lang ang sinabi niya.

Inayos ko ang buhok ko at tinignan kung may muta ba ako or kung nagulo ba ang make up ko. Nang matignan ko na ayos naman ang mukha ko ay lumabas na ako.

Nandito pa din sila at ramdam mo na may nakatingin sa 'kin pero hindi ako tumitingin dahil alam ko naman kung sino 'yon.

Nang makuha ko ang gamit ko ay lumabas na ako at hindi inintay si Diego.

Mayamaya naman ay lumabas si Emma at saka ako niyakap. "Thank you dahil napatawad mo ako na hindi ko inaasahan na mapapatawad mo ako," ngumiti naman ako kaya niyakap ko siya pabalik.

"Just don't lie to me again,"

"Yes! I won't lie to you," sabi niya kaya pareho kaming natawa. "You did a great job earlier sa restaurant, Jacob told me. She deserves it," napangiti na lang ako. "Basta mag iingat ka lagi ha?" Tumango na lang ako.

Lumabas na sila Damon at hawak ko ang kamay ni Emma, napatingin naman si Damon sa magka hawak naming kamay at nag tataka na tumingin kay Emma.

"Halika na!" sabi ni Diego at inakbayan ako. "Bye guys! See you tomorrow!"

"Bye!" Nag paalam na din ako sakanila.



Pag uwi namin ay sumalubong sa 'kin si Winter. "Mommy!" nawala lahat ng pagod ko nang makita ko ang anak ko.

"How's your day anak?" I asked her.

"It's okay mommy! Dad and I play some toys in my room kaya hindi kami na bored," nakangiting sabi niya. "Are you okay mommy? You looked tired,"

"Tired? Ilang oras natulog 'yang nanay mo," sabi ni Diego kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Mamahimik ka nga!" sabi ko sakanya. Tumahimik nga siya kaya naman nakipag laro ako sa anak ko kahit medyo pagod ako.

Kulang pa din ang tinulog ko kaya ramdam ko pa din ang pagod at antok.

Mayamaya ay nakita ko si Nicholas na pababa kaya lumapit ako sakanya at niyakap siya. "Kumain ka na?" He asked.

"Hindi pa," I said.

"Okay, I'll cook for you," sabi niya at hinalikan ang likod ng palad ko. I smiled at him as he walk papasok sa kitchen.

Hindi ako mag sasawang sabihin na napaka swerte ko at nakilala ko ang lalaking 'to. Ang swerte ng magiging girlfriend niya dahil napaka caring ni Nicholas. I hope someone will love him, someone will treasure him the most. Because for me and Winter he's our life saver.

Natapos siya mag luto kaya nandito kaming dalawa sa kusina at pinapanood niya lang ako kumain.

"I talked to Emma earlier at napatawad ko na silang dalawa ni Jacob," he knows Emma and Jacob dahil nakukwento ko sakanya kung paano nila ako alagaan noon. Jacob used to be my doctor, and Emma used to be my friend.

"Good to hear that, you're slowly forgiving the people who hurt you," napangiti na lang ako sa sinabi niya. "Did you tell then about Winter?"

"Yes, and I asked a favor na 'wag muna sabihin kay Damon pumayag naman sila," I said. "But, I'm scared. Pag nasabi ko na kay Damon baka mawala ka sa 'min ni Winter," nag aalala kong sabi sakanya.

"Shhh, don't think like that. Hindi ako mawawala sa tabi niyo ni Winter. I'll be with you forever," I hugged him tight at parang ayoko umalis sa yakap namin.

I want us to stay like this forever, I really hope that makakasama pa rin namin siya ni Winter. I owe him a lot.

****

Slave of The Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon